Chapter 10: Infirmary Nagising ako dahil sa mahinang tapik saaking pisngi. Iiwas sana ako ng marinig ko ang sinabi ni Merlia. "Lars, male-late ka na," bigla naman akong napamulat ng aking mga mata. Deym! Sabi na nga ba! Nang tingnan ko ang oras ay 1 0'clock P.M na. Pero okay lang, may 10 minutes pa naman ako kaya dali-dali akong nagbihis at naghilamos at nag-toothbrush. Bago ako lumabas ay nagbilin muna ako sa kanila. "Aalis na ako. 'Wag ulit kayong lalabas, ha? Nararamdaman ko pa ang takot nila sainyo, okay?" Napatango naman silang lahat. "Ingat, Lars," sabi Titania. Ngumiti lang ako at tumango. Sinuot ko na rin ang salamin ko bago tumakbo palabas. Mabilis akong nakarating sa subject ko ngayon at nang nasa tapat na ako ng pinto nito ay may tumawag sa'kin bigla. "Lars!" Kilala ko

