JENNIE'S POV Nagmamadali akong kumilos ngayong umaga, na-late kasi ako ng gising dahil sa anong oras na din akong nakatulog kagabi. Nag review kasi ako dahil bukas na ang unang araw ng prelim examination. Ewan ko ba naman kasi sa professor namin sa Oral Communication kung bakit gusto niya pang magklase pa samantalang busy na dapat ang mga estudyante ngayon sa pagrereview para sa nalalapit na exam. Inis na naglalakad ako ngayon sa hallway ng university ng biglang may tumawag sa pangalan ko. " Jennie! Jennie! Wait up! " sigaw ng isang matandang babae, at ng lingunin ko kung sino ay si Ms. Ivy " Thank you " hinihingal nitong sabi " Bakit po Ms. Ivy ? " " Can you please visit me at my office after your class ? " " I have something to discuss with you " mabilis niyang paliwanag " A

