Pinilit ni Kaithlyn na maglakad pabalik sa bahay niya kahit pa hinang-hina ang buong katawan niya sa katotohanang isiniwalat ni Cedric sa kaniya, kung iyon nga ay katotohanan. Napakasakit tanggapin, kung totoo man iyon, na ang nakilala at kinalakhan niyang ama ang siyang dahilan kung bakit nawala ang tunay niyang mga magulang. Na ang lahat nang ipinakita nito sa kaniya simula nang magkaisip siya ay huwad. Ano iyon pampalubag-loob dahil sa ginawa nito? Pambayad sa kasalanang ginawa nito sa kaniyang mga magulang? Awa ba ito sa kaniya? Or was it guilt? Did he ever love her for real? Or it was just his conscience that acted because of the sin he did to her family. Habang naglalakad ay hindi niya mapigilan ang panaka-nakang pag-agos ng mga luha. Pinahid niya iyon gamit ang dalawang kamay niya

