NAPAHINTO si Valeen sa paglalakad ng maramdaman niyang parang may sumusunod sa kanya. Para nga ding may matang nakatingin sa kanya. Nang tumingin naman siya sa kanyang likod ay wala naman siyang nakitang sumusunod o nakatingin sa kanya. Mayro'n pala, iyong mga estudyanteng naglalakad na nasa likod niya. Mukhang mali ang nararamdaman niya. Nagpakawala na lang si Valeen ng malalim na buntong-hininga at saka siya nagpatuloy sa paglalakad patungo sa classroom nila. Do'n siya dumaan sa kabilang pinto ng classroom nila para pagpasok niya ay upuan na niya agad. At dahil wala pa ang professor nila sa sandaling iyon ay itinuon mo na niya ang atensiyon sa notes niya. Magre-review mo na siya saglit. Baka mamaya ay magpa-surprise quiz na naman ang Professor nilang mahilig mag-surprise. Makalipa

