Ilang basag na baso na ang lumanding sa harapan nila dahil sa kagagawan ni Cedric. He wasn't drunk yet ngunit mukhang doon na rin papunta kapag hindi pa nito itinigil ang paglaklak ng alak na nasa harapan nito. Nasa penthouse sila ng kapatid kung saan nagyaya ito ng inuman to relax his mind. Wala siyang balak uminom dahil may lakad sila bukas ngunit pumayag siya upang samahan lamang ang kapatid sa pagiging miserable nito. Halos apat na buwan na rin kasi ang nakakalipas ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nakikita ng kapatid ang hinahanap nitong asawa. At habang tumatagal ay nagiging bugnutin na ito. Marami na rin itong nabugbog at nasesanteng mga tauhan dahil wala talaga sa ayos ang mundo nito ngayon. "Pwede bang itigil mo na iyang kakabasag mo sa mga baso?" sita niya sa kapatid

