VALERIE HERA "Wag mo na s’yang intindihin,” sabi ni Gino at bahagya akong nilapitan oras na lumabas si Jake sa main door. “Kung hindi mo talaga alam mga sinasabi n’ya, isipin mo na lang na galing s’ya sa ibang planeta. Para hindi ka ma-stress. Sige na, umakyat ka na sa taas. Punta lang ako sa bar. Kung may kailangan ka man, one call away lang ako.” Ngumiti pa siya sa ‘kin bago tumalikod at tinungo na rin ang main door, palabas. Laglag naman ang balikat kong dumiretso sa sala sa halip na umakyat sa kwarto. Para akong nanlambot sa mga binitawang salita ni Jake kanina at hindi ko alam kung bakit. "Kailangan mapaniwala mo 'ko na hindi nga ikaw ang hinahanap ko, dahil sa oras na mapatunayan kong ikaw s’ya, sa ayaw at sa gusto mo...babawiin kita." Pabagsak akong naupo sa couch. At sa pag-upo

