Chapter 21
"Ay, ogag! Nasaan na si Loke?" sigaw ni Ariana habang nasa loob kami ng KTV.
Mabuti na lang talaga at ayos lang pumunta rito ng naka-uniform. Pero wala na kaming suot na ID. Sa pinakaloob pa kasi nito ay naroon ang mismong bar. Doon ang off-limits sa mga naka-uniform lalo na at mga menor de edad pa. May nakabantay kasi roon na bukod pa sa mismong establisyemento kaya hindi rin agad makapapasok.
Pero dahil hindi papakabog sina Ariana at Fera, nagpalit pa talaga sila ng damit. 'Yong mga boys, naka-shirt na lang at slacks. Akala mo naman, sa bar talaga pupunta. Pero... oo nga pala. Puwede silang bumili ng drinks kapag hindi naka-uniform!
"Pasunod na 'yon. Saka puwede ba, huwag ka ngang sumigaw!" ani Johnny.
"Sumisigaw ka rin namang epal ka. Tara na nga! Kapag 'di sumunod 'yang si Loke, sisipain ko ang bayag niya."
Tumawa kami sa sinabi niya bago dumiretso sa binayarang puwesto. May mga room number iyon. May malalaki, may maliliit. Dahil marami kami, kinuha namin ang malaking kuwarto.
Disco lights lang ang ilaw sa loob pero maliwanag pa rin naman. May malaking couch na kulay pula kaya agad kaming dumiretso roon. Sa tapat nito ay ang mesa at ang mismong flatscreen TV.
"Oy, sinong bibili ng drinks? Bili kayo alak dali! Boys," tawag ni Risca.
Tumayo agad sina Johnny at Renz.
"Anong gusto niyo? Pulutan?"
"Light lang tayo. Paubos na pala allowance ko this month," ani Orange sabay tawa.
"Sige. San mig? Beer? Ilang bucket? Pulutan? Sisig?"
"Oy, lista niyo mga ipabibili niyo sa dalawang 'yan. Makakalimutin 'yan tapos kung anu-ano na ang dala niyan mamaya!" Fera rolled her eyes.
Habang bumibili ang dalawa, pumili na agad ng mga kanta ang kasama ko. Buhay na buhay si Emer dahil ito ang paborito niya. Ang KTV bar.
I looked at them and they seemed carefree. Naalala ko tuloy si Hazel. Sumasama iyon lagi sa mga lakad kahit ganito. But she'd only drink juice. Ayaw na rin namin siyang painumin ng alak dahil noong unang tikim niya kasama kami, nagkapantal ang buong katawan niya.
I chuckled when I remember how cute she was despite her condition. Ang cute niya kasing umiyak. Para talagang bata tapos laging ako ang hanap noong nagpapagaling siya.
Umiling ako at agad napawi ang ngiti. Sana ay ayos lang siya kung nasaan man siya ngayon.
Umupo si Fera sa tabi ko. "Huy, tahimik ka?"
Tipid akong ngumiti. "Naalala ko lang si Hazel."
Huminga siya nang malalim at hinawakan ang kamay ko. Tumingin ako roon at pinakiramdaman ang sarili.
Wala nang epekto. That fast, huh?
"Alam kong maayos din si Hazel doon. Even if she's a crybaby, I know she knows how to fight for herself."
Sana nga. Hindi pa rin kasi mawala sa isip ko ang tinawag niya sa akin noon. Ilang beses ko siyang sinubukang tawagan at i-chat sa messenger pero hindi na iyon nagde-deliver.
Nagkantahan na sina Emer kahit hindi pa dumarating ang kasama namin. Orange and Risca were backing him up. Panay naman ang tawa namin sa kanila.
"Grabeng boses! Boses k**i!" si Ariana sabay tawa ulit.
"Isa pa!" si Emer ulit.
"Hoy, 'wag garapal! Ako naman!" Nag-agawan pa sila ni Orange sa mic.
"Kanta ko 'yan, e!"
"Kanta ko rin 'yan! Mang-aagaw na 'to!"
"Hoy, mag-duet na lang kayo para walang gulo!"
Dumating na rin sina Johnny at Renz dala ang inumin at pulutan. Iniwan na ni Orange ang mic kay Emer at agad tumungga ng isang beer.
Kumuha rin ako ng San Mig. Napalingon kami sa pinto nang bumukas ulit 'yon at pumasok si Loke. Nakaitim na shirt at pants na lang din.
"Yown! May libre!" sigawan nila nang hinagis ni Loke ang dalawang malaking supot na may lamang junkfood.
Umupo siya sa tabi ko. Napainom ako at nilingon si Fera na nakikipagtawanan kay Renz.
"Kanina pa kayo rito?" Loke asked.
"Hindi naman."
Kumuha ako ng isang bote at inabot sa kanya. Ngumiti siya at kinuha iyon.
"Thanks. Cheers?"
Pakiramdam ko, kahit soundproof ang lugar ay rinig pa rin kami sa labas. Sobrang tataas ng kantang pinipili nila, e.
My jaw dropped when I saw what's the next song. Tumawa si Orange habang hawak ang mic.
"This song is dedicated to Johnny and Renz."
"Hoy, ano ba 'yan! Tumigil ka nga, Orange!" saway ni Johnny.
"Pare, mahal mo raw ako..." she started.
"Awit," tumatawang sambit ni Loke sa tabi ko.
Nagtawanan ang mga kaibigan ko at inasar sina Johnny at Renz. Napailing ako at ngumisi na lang din.
Singing isn't really my thing. Mas gugustuhin ko pang pagsayawin ng kung ano kaysa kumanta. Mababasag lang ang tainga ng makakarinig sa akin at baka sisihin pa kung bumagyo. Kaya kapag nandito kami, ako ang puro inom.
"Si Fera naman! Fera! Aba, puro nomi ka riyan!" puna ni Risca.
Tumayo si Fera habang tumatawa bago kinuha ang mic kay Risca. Pinanood ko siyang umeekis na ang lakad.
"Ay, lakas ng tama ni ate mo. Lasing agad," ani Orange.
I reached for another bottle of beer. Tumingin sa akin si Ariana at nagtaas ng kilay nang makita ako. Ngumuso ako at kumuha rin ng chips.
Napalingon ako sa screen nang marinig ang napiling kanta ni Fera. All I Ask by Adele. Tumawa siya at inabot ang bote ng San Mig na nasa lamesa. Tinungga niya iyon bago nilapag ulit.
We fell quiet as she started to sing. Mataas ang boses niya kaya lahat ng nota ng kanta, nakuha niya. Ang hindi lang namin inaasahan ay ang pagkabasag ng kanyang boses sa huling linya ng kanta. Hindi dahil hindi niya naabot. Kundi dahil umiyak na siya... sa harap naming lahat.
Tumayo ako agad pero naunahan na ako ni Loke na lapitan siya. Naestatwa kaming lahat nang hawakan niya si Fera sa braso at hinila palabas. Ilang saglit pa kaming natahimik nang binasag ni Emer iyon.
"Guys, nakakaiyak ba 'yong kanta?" he asked innocently.
Minura siya agad ni Ariana at dinagukan naman ni Johnny sa dibdib.
"Gago! Ang bobo mo kingina."
Napahawak sa dibdib si Emer. "Grabeng mura! Anong malay ko?!"
Akmang lalabas si Orange nang hilahin ko siya sa braso para pigilan. Kita ko sa mata niya na gusto niyang pumalag pa pero umiling ulit ako.
"She'll be okay," I assured her.
Dahil kapag may ginawang kalokohan na naman si Loke sa kanya, hindi ko na alam ang gagawin ko.
Nauwi na lang kami sa inuman at wala na masyadong kumanta pa. Ngumuso ako at pinatong ang siko sa tuhod bago binilang ang bote ng beer sa harapan ko. Wala sa sarili akong tumawa kaya napalingon sila sa akin.
"Hey, I finished ten bottles!" I even showed them my two hands.
Sininok ako bigla.
"That's not ten, Kyo. Lima 'yan. Five. Sinco."
Umiling si Risca at umupo sa tabi ko. Inabutan niya ako ng baso ng tubig. I pouted even more.
"I want another beer, please?" I showed her my pleading eyes.
"Ay, hanep. Girl, lasing ka na sa beer. Magtubig ka nga muna!" Pilit niya pa ring inaabot sa akin ang baso.
Umiling ako. "Beer!"
"'Te, nakalimang bote ka na! Aba'y ikaw ang umubos ng isang bucket, ah? Ano 'yan, ginawa mong tubig?"
Kinuha niya ang kamay ko at pilit binubuka para ilagay roon ang baso. Nang hindi ko gawin ay diniretso niya na sa bibig ko. Hinawi ko iyon kaya tumapon agad sa blouse at palda ko. I laughed because I remember something! Hindi ko na nainda pa ang lamig dahil sa naalala.
"Anak ng! Pahinging tissue, dali!" utos ni Risca at pinatayo ako.
I giggled and started unbuttoning my blouse. Napamura si Risca at hinarangan ako agad sa paningin ng iba.
"Teka, teka. May damit ka panloob?" she asked and I nodded.
Sininok ulit ako. I successfully removed my blouse and revealed my sports bra. Nagmura ulit si Risca at pilit sinasara ang damit ko.
"Putek! Kala ko ba may damit ka panloob?!"
"Meron nga! Bra! Panloob ko 'yan," I said and pouted again.
"Naku po..." Nasapo niya ang mukha kaya tumawa ako. "Walang titingin dito, ah. Dudukutin ko mata niyo!"
"Wala namang makikita," I heard someone from the boys said.
What does that mean? Hmp!
"Kyomi, may tumatawag yata sa phone mo. May tumutunog sa loob ng bag mo, e."
"Huh?" Nilingon ko si Orange na binubuksan na ang bag ko.
Mabilis kong hinablot sa kanya iyon at kinuha ang phone mula sa loob. Tumawa ako nang makita ang pangalan ng boyfriend ko sa screen. Sinagot ko agad iyon.
"Hey, what's up? This is Kyo at your service," I greeted while laughing.
"Kyo, magbihis ka nga muna!" sigaw ni Risca.
Ngumiwi ako. Ingay naman. Kausap ko ang boyfriend ko, e!
"Pupuntahan kita. Huwag kang aalis diyan," sabi ng boyfriend ko sa kabilang linya.
"Oh... sige! Hintay kita rito. Bilisan mo, ha? Miss na kita!" I giggled again.
Inagaw ni Orange bigla ang phone ko at tiningnan ang caller. Nakisawsaw pa si Ariana.
"OMG? Bebe Jai?!"
"Hoy, Kiyomi! Huwag kang matulog! Mag-explain ka sa amin, babae ka! Ano 'yon, ha? Ano?!"
"Ang ingay niyo naman! Hayaan niyo na nga muna. Kapag tsismis talaga, hilig niyo!"
"Kung ikaw kaya supalpalin ko, Emer?"
Pumikit ako at naupo ulit. Dami nilang sinasabi pero wala na akong maintindihan. Nakaidlip pa yata ako nang may naramdaman akong mainit na bumalot sa katawan ko. I opened my eyes and saw a blurred figure.
"Una na kami."
Kinusot ko ang aking mata at tinanaw ang boyfriend ko na dinadampot ang aking bag. Tinanggal ko ang jacket sa harapan ko at inayos ang pagkakasuot nito.
"Jai, you're here!" I smiled at him.
Jairo looked at me darkly as he held my hand. "Let's go, Kyo."
Lumabi ako at tumayo. Nilingon ko ang mga nakangangang kaibigan ko.
"Una na kami ni boyfie. Ba-bye!" I waved at them.
Humigpit ang hawak sa akin ni Jairo bago niya ako hinila. Ngumiwi ako noong halos madapa na habang palabas kami ng KTV.
"Aray, dahan-dahan naman," sabi ko.
Lalong umiikot ang mundo ko sa kamamadali niya, e. Parang gusto ko na lang humiga sa semento at matulog.
"I'm sleepy..." sabi ko ulit.
Hindi niya ako pinansin hanggang tumigil kami sa may gutter para mag-abang ng tricycle. Nilingon ko siya at pinagmasdan. He was only wearning a plain and fitted grey shirt and tokong shorts but he looked so damn hot. Idagdag pa na seryoso ang kanyang mukha at tila galit.
Teka, galit?
Lumapit ako sa kanya. Umigting ang kanyang panga habang tumitingin sa daan.
"Huy, kumain ka na?" I asked and realized I haven't eaten yet.
Hindi siya sumagot. May humintong tricycle sa tapat namin. Hinila niya ako ulit at hinintay pumasok pero hindi ko ginawa.
"Hey, I'm asking—"
"Pumasok ka na, Kyomi," malamig niyang utos.
Nakayuko akong pumasok sa loob at sumunod din siya. Hindi niya ako kinakausap hanggang sa nakauwi na kami. Ayaw niya akong kausap? Puwes, ayaw ko na rin siyang kausap! Sana hindi niya na lang ako sinundo kung ginaganito niya rin lang naman ako.
Ganito ba ang boyfriend? Ewan ko. Dapat yata mag-break na kami! Oo. Tama.
Dumiretso ako agad sa taas para magpalit ng damit. Sumunod din siya pero hanggang sa labas lang ng kuwarto ko para iabot sa akin ang bag ko.
Umingos ako at tiningala siya. Madilim pa rin ang titig niya at panay ang igting ng panga.
"Let's break up," matapang kong sambit.
Hindi nagbago ang reaksyon niya. Napasimangot ako. Ano ba 'yan? Ayos lang sa kanya?
"Sabi ko, mag-break—"
"Shut up. Isang araw pa lang tayo at nakainom ka lang, makikipaghiwalay ka na? Ano 'to, gaguhan?"
Pumikit ako at sumandal sa pintuan.
"I didn't mean it..." I said. "Galit ka sa akin, e..."
"Sinabi ko bang galit ako sa 'yo? Kung galit ako, wala ako rito sa harapan mo."
"'Di mo nga ako pinapansin." Dumilat ako at agad nanlabo ang mga mata. "Baka a-ayaw mo na sa akin? K-kaya inuunahan na kita."
Napahilot siya sa sentido. Umusog ako nang buksan niya ang pinto ng kuwarto ko.
"Matulog ka na. Mag-usap tayo bukas nang maayos kapag hindi ka na lasing."
Umiling ako. "Bakit ayaw mo ngayon? Ayaw kong matulog nang magkaaway tayo."
Lumapit ako sa kanya at pinalibot ang mga braso sa kanyang baywang. Naramdaman ko ang paninigas niya lalo na noong humilig ako sa kanyang dibdib.
He's warmer than his jacket. Parang mas gusto ko na lang siyang yakapin. Mas mainit at mas mabango. I giggled at the thought.
"Kyomi..." nahihirapan niyang tawag.
"Don't be mad at me, please?"
He heaved out a sigh and held my shoulders. I tightened my embrace at him.
"Hindi ako galit, Kyo. Pero... baka may magalit kung hindi mo pa tatanggalin ang yakap sa akin."
Tiningala ko siya at pero nakayakap pa rin. I sniffed his neck and he stiffened like a statue.
"Bango mo lagi. Ako, mabango rin ba?"
Mariin siyang pumikit at tumingala. "Lord naman."
Tumingkayad ako at hinawakan ang magkabilang pisngi niya. Pumikit ako nang maramdaman ang malambot at mainit niyang labi sa akin. Hinawakan niya ako sa baywang at pilit ibinababa.
"Kyo, please... hindi ko na kaya."
Dumilat ako. "H-huh? Ang alin?"
Dinilaan niya ang kanyang labi. "This... you... damn." Muli siyang napapikit.
Kumunot ang noo ko sa kanya. Hindi ko makuha ang sinasabi niya, e. Anong hindi niya na kaya? Hindi niya na ako kayang halikan? Baka ayaw niya na kasi hindi ako marunong?
"Teach me how to kiss properly," I ordered.
Napamulagat siya at nagmura agad.
"Kyo, please... matulog ka na." He sighed.
Hinigpitan ko ulit ang yakap sa kanya. Ngumisi ako at tumingala muli upang amuyin siya. Damn, his smell is so addicting.
"Kyomi!" he almost growled.
"What? I'm just smelling you! Hindi mo nga ako sinagot kung mabango ba ako!" Umirap ako at inalis ang braso sa kanya. "Puwede namang sabihing hindi! Alam ko naman! Kainis! Bahala ka nga riyan!"
I pushed him a bit and turned around. Sinara ko agad ang pinto nang makapasok sa kuwarto at hinubad ang jacket. I heard his knock on the door but I ignored it. Humiga na ako sa kama kahit pa nakasuot ng uniporme.
"Kyomi," he called from the outside.
Umirap ako at tumagilid ng higa, nakatalikod sa pintuan. Kung gusto niyang pumasok, gawin niya na, aba. Hindi ko na nga ni-lock. Hmp!
"I'll open the door," he said again.
Sige, tapos pumasok ka, ha. Kunwari muna akong nagtatampo rito. Hehe.
Pumikit ako para magkunwaring natutulog na noong narinig kong bumukas at sumara ang pinto. Dinig ko ang hakbang niya palapit sa akin hanggang sa bahagyang gumalaw ang kama sa likuran ko. Diniinan ko lalo ang pagkakapikit.
"Kyo, magbihis ka na muna. Naka-uniform ka pa."
Umirap ako kahit nakapikit. Talentado ako, e.
Naramdaman kong hinawakan niya ang buhok ko at bahagyang hinila. Buti pa 'yong tali ko, naisip niyang tanggalin. E, ang damit ko kaya, maisip niyang hubarin?
"You know you smell good even if you don't use perfume or cologne. But now, you really stink, babe." I heard him chuckling a bit.
Kinagat ko nang mariin ang labi nang suminok ako nang malakas. Yeah, great. Kanina pa nakakairita 'tong sinok ko, ah? Paano ba matatangal ito?
Narinig ko ulit ang tawa niya. Bumangon ako at hinarap siya. Nakatukod ang siko niya sa unan ko at bahagyang nakahilig.
"Gusto mo ng tubig?" nakangisi niyang tanong.
I glared at him and stood up.
Lumabas ako ng kuwarto at nagpunta ng banyo para mag-toothbrush. Umupo ako sa takip ng bowl at pumikit habang nagsesepilyo. Ngayon ko lang napagtanto na ang baho na siguro ng hininga ko nang halikan si Jairo. He was probably disgusted.
My hiccups won't just stop until I finished brushing my teeth. Naghilamos ako para mawala ang antok pero hindi pa rin nawala. Ayun, nagbuhos na lang ako ng tubig sa sarili kahit nakadamit pa. Niyakap ko ang sarili sa lamig.
I heard Jai's consecutive knocks on the door. Napaupo ako sa may tabi ng bowl at ipinatong doon ang ulo. Halos yakapin ko pa iyon sa sobrang antok ko na.
"Tangina, Kyo! Tumayo ka nga riyan!"
Napadilat ako nang makita si Jai na pumasok ng banyo. Lumuhod agad siya sa harapan ko at hinila ako sa braso. Hinawi ko ang kamay niya.
"Ano ba? Kitang natutulog ang tao..."
He cussed again. "Sa kuwarto ka matulog. 'Nak ng pucha. Bakit basa ka na rin? Anong trip mo?"
Nang hindi niya ako maitayo ay binuhat niya na ako. Kumapit ako sa leeg niya at siniksik ang mukha roon. Bahagya ko siyang kinagat sa leeg nang muli na naman akong sininok.
"Hindi na kita hahayaang maglasing sa susunod. Maagang puputi ang buhok sa 'yo, Kyo," he murmured and sighed.