Nagising si Kaithlyn na may mainit na bagay na kumikiliti sa kaniyang leeg. Nang imulat niya ang kaniyang mga mata ay nabungaran niya si Cedric na pinapapak ang kaniyang leeg sa maiinit na mga halik nito.
Nang tuluyan na niyang maramdaman ang kaniyang paggising ay walang sabing dinaganan na naman siya nito at naglakbay ang mga kamay sa iba't ibang parte ng kaniyang katawan.
"Aren't you tired?" mahinang tanong niya ngunit umiling lamang ito sa kaniya bago siya nito binuhat at dinala sa banyo. And there, nagpakalunod na naman sila sa ligaya.
At hindi pa nakuntento roon si Cedric dahil ipinagpatuloy pa nito ang pang-aakit sa kaniya paglabas nila ng banyo. Hindi talaga ito napapagod. Sinusulit talaga nito ang mga araw na hindi sila nagkasama at nag-usap.
"Hindi ka ba papasok?" nagtatakang tanong niya rito dahil parang wala itong balak pumasok sa opisina.
"Day-off," sagot lamang nito sa kaniya. So confirmed na wala talaga itong balak pumasok sa opisina. "Mag-day-off ka na rin."
Umingos siya rito. Hindi pwede iyon dahil wala siya sa project nila nang halos dalawang araw dahil sa race na sinalihan nila. Tumayo siya at tinungo ang closet at naghanap ng damit.
"Hindi pwede. Masesermunan na naman ako ni Tatiana," sagot niya rito habang busy sa paghahanap ng maisusuot.
"Don't worry about it. Hindi ko rin naman sila pinapasok... ng tatlong araw... with pay...triple pay," sagot nito sa kaniya na ikinabitin ng kamay niya sa ere.
Nakakunot ang noo niyang napatingin sa binatang prenteng nakahiga sa kaniyang kama.
"What did you just say?" pag-uulit niya sa sinabi nito.
"I paid in triple... of their wages, daily, for their day-off," sagot nito sa kanila.
Wow! Again! Sinampal na naman siya ng kayamanan ng binata. At ano naman kaya ang sinabi ng mga ito? Siyempre paniguradong walang angal ang mga ito dahil three times ang sahod ng mga ito at tatlong araw pa iyon. Kaya pala hindi siya pinepeste ni Tatiana dahil may ginawa na naman palang milagro si Cedric.
"Three days? Why?"
Tumayo si Cedric at lumapit sa kaniya at binigyan siya ng yakap at halik. "So, you can rest. Hindi biro ang pagod mo kaya kailangan mong magpahinga." Muli siya itong binigyan ng halik sa labi bago ipinatong ang baba nito sa kaniyang balikat.
Napatango-tango lang siya sa sinabi nito. Sabagay, may punto din naman ito. Isa pa ay hindi naman lugi ang mga kasamahan niya dahil triple pay ang mga ito at makakapagpahinga pa ng tatlong araw.
"Mag-order ka na ng makakain. Gutom na ako," wika niya kay Cedric bilang pagtataboy rito na tumalima naman.
Dahil doon ay kumuha na lamang siya ng maluwang na t-shirt at short bago nagpasyang simulan ang paglilinis ng kaniyang apartment. Yaman din lang at libre siya ngayong araw. She gathered all the beddings and took them out for laundry when Cedric came. Nakakunot ang noo nitong habang nakatingin sa kaniya, bitbit ang labahin.
"What are you doing?" nagtatakang tanong nito sa kaniya.
"Maglalaba bakit?" sagot niya rito na ikinailing nito.
"But you're tired."
"I am pero wala akong aasahan para maglaba at maglinis ng tirahan ko unlike you," sagot niya rito.
Sinundan siya ng binata hanggang sa laundry area at nakakunot pa rin ang noo. Hanggang sa lumabas ito at nang muling bumalik ay pinatigil na siya sa ginagawa at pinagbibihis dahil lalabas daw silang dalawa.
"Maglalaba at maglilinis ako," giit niya rito.
"Ako na ang bahala riyan. I called someone to do that so leave it there and let's go," wika nito sa kaniya.
"Wow! Iba na talaga kapag mayaman!"
"C'mon," wika nito sa kaniya. At dahil masakit talaga ang katawan niya at gusto niyang humilata ay nagpaunlak na siya. Libre na iyon at mawawalan pa siya ng trabaho, magiging malinis pa ang apartment niya.
Hinintay muna nila ang sinasabi nitong 'someone' bago sila dumating. Ang buong akala niya ay si Cassius iyon pero ibang tao naman, mga tao pala. They talked to Cedric bago sila umalis ng binata. Nasa garahe na rin ang sasakyan nito with Cassius as the designated driver.
"Saan mo gustong pumunta?" tanong sa kaniya ng binata but she leaned her body and motioned that she wanted to sleep. Nahiga na rin siya sa hita ng binata habang nasa byahe sila dahil antok na antok pa rin siya.
When she woke up, she was back on his penthouse unit, on his bed. She snugged on the pillows and closed her eyes. Gusto niyang matulog maghapon but her stomach was protesting already kaya naman napilitan siyang lumabas ng kwarto at magtungo sa kitchen. There she found Cedric and a lady, an old one, talking.
"Hi. Sleep well?" tanong sa kaniya ni Cedric, binigyan ng halik sa labi bago hinila patungo sa island counter ng kusina. "This is Manang Sally. Siya ang cook ko rito kung tinatamad ako."
Ngumiti sa kaniya ang matanda. Tinitigan niya ang matanda dahil parang pamilyar ito sa kaniya. Hindi lang niya maalala kung saan niya ito nakita. Nang mapadako ang tingin nito sa kaniya ay muli itong ngumiti na animo'y kilala siya nito.
Mukhang napansin naman ni Cedric ang kaniyang pagtataka kaya nagsalita ito, "At Billy's."
She looked at him to confirm what he just said at tumango naman ito sa kaniya. Ganoon din ang reaction ng matanda nang mapadako ang tingin niya.
"Ako po ang katulong ni Sir Billy."
"Kaya pala pamilyar po kayo. At huwag niyo na po akong pinopo. Kaithlyn na lang, Manang," wika niya rito. "Bakit nga pala napadayo kayo rito?"
"Ni-request kasi ni Sir Cedric ang paborito nila ni Sir Billy. Dito rin naman daw kasi maghahapunan iyon at may bisita raw."
"Nag-abala pa ho kayo. Pero salamat po." Tumingin siya kay Cedric at pinandilatan ito.
"Maiwan na muna namin kayo, Manang."
Hinila siya ni Cedric patungo sa sala. Pinakandong siya nito sa mga hita nito bago niyakap ang kaniyang katawan. Their hands intertwined. Parang walang balak si Cedric na pakawalan siya sa paraan nang pagkakayapos nito sa kaniyang katawan. Hinahalik-halikan din nito ang kaniyang balikat at ang tanging nagawa lamang niya ay pagmasdan ang paglalambing nito.
"How's my apartment?"
"It was cleaned up and was closed already. Nasa drawer ng side table ko ang susi." Hinalikan nito ang kaniyang kamay pagkatapos ay inabot ang kaniyang mga labi. Ikinawit niya ang mga kamay sa leeg nito bago muling ginawaran ng halik ang mga labi ng binata. "Stay here para makapagpahinga ka naman."
"Libre?" tanong niya rito habang kinikintalan ng mga halik ang labi nito.
"Of course not!" sagot nito sa kaniya na ikinataas ng kaniyang isang kilay. "May bayad ang pagtira mo rito. Wala nang libre sa mundo." Nakangisi ito habang nakatingin sa kaniya.
"And what will be the compensation of my stay here?"
"Kisses, hugs and..." Napangisi ito sa kaniya.
"And s*x?"
"Uh-huh! And pleasuring me," sagot nito.
"That's easy. So you want me to start pleasuring you?" nang-aakit ang boses na tanong niya rito. She was biting his earlobe now and she can feel him hardened. Bahagya rin niyang ikiniskis ang kaniyang harapan sa naninigas na umbok nito. Napaungol si Cedric dahil sa ginawa niya and his grip on her fingers tightened.
Mas pinag-igihan pa niya ang ginagawang pagkiskis sa kaniyang harapan sa umbok nito. Napataas ang sulok ng kaniyang mga labi habang nakikita itong nakapikit at pigil na pigil ang paghinga. He was enjoying it. Ngunit ganoon na lamang ang pagkadismaya nito nang itigil niya ang ginagawa at basta na lamang tumayo at iniwan ito. He looked frustrated at ni walang masabi sa pagkabigla.
She waved her fingers at him at nginisihan ito nang pagkaluwang-luwang bago tinahak ang daan patungo sa kusina.
"Kaithlyn?" tawag nito sa kaniya at nilingon naman niya ito. "Humanda ka sa akin mamaya! Lintik lang ang walang ganti!"