Chapter 44: First And Second Hope Lorelei Lara Sapphire Watson Nandito kami ngayon sa office ni Mimi at ire-report namin ang nangyari saamin kanina. Nandito pa rin ang mga Hari at Reyna at sa tingin ko, seryoso ang problemang ito dahil nandito silang lahat. Gustong-gusto ko ng umuwi sa dorm at matulog pero wala akong magagawa dahil kailangan muna naming mag-report dito. Mabuti na rin at nakauwi na rin ang mga bata sa Laeves at kasama na ng mga magulang nila. Tinignan ko naman si Queen Marielle habang yakap-yakap ang anak niya na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang pangalan. Hindi din nakatakas saakin ang reaksyon ni Queen Emerald habang tinitignan ang mag-ina. Longing... napailing nalang ako at tinunon ang atensyon kay Mimi ng magsalita siya. "Alphas, may nalaman kayo?" Mimi

