JENNIE'S POV Habang papalapit ng papalapit ang oras ay mas lalo akong kinakabahan. Pakiramdam ko ay may kung anong mangyayari sa aming dalawa, o baka naman sa isiping makakasama ko si Vale kaya ako nakakaramdam ng kaba. Nalihis ang aking atensiyon ng marinig ko ang boses ni Jade. " Let's go Jennie" masayang saad ni Jade ng papasakay na kami ng sasakyan. " Be good, okay ? " Nangingiti ko namang sambit dito tsaka naupo ng makasakay " I will, you too " pahabol pa nitong saad bago nagtuloy sa pagupo sa aking tabi. Nakisabay na kasi ako kay Jade palabas ng aming gate. Hindi ko rin kasi ipinaalam kahit kay Auntie Claire kung sino talaga ang aking makakasama sa lakad ko ngayong araw. Basta ang alam lang nila ay may gala kami ng mga kaibigan ko sa University. Hindi ko rin naman kasi maa

