JENNIE'S POV
" Bagong University, bagong taong makikilala " sambit ni Jennie habang nakatayo sa harap ng kilalang unibersidad, ang Golden Crest University. Ngayon ang unang araw niya sa university, kaya mas pinili niyang pumasok ng maaga dahil mas gusto niya munang libutin ang campus bago siya pumasok sa kanyang unang klase.
" I guess new chapter of me" sambit niya sa kanyang sarili habang nakangiting pinagmamasdan ang istraktura ng unibersidad, hindi maiaalis sa mukha ni Jennie ang paghanga sa nasabing istraktura, pakiramdam niya para siyang nasa isang enchanted place. Ang bawat building ay nahahawig sa isang famous cathedral sa Barcelona, sobrang detalyado ng pagkakagawa, may mga bench sa paligid na nasa ilalim ng mga puno, picnic area, sobrang lawak na open space at parking lot, at bukod sa hagdan ay meron ding escalator at elevator na siyang mas ginagamit, bawat sports ay may sari-sariling designated space sa loob ng campus. Kung iisipin mo kulang ang isang araw para libutin ang buong campus, kaya napag pasiyahan ni Jennie na tumambay muna sa isa sa mga bench na nasa ilalim ng puno, balak niya sana tumambay sa library ngunit hindi niya alam kung san ang daan papunta dito.
Habang nakaupo siya naalala niya bigla ang kanyang kaibigan na si Jasmine, kasa-kasama niya ito simula pa lang ng mga bata sila dahil sa matalik na magkaibigan din ang kanilang mga magulang. Ngunit kinailangang mag migrate ng pamilya ni Jasmine sa ibang bansa dahil na din sa problema sa kanilang kumpanya. Kaya mag-isa siyang naka upo ngayon, umaasang matatapos niya ng maayos ang school year ngayong taon. Habang nililibang ni Jennie ang kanyang sarili, may lalaking lumapit sa kanyang pwesto.
" May I sit here ? " tanong ng isang lalaki sa kanya. Medyo may katabaan ito ngunit hindi gaanong mapapansin dahil sa tangkad nito na parang mga nasa 5'10 , kayumanggi ang kulay, medyo kulot ang buhok, at parang nahahawig sa isang modelo ang mukha nito.
" Yes you may" sagot ko habang nakangiti dito.
" My name is Josh.... " sambit niya ng nakangiti
" Josh River " dagdag niya
" I'm ..... Jennie Clint " pagpapakilala ko din sa kanya
" Uhm you mean the daughter of Richard Clint, the owner of the well known Clint Corporation ? " namamanghang tanong niya
" Yes " nahihiyang sagot ko sa kanya
" So it's true ? His daughters gonna be here at Golden Crest " hindi makapaniwalang sambit niya
Napansin niya sigurong medyo naiilang ako sa mga reaction niya kaya agad siyang humingi ng paumanhin
" I just want everybody to treat me equally " pagpapaliwanag ko sa kanya
" I totally get it, and you know I'm ... sorry " seryosong sambit niya
" Anyway, do you speak tagalog ? Where you from ? " pagtatanong ko sa kanya, para hindi maging awkward saming dalawa.
" A little, but I wanna learn so bad, that's why I'm here " sambit niya
" And oh, I'm from Canada " dagdag nito
Makalipas ang ilang minuto tumunog bigla ang kanyang alarm at bigla siyang nag ayos ng kanyang gamit
" I gotta go, my class starts in the afternoon " sambit niya
" Mine too " sagot ko sa kanya
" Are you from Engineering department ? " pagtatanong niya " Cause I am " dagdag nito
" Yes, my room number is 407, what's yours ? " pagtatanong ko
" Sameeeeeee" di makapaniwalang sambit niya
" Oh great .... do you happen to know where that room is ? " nahihiyang tanong ko
" No, I plan to just find it before the orientation starts "
" Mind if I join you ? "
" No, of course ..... it'll be my pleasure young lady " pabirong sambit niya
Napailing-iling na lang ako sa sinabi niya, kahit papano ay napapanatag na din ang loob ko. Medyo kinakabahan din kasi ako sa kung anong magiging journey ko dito sa bagong unibersidad. Lalo pa ngayon at wala ang nag iisa kong kaibigan na si Jasmine. Hindi ko alam kung magkakaroon ako ng bagong magiging kaibigan, pero at least ngayon may bago na kong kakilala.. si Josh.
Habang naglalakad ako sa kahabaan ng hallway, hindi ko mapigilang hindi makaramdam ng excitement, sobrang namamangha ako sa mga nakikita ko sa loob ng campus. Malaki ang bawat silid, parang mala sine ang ayos nito ang pinagkaiba lang ay may mga lamesang mahahaba na sumasakop sa bawat hanay ng magkabilang gilid ng aisle. Habang nililibot ko ang aking mga mata sa bawat sulok ng silid napahinto ako ng mapansin ko ang isang lalaki at babaeng mariing nag-uusap. Tanging ang likurang bahagi lang ng lalaki at mukha ng babae ang aking nakikita, bakas sa mukha nito ang inis at pagkalito sa kung ano man ang kanilang pinaguusapan. Bago pa man ako makaalis sa aking kinatatayuan, tila napansin na ng babae ang aking presensya kaya't nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha. Agad akong nag-iwas ng tingin. Nagkataon namang kalalabas lang ni Josh mula sa banyo.
" What are you doing there ? " tanong niya
" Oh, I just... want to have a look " pagdadahilan ko naman
" A look of what ? " nagtatakang tanong niya
" Nothin' " sambit ko habang pilit na hinihila si Josh papalayo sa silid.
" What are you doing , That's the room 407 " madiin at pabulong na sambit niya.
" I know, but our class will start later" pagrarason ko sa kanya
Agad naman siyang sumunod at hindi na nagsalita pa ngunit bakas pa rin sa kanyang mukha ang pagtataka. Nang nakarating kami sa isang room kung saan gaganapin ang orientation, agad kaming humanap ng pwesto malapit sa stage. Medyo kakaunti na lang ang mga estudyante dahil hinati-hati na ang araw sa bawat batch ng mag o-orientation. Ngayon ang pangalawang araw ng orientation kaya ang ibang mga estudyante ay nasa kanya kanya na nilang mga silid. Habang naka upo kami, ramdam ko na agad ang mga tingin at bulong-bulungan ng mga tao sa paligid. Karamihan sa kanila ay tila ba parang sinusuri ako mula ulo hanggang paa. Sa totoo lang wala naman akong pakialam sa kung ano man ang sabihin nila patungkol sakin, nakakailang lang sa pakiramdam kapag ikaw ang center of attraction. Alam kong ng dahil sa magulang ko kaya ako nagkaroon ng ganitong prebilihiyo. May pagkakataon na pakiramdam ko dahil lang sa kung ano ang estado ko sa buhay kaya ko nakukuha ang lahat ng hangarin ko, ngunit hindi ganon ang nais kong mangyari, mas gusto kong tumayo sa sarili kong mga paa, gusto kong makuha ang lahat ng gusto ko dahil sa pagsusumikap ko at hindi dahil sa kung anong prebilihiyo ang meron ako.
Habang nililibot ko ang aking mga mata , may isang babaeng umakyat sa stage at nagsalita. Siya pala ang president ng university, sa wari ko'y nasa mga 60 years old na ang babae, puti na ang buhok at naka salamin na rin. Nagbigay lang siya ng isang maikling mensahe para sa lahat, pagtapos ay agad din niyang pinakilala ang bawat professor sa Engineering Department, habang umaakyat isa-isa ang bawat professor, napansin ko ang pamilyar na mukha ng isang babae. Siya yung babaeng nakita ko kanina sa isang silid kasama ang isang lalaki, nagtama ang aming mga mata ng sa sandaling inilibot niya ang kanyang paningin. Hindi ko alam kung bakit ganon na lamang ang tingin niya sakin, para bang may pagbabanta sa tingin niya. Agad naman siyang nag iwas ng tingin ng magsitilian ang mga estudyante sa pag akyat sa stage ng isang professor. Siya pala ang magiging professor namin sa calculus, aaminin kong maganda ang kanyang mukha, maihahalintulad sa isang perfect sculpture may matipunong pangangatawan, moreno at matangkad. Parang halos lahat ng parte ng kanyang katawan ay walang hindi perpekto. Hindi ko namalayan na kanina pa pala ko nakatitig sa kanyang mukha kung hindi pa nagsalita si Josh na nasa tabi ko nga lang pala.
" He'll melt if you stare much longer " natatawang sambit ni Josh.
Agad naman akong bumalik sa ulirat, hindi ko namalayan na pati pala ako ay nahipnotismo din sa presensya ng professor. Makalipas ang ilang minuto at natapos na ang orientation, agad ng pinabalik sa kanya-kanyang silid ang mga estudyante. Bago pa man ako tumalikod tumingin ulit ako ng isang beses pa sa professor, ngunit hindi ko inaasahang nakatingin na din pala siya sakin at agad na nagtama ang aming mga mata may parang kung ano akong naramdaman, bumilis ang t***k ng aking puso para bang may ibang ibig sabihin o gustong iparating ang bawat titig niya sakin. Naputol lang ito ng hawakan ako ni Josh sa dalawang balikat ko at pwersahan inikot patalikod sa stage kung san nakatayo ang professor.
" Don't worry he'll be in our room any minute" natatawang sambit niya.
" You mean we have schedule with him later ? " pagtatanong ko
" Don't you see the schedule ? " nagtatakang tanong niya
" I did " sagot ko sa tanong niya
" Oh sure you did " sarkastikong sambit niya habang natatawa