Chapter 39: When Jealousy Strikes Nang inangat ko ang paningin ko ay nagtama ang mga mata namin at maya-maya pa ay biglang nanlaki ang mga mata niya dahil alam kong na-realized niya lang naman ang sinabi ko. Bigla namang nag-bell kaya binigay na namin ang mga gawa naming potion kay Ma’am. Tumayo na ako pagtapos kong magligpit at nauna ng maglakad sa kanila. Pero mabilis rin naman silang sumunod sa’kin. "Lara,” rinig kong tawag sa’kin ni Gen kaya napalingon ako sa kaniya at huminto. Tinaasan ko naman siya ng kilay kaya humabol siya saakin. "Care to share?" Pambungad niya. I took a deep breath and start walking again. "Ewan ko ba, Gen. Bigla nalang bumigat ang pakiramdaman ko at sure akong may masamang mangyayari,” saad ko na kinagulat niya. "Ano naman ang masamang mangyayari?" Tanong

