Chapter 32 "How dare you! Tinakot mo ako! Akala ko magnanakaw o r****t na! Napaka... napaka..." I couldn't even find any right words to throw at him! "Napakaano?" he probed while driving. Hinampas ko siya sa braso. Napaigtad siya at nilingon ako, nakakunot ang noo. Matalim ko siyang tiningnan. "Tingin mo ba nakakatuwa 'yon, ha?" He took a deep sigh and focused his eyes on the road again. "Pasensiya na. Wala ka naman kasing pera pero nagsinungaling ka pa. Ganoon mo ba ako kaayaw kasama kahit saglit lang? Iuuwi lang naman kita sa inyo." "That's not it! You scared me!" "I'm sorry," kalmadong saad niya. Natahimik ako at pilit kinalma ang naghuhuramentadong puso. Gusto ko pang magalit at sigawan siya pero hindi ko na ginawa. Napaisip na lang ako bigla. Bakit niya pa ako binalikan doon m

