PHOENIX GONZALES It’s been a week simula nang masabi ko kay Jake ang tungkol sa nangyari sa akin noon. At simula rin noong araw na ‘yon ay hindi pa ulit kami nakapag-usap. Marami pa kaming dapat pag-usapan dahil hindi ko pa nababanggit sa kaniya ang tungkol sa plano ni MJ sa kanilang mag-ama. At bukas na iyon kaya hindi ko maiwasang mag-alala. Ini-unblock ko na siya sa social media ko, maging ang mobile number niya. Pero hindi ko naman siya p’wedeng kontakin. Hindi ko p’wedeng banggitin iyon sa kaniya sa text message o sa chat dahil alam kong may ini-install si MJ sa phone ko para ma-minitor lahat ng galaw ko, kung sino ang kausap ko, sino ang ka-chat ko, at maging ang pakikipagpalitan ko ng conversation ay alam niya. Kapag may kausap din ako sa phone, automatic na nare-record ang bose

