Chapter 37: Shined Naglalaro ngayon si Caelum at wala akong balak lumabas dahil bukod sa na sa pinakataas ang kwart ko ay sumasakit rin ang puson ko. Si Gen naman ay hindi ko alam kung na saan na dahil simula ng ihatid kami sa kaniya-kaniya naming kwarto ay hindi ko na siya nakita pa. Kaya naman tinignan ko muna si Caelum bago ko sinimulan ang balak ko. Sinummon ko sila Sarafina. "Woaahh!" Sabay-sabay na sabi ng mga girls at si Zephyr naman ay lumapit kay Caelum na naglalaro. Bigla namang tumawa si Caelum dahil humiga sa hita niya si Zephyr kaya napangiti naman ako ng dahil do’n. "Ang ganda naman dito!" Manghang wika ni Merlia at lumipad pa at umikot sa buong kwarto. Ngumiti lang ako bilang sagot. Humiga naman si Sarafina sa window seat at si Titiana naman ay nag-human form at umupo

