THE DESPERATE LOVE EPISODE 66 TALKING ABOUT THE PAST ARTEMIS BLITHE’S POINT OF VIEW. LALAKI ANG unang anak namin ni Davien! Sobrang saya ko lalo na ng pauwi kami dahil ibabalita namin kaagad kay Betty na ang magiging kapatid niya ay lalaki. Nang makabalik kami sa bahay ay agad naming nakita si Betty sa may living room na parang naghihintay sa pagbabalik namin. “Mommy! Daddy!” Agad na lumapit sa amin ni Betty at pumulupot siya sa may bewang ko. Ngumiti ako sa kanya at hinaplos ko ang kanyang pisngi bago ako magsalita. “Anak, may good news kami sayo. Alam na namin kung ano ang gender ng sibling mo!” masaya ko na sabi sa kanya. Parang kumislap bigla ang mga mata niya sa aking sinabi. “Ano po ang gender ni baby sibling, Mommy?” Nagkatinginan kami ni Davien. Ngumiti siya sa akin

