JUSTIN'S POV Habang papalapit sila Jennie ay agad akong nakaramdam ng kaba at hiya dahil sa ginawa ko kagabi, alam kong mali ang gawin iyon kaya hindi ko matignan ng diretso sa mata si Jennie ng sandaling makababa sila ng kanilang sasakyan. Napansin kong nagagalak ito sa kanyang nakikita at hindi nga ako nagkamali ng magsalita ito " Your house is beautiful " saad nito kaya agad ko namang naikwento na sa mga magulang ko ang bahay na tinitirhan naming dalawa ni Athena ngayon. Nanag makapasok kami sa loob ay nadatnan kong naglalaro na agad ang dalawang bata sa sala " They really miss each other " pagbibiro ko " Yeah, I guess they do. Kahit na kahapon pa lang nagsimula ang sembreak " ani nito kaya agad kaming nagtawanang dalawa " Anyway, anong gusto niyong kainin ? Ipagluluto ko

