JUSTIN'S POV Nang matapos akong maglinis ng lahat ng aming pinagkainan ay agad naman akong nagtungo sa sala para samahan muli sila, ngunit ng makarating ako ay hindi ko nadatnan ang mga ito roon kaya naman dali-dali akong umakyat sa taas para i-check kung nandon ba sila sa kwarto ni Athena. ‘At hindi nga ako nagkamali’ nangingiting saad ko sa aking sarili , ngunit ng bubuksan ko pa lang ang nakaawang na pinto ay bigla ko ulit narinig ang boses ni Athena. “ You always take care of us, especially Kuya Vale. I see how you care for the three of us the whole day. “ Ani Athena na agad namang nagbigay ng ngiti sa aking mga labi, ngunit mas lalo akong nanlambot ng marinig ang sagot dito ni Jennie. “ That so sweet of you, I’ll always be by your side Athena, just like your Kuya Vale to you and

