KAHIT na hindi nakatingin si Valeen kay Red ay ramdam pa din niya ang mainit na titig nito sa kanya. As usual ay nasa library silang dalawa sa sandaling iyon. Naging tambayan na din nito ang paborito niyang tambayan dahil madalas na din itong naroon kapag nando'n din siya. Hindi naman makapag-focus si Valeen sa binabasa dahil ang atensiyon niya ay na kay Red at sa mainit na titig nito sa kanya sa sandaling iyon. At hindi niya napigilan ang mapakagat ng ibabang nang maalala niya ang sinabi nito sa kanya noong nakaraang araw. Hanggang ngayon nga ay hindi pa din iyon maalis sa isip niya. "Ikaw ang pino-problema ko, Valeen. Nagseselos ako. Nagseselos ako kay Nicollo." Mga salitang sinabi sa kanya ni Red na hindi nagpatulog ng maayos sa kanya. Para kasi iyong sirang plaka na paulit-ulit n

