Chapter 36 Nawala naman na ang pamamaga ng paa ko noong sumunod na araw. Hindi ko lang alam kung bakit galit na galit si Daddy nang malaman niyang hindi ako nakapasok sa dalawang unang araw sa eskuwela. Pinatawag niya pa ako sa kanyang opisina rito sa bahay para lang pagalitan. "Sa susunod ay mag-ingat ka! Kailangan ko pa bang mag-hire ng bodyguard para bantayan ka?!" What? Ang OA naman niya kung ganoon! Parang napilay lang, kung makaasta ay para na akong muntik nang ma-kidnap o ano man! Nakaupo ako ngayon sa isahang upuan sa harap ng kanyang mesa. Nakikinig nga lang ako sa mga sinasabi niya kanina pero ngayong napakaeksaherada na ng gusto niyang mangyari ay magsasalita na ako. "Dad, you don't need to do that. Aksidente lang po ang nangyari. Normal lang namang matapilok." Kahit hindi

