Sayna’s POV
Hindi ko alam ang gagawin ko kagabi nang nakatanggap ako ng mensahe galing sa hindi registered na number. Nakalagay sa text na buntis siya at si Enver ang ama. May kasama pang picture ng pregnancy test. Kaagad ko itong pinaalam kay Mr. Clinton at pina-trace siya kaagad kung kanino ito galing. Kaya naman kanina nung tumawag siya, nalaman ko kung kanino ito galing. Galing ito kay Alicia, iyong tinatanggi niyang girlfriend na kasama niyang nahuli doon sa drug raid.
Natapos ang usapan namin ni Mr. Clinton at napagdesisyonan niyang hindi muna ito sabihin kay Enver. If Enver truly like Alicia, then malaki ang posibilidad na akuin niya ang bata at magsama sila. Well, maganda naman iyon at dapat lang na gawin niya. Ang problema lang, hindi pa naman kompirmado ang lahat dahil hindi pa sumasagot si Alicia sa pinadalang mensahe ni Mr. Clinton kaya kapag nalaman ito ni Enver baka gumawa ito ng padalos-dalos na desisyon at baka makipagtanan nga at kapag lumabas ito sa publiko magkakagulo na ulit. Malaking problema na naman ang kakaharapin ni Mr. Clinton. At madadamay din ako kasi alam ng lahat na kasal na kami.
“Is it my dad?”
Halos mapatalon ako sa gulat. Naidikit ko sa aking dibdib ang phone ko at bumilis ang aking paghinga. Akala ko aatakihin na ako sa gulat.
Kunot ang noo ni Enver at matalim ang tingin at matindi ang pag-igting ng kanyang panga sa hindi ko alam na dahilan. Galit ba siya? Malamig naman ulo niya nung pumasok siya sa katawan at matutulog na siya ‘di ba?
“Y-yeah… Daddy mo nga…” mabagal kong sagot habang pinasadahan ko ang kanyang kabuuan. Magulo ang kanyang buhok at hindi rin maayos ang damit. “K-kaso tapos ang tawag eh. Gusto mo bang tawagan-”
“Hindi na. I want to know kung anong pinag-usapan niyo.”
Napaayos ako ng tayo at pasimpleng tinago ang phone ko sa aking likod na tiningnan niya.
“Wala naman. May sinabi lang siya sa akin tungkol sa magandang result ng kasal natin-”
“Talaga?” tinataas niya ang kanyang kilay at halata sa timbre ng kanyang boses na hindi siya naniniwala sa akin.
I raised an eyebrow too. “Talaga. Stop cutting me off, hindi pa naman ako tapos sa sinasabi ko tapos ang dami mong tanong at hindi ka naman naniniwala.” giit ko.
Humakbang siya papalapit at pakiramdam ko kakainin niya ako ng buhay. Pero hindi ako gumalaw sa aking kinatatayuan. “Paano ako maniniwala kung alam kong may tinatago kayo sa akin?”
I scoffed. “Wala kaming tinatago, pwede ba. Paniwalaan mo kung anong gusto mo pero wala akong tinatago sa’yo. Tsaka para ba? We’re married but it was just to save you from the scandal. Kung ano man ang ginagawa ako, wala ka na doon. At kung tungkol naman sa tatay mo, about lang ‘yon sa trabaho kaya kung iniisip mo na naman na kabit ako… pwes, nag-aaksaya ka lang ng oras,” mahaba kong sabi sabay binangga ang kanyang balita at nilagpasan niya.
Hayst! Malamang nga iniisip niya na naman na kabit ako ng tatay niya kahit hindi naman talaga.
Kung pwede ko lang sabihin sa kanya malamang ginawa ko na nung una pa lang siyang nagtanong para maalis ang paghihinala niya. Hindi siya ang obligasyon ko iyon, pero nakakairita kasi ang paulit-ulit niyang bintang na wala namang katotohanan. Tsaka ayokong pangunahan si Mr. Clinton kung anong magiging desisyon niya para sa kanyang anak.
Magkatabi kaming natulog dahil walang nagpatalo sa aming dalawa na matulog sa sofa. Magkatalikuran kami at hati sa malaking kumot na may unan sa aming pagitan. Walang nagsalita sa aming dalawa matapos ang pagtatalo namin na laging nauuwi sa pagpipilit niya tungkol sa relasyon namin ng tatay niya.
But who would not fall for Mr. Clinton? Sobrang bait, matalino, at gwapo pa rin na hindi mo makikita na forty-seven years old na ito. At isa pa, sobrang loyal ni Mr. Clinton sa kanyang asawa na minsan naabutan kong basa ang mga mata habang nakatingin sa larawan ng kanyang yumaong asawa. Kaya hindi ko rin talaga makuha kung bakit nagrerebelde itong si Enver. Sobrang spoiled lang talaga!
Nagising ako na may kung anong matigas akong katabi. Marahan na gumalaw ang kamay ko para alisin sana kung ano man ito kaya lang, habang bumababa ang kamay ko, patigas pa rin ang nararamdaman ko hanggang sa biglang may humuli sa aking kamay.
Kaagad akong napamulat at tinignan kung nasaan napunta ang kamay ko. Nanlaki ang mata ko at nanigas ang aking katawan. Oh s**t! Hawak ni Enver ang pulsuhan dahil ang kamay ko ay malapit na sa kanyang gitna. Narinig kong ang paghinga niya ng malalim at pagtawa.
“Good morning, wife. Hindi ko alam na iba pala ang gusto mong agahan. Dapat sinabi mo kaagad,” pang-aasar niya at hindi binitiwan ang kamay ko.
He pinned me on the bed. Nagulat ako at sinamaan siya ng tingin. Wala siyang pang-itaas, malayo sa nakita ko kagabi na may suot siyang t-shirt.
“If you want s*x, tell me. Hindi itong nanghihipo ka pa,” he whispered soft and slow.
“Get off of me! Kadiri ka!” inis kong sigaw ko sa kanya at sinubukan na alisin ang kapit niya sa akin ngunit hindi ako makagalaw sa pang-iipit niya sa aking katawan.
“Kadiri? Kung hindi nga kita pinigilan baka nahawakan mo na ang alaga ko.”
Nilakihan ko siya ng mata. “As if naman talagang gusto kong hawakan. Hindi ba may unan sa gitna natin? Nasaan na ‘yon? Sinadya mo sigurong alisin para makatsyansing ka sa akin!”
“Huh! Ako pa talaga?”
Mapang-asar pa rin siya pero punong-puno ng galit ang mga mata.
“Oo! Enver halata namang libog na libog ka na. Kagabi ka pa nung nasa pool tayo. Bakit hindi ka ba makatulog dahil inisip mo kung papaanong maka-score ulit sa akin tulad nung sa club?” tinaas ko ang tuhod ko at pinatama ito sa kanyang gitna para madama siya. Kita ko ang gulat ng kanyang mata sa panlalaki nito. Ngumisi ako. “You want to fvck me and you're hard.”
Inismiran niya ako. “Well… aminado akong gandang-ganda ako sa katawan mo at ngayon lang ako naging interesado sa isang babae lalo na pagdating sa sex.” he pinned my hands above my head using just his one hand. “At alam kong ganun ka rin.”
“Talaga?” sinadsad ko ang tuhod ko sa gitna niya, mas lalo siyang nanigas na kinatawa ko. “You’re hard for me. Mukhang gusto na nitong kumawala."
I know I'm just teasing him. Pero kapag na-provoke ko siya, hindi ko rin naman siya pipigilan.
“Bakit hindi ka rin ba h*rny? I know you’re dripping wet for me, Sayna.”
“Hindi. Kahit hawakan mo pa.” panghahamon ko sa kanya.
Tumaas ang sulok ng kanyang labi, may magandang ngiti siyang pinakita.
And it shocked me that he really cupped me down there, touching me. Manipis lang ang suot kong pantulog na short kaya ramdam ko ang kamay niya. Dinadama niya ako. Pero nakabawi ako at ngumiti sa kanya.
“See… hindi ako basa.”
“Talaga?” pinasok niya ang kanyang kamay sa loob ng short ko at hinawi ang panty ko.
Napaawang ang labi ko nang kapain ng kanyang daliri ang loob ko. Kita ko ang malaking ngiti sa kanyang labi bago nito hinaplos ang aking hiyas. I closed my eyes, biting my lips as a moaned escape from my lips. Ramdam ko ang matindi kong pamamasa.
Inalis niya ang kamay niya sa akin at pinakawalan ako pero parehas na kaming nag-aapoy ang tingin. Nilagay ko ang kamay ko sa kanyang batok at nilapit siya sa akin. I kissed him and he kissed me back, hungrily. Kaagad na gumapang ang kamay niya sa loob ng aking damit. Hinubad niya ang aking short kasabay ng panty. At bago ko pa malaman, nasa loob ko siya at mabilis na gumagalaw.
“Tang*na, wala kang condom!” reklamo sabay unggol nang inangat niya ang pang-upo ko.
He kissed my neck, burying himself deeper from me. “I’ll damn pull out. Trust me.”
Trust you? Pero nakabuntis ka nga ata! Ngunit hindi na ako nakapagreklamo pa dahil kakaibang sensasyon ang nabuhay sa buong sistema ko.
Kakaiba ito pero gusto ko rin naman ang init na meron sa amin ngayon hanggang parehas naming marating ang rur*k ng kaligayahan.
Nagising ako nang may naglalaro sa aking buhok. Unan ko ang kanyang braso at nakapulupot ang hita ko sa kanyang bewang. Kaagad ko siyang tinulak na kinatawa niya. Inirapan ko siya. Tatayo na sana ako ngunit hinawakan niya ang pulsuhan ko at binaon ulit ako sa kama.
“Kakatapos lang natin. Tigang ka na naman?”
Umiling siya. Nawala ang ngiti ko nang makitang galit siya. Hindi ko maipaliwanag ang takot ko pero pinili kong hindi ito ipakita.
“You’re not doing this with my Dad, right? If so, this is disgusting.” banayad talaga ang pandidiri niya.
Nanlaki ang mata. Gusto ko siyang sampalin pero hindi ko maigalaw ang kamay ko. Inipit niya pa ang paa ko.
“Hindi ko alam kung saan mo nakuha ang ideya na 'yan. Hinayaan kitang hawakan ako tapos sasabihin mong ginagawa ko ‘to sa tatay mo! Gago ka talaga! Sana inisip mo 'yan bago ka nakipag-s*x sa akin!” singhal ko sa kanya.
Umigting ang panga niya. Hindi siya nagsalita.
“Bitiwan mo nga sabi ako!” nilabanan ko ulit ang lakas niya ngunit wala itong silbi. Mas lalo lang siyang nagalit sa ginawa ko.
This is humiliating.
Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Uminit ang sulok ng aking mga mata at kahit magkurap-kurap ako ay huli na para mapigilan ang takas kong luha. Kinagat ko ang labi ko. Napahinto siya at ramdam kong lumuwag ang kanyang pagkakahawak sa aking kamay.
Napamura siya. “Why are crying-”
Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya nang iuntog ko ang ulo ko sa kanya bago siya tinulak. Kaagad akong tumayo at tumakbo sa bathroom habang hawak ang noo ko na masakit dahil sa ginawa ko. Tinawag ako ni Enver pero hindi ko siya pinansin. Nagkulong ako sa bathroom. Binuksan ko ang faucet at mabilis na naghilamos. Inalis ko ang kahit anong bakas ng luha ko kanina.
Hindi ko alam kung bakit naiyak ako. Kahit kailan hindi ko pinapakita kahit kanino ang luha ko. Hindi ako umiiyak sa harap ng maraming tao dahil para sa akin ang pagluha ay isang pagpapakita ng kahinayaan. At nakakabanas na si Enver pa talaga ang dapat na makakita ng luha ko. Marahil frustrated lang ako kaya ganito ang pakiramdam ko, mabilis akong napaluha pero iba talaga. Hindi ko gusto ang nangyari.
Napaangat ako at tiningnan ang aking repleksyon sa salamin nang biglang may malakas na kalabog mula sa pintuan nitong shower room. Kinuha ko ang towel at pinunasan ang mukha ko. Ngayon ko lang napansin na may suot na pala akong damit pero hindi ito sa akin, kundi damit niya. Kaya sobrang laki na tila isa akong hanger.
“Hey, Sayna! Open this and tell me why did you fvcking cry?” kahit may pintuang naghaharang sa amin ramdam ko ang matindi niyang galit.
Napaangat ang katawan ko nang muli niya na namang hampasin ang pintuan.
“Sayna-”
“Ano ba?! Hindi ako umiyak kaya tigilan mo na ang kakapukpok mo sa pintuan. Baka makasira ka pa. Tsaka tinatanong mo pa talaga? Are you numb or dumb?”
“Makakasira talaga ako kapag hindi mo ‘to binuksan,” pagpipilit niya at muling malakas na kumatok.
Napabuntong-hininga ako at saglit na sinipat ang aking mukha kung halata pa ang pagluha ko. Buti naman at hindi. Kahit kasi hindi naman todo ang iyak ko madali mo pa rin na mahalata sa aking mga mata. Isa din sa kinaiinisan ko kaya ayokong umiyak. And people will start to ask you a question: why did you cry? Like this spoiled-brat, Enver.
Acting like he cares makes me cringe. Akala mo hindi ako sinabihan na kabit.
Binuksan ko ang pintuan at masama siyang tiningnan at pinakita ang taray ko. Kaagad niyang binaba ang kamay niyang nakataas para kumatok. Matunog siyang bumuntong-hininga at ginulo ang buhok na tila malapit na siyang maubusan ng pasensya.
“Nasabi ko 'yon dahil hindi ko alam kung paanong papaniwalan na wala kayong relasyon ng Daddy ko pagkatapos kong..." hindi niya tinuloy ang kanyang sasabihin at huminga ng malalim. Umiling siya. "Mas okay kung magbangayan na lang tayo at mag-asaran kaysa umiyak ka.”
Inismiran ko siya. “Don’t worry, iyon na lang din naman ang huling beses na makikita mo akong umiyak. Baka napuwing lang ako ng laway mo kaya napaluha ako.” mataray kong tinig at iniwan siyang nakaawang ang labi sa gulat.
“Laway? Seriously?” hindi niya makapaniwalang tanong at mahinang tumawa.
Hindi na ako nagsalita at hindi na siya pinansin pa. Parehas din naman kaming naging abala sa mga dapat naming gawin. Siya, ipakita na maayos ang pagsasama namin bilang mag-asawa. Nakikisama naman ako, ngumingiti sa mga picture na kinukuha niya - solo man o kaming dalawa, pero after nun, balik kami sa walang pansinan. At ako naman, ganun din sa kanya pero nakikibalita rin kung anong nangyari sa pakikipag-usap ni Mr. Clinton kay Alicia. Pero habang wala pa, inabala ko rin ang sarili ko sa dapat kong maging trabaho kapag nakabalik na kami sa Pilipinas. Tsaka isa pa, hindi rin ako sanay ng walang trabaho.
“Kain na,” alok sa akin ni Enver.
Nag-angat ako ng tingin sa kanya bago sinarado ang aking laptop. Bumaba ako sa kama at sumunod na sa kanya.
“Ikaw ang nagluto?” gulat kong tanong habang tinitignan ang mga nasa lamesa.
Roasted turkey, salad, at cacio e p*pe. May classic wine pa at talagang maganda ang pagkakaayos ng lamesa Paborito ko itong cheese and pepper pasta. At hindi ko alam kung alam niya ba ‘yon o nagkataon lang. But I doubt na siya ang gumawa nito.
Hinila niya ang upuan at nangusap ang kanyang mata na umupo ako doon. Nagtataka man ay sumunod pa rin ako.
“T-thanks…”
“I know this is your favorite.” turo niya sa cacio e pepe bago umikot siya sa kabila, umupo siya sa harapan ko.
“Paano mo naman nalaman?”
“Sa taong kilalang-kilala.”
“Sino?”
“My Dad,” he said in finality.
I rolled my eyes at him.
“Heto na naman ba tayo?” tamad kong tanong sa kanya.
Walang nagbago sa ekspresyon niyang nangingilatis, may inis na pilit niyang tinatago sa likod ng kanyang ngiti.
Umiling siya. “Sinabi ko lang naman ang totoo. I asked Dad kung anong paborito mo at mabilis pa sa kislap ng mata ko ang pagsagot niya. He must know you really well.”
“Syempre bilang nagtatrabaho sa kanya normal lang kilala niya ako.”
“But there’s a boundary between being an employee and being someone… who is important to him, right?”
Naningkit ang mata ko sa kanya bago natatawang umiling. “You’re obsessed with proving that I'm your father’s mistress. At kahit anong paliwanag ko, hindi ka maniniwala. Suit yourself then, Enver.” mapait ko siyang nginitian.
He smiled back, smirking. "Pero paborito ko rin 'to eh..."
"Ang alin?"
"Ang p*pe," makahulugan niyang turan sabay tawa.
Natawa rin ako pero inirapan ko siya.
Nilagyan niya ng pagkain ang plano ko at hinayaan ko siyang gawin ‘yon. Walang nagbalak sa aming bumitiw sa titig at tila may mga hawak kaming espanda o kaya baril na handa naming gamitin kapag may nagtangka sa aming magsimula ng gera. Matindi ang tingin naming dalawa na hindi mawawala ang pagkamuhi sa isa’t-isa.
“Let’s enjoy our last day here before we back home,” aniya niya sabay angat at kanyang wineglass para makipag-toast.