CHAPTER 13

1462 Words

JUSTIN'S POV Marahan akong tumayo at nag-unat ng aking katawan. Parang pagod na pagod kasi ang aking katawan sa maghapon na pagtuturo at paper works. Hindi rin biro ang maging isang guro nariyan ang maghapong pagsasalita para maipahayag ng maayos sa mga estudyante ang tatalakayin sa bawat araw, kung sa iba matatapos na ang kanilang araw sa gabi ngunit para sa amin, doon pa lamang nagsisimula ang panibagong laban. Pero dahil sa gusto ko talaga ang pagtuturo, mas pinipili ko pa ring bumangon at magpatuloy. Nagmamadali akong inililigpit ang aking gamit dahil sa gustong gusto ko na ring makauwi para makapag pahinga kahit papano, habang naglalakad ako papunta sa parking lot, tanaw ko na agad mula sa malayo si Jennie na kabababa lang sa motosiklo ng isang lalaki na sa wari ko'y si Josh River

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD