PHOENIX GONZALES Kanina ay halos tila hindi ko alam kung ano’ng nangyayari. But now that I am completely sobered, na-realized kong hindi sa condo namin ni ate ang direksyon ng sasakyan niya kun’di sa dati naming bahay ni Jake, na bahay niya na lang ngayon. Halos hindi ako nakakibo dahil sa tulin niyang magpatakbo, na lalong nagpabalik sa akin sa huwisyo. Ang alam ko lang ay mahigpit akong nakakapit sa seatbelt ko maging sa handle sa itaas dahil parang naiiwan ang aking kaluluwa sa hulihan dahil sa paglipad ng sasakyan niya. When we finally got to his house, he quickly got out of the car and went around to my side to open the door for me. “J-Jake, teka…” I didn't want to go out but he quickly reached my hand and pulled me—in a way that didn't hurt me. At oras na makarating kami sa kwar

