Nag-iwas na lamang siya ng tingin sa mga ito at itinuon ang pansin sa pagkain. Tumabi na rin sa kaniya si Tatiana na mukhang napansin din ang pagdating ni Cedric at Claire. Matapos kumain ay inalok siya ni Billy ng maiinom at pinaunlakan naman niya ito. Drinking session ito kaya nagkalat ang alak sa paligid. Mabilis niyang tinungga ang bigay ni Billy sa kaniya at humingi pa ng panibagong baso. Nakihalubilo na rin sa mga bisita ni Billy na karamihan ay kakilala niya at kasamahan sa race track dahil kung hindi niya iyon gagawin ay baka matuon ang atensiyon niya kina Cedric at Claire na sweet na sweet sa isang sulok na ipinapanalangin niyang putaktihin ng mga hantik sa ka-sweet-an. Tatiana never left her side too, simula nang dumating ang mga ito. Mukhang binabantayan siya nito. At habang

