Chapter 6: The Nerd "Sige, pero sa isang kondisyon, mapapalitan lang 'yan bilang Betas ngunit kapag kailangan ng tulong ng Alphas ay kusa kang dadating nasaan man sila. Sana ay maayos niyo na ang problema niyong tatlo. Ikaw lang ang makakaayos ng problema niyo," mahabang wika ni Arang. Tama. Ako lang ang makakaayos ng problema naming tatlo. "Ito nga pala, ang paborito mong bulaklak. Madami niyan dito at magkakasama sa iisang lugar, pero dahil nandito ka na ay paniguradong dadami ang bilang ng mga bulaklak na gaya niyan," sabi niya sabay abot saakin ng gintong bulaklak. "Paalala lang, kung gusto mong pailawin o manggamot, dapat walang makaalam na ikaw lamang ang makakapag-pailaw ng bulaklak na 'yan. Maganda ng mag-ingat tayo. Malinaw ba?" Ani Arang. Hindi daw malaman ang tawag dito. Walan

