THE DESPERATE LOVE EPISODE 48 KISS ARTEMIS BLITHE’S POINT OF VIEW. RAMDAM KO ang pagbabago ng pakikitungo ni Davien sa akin simula nang may mangyari sa amin doon sa mansion nila Mommy, sa gabi ng party nila. Ramdam ko na nag eeffort talaga siya na kausapin ako kahit na may ilang siyang nararamdaman at may ackwardness pa kami sa isa’t isa lalo na’t hindi naging maganda ang simula ng relasyon namin bilang mag-asawa. Pero na appreciate ko naman ang mga effort niya. At gagawin ko rin ang lahat para sa kanya, para maipakita ko sa kanya na hindi siya nagkakamali na bigyan ng try ang relasyon namin. “Davien, kumain na kayo! Nagluto ako ng breakfast!” nakangiti kong sabi sa kanya ng makita kong papasok siya sa dining area. Maaga talaga akong gumising upang makapag luto. Hotdog, omelette, at

