Simula

1896 Words
Simula I picked up my things and put them inside my brand new Chanel bag when I heard Yohann’s car outside our house. I whispered a curse and hurriedly went outside. Nakalimutan ko ng magpaalam kina Daddy sa pagmamadali ko. Kung hindi pa ako harangin ng aming guard ay baka umalis na ako ng hindi manlang nakakapagpaalam sa kanila. Strict pa naman si Dad pagdating sa mga ganoong bagay. Kailangan everytime na lalabas kami ng bahay ay alam niya at nakapagpaalam sa kanya ng maayos dahil kung hindi… I don’t know. Hindi ko pa naman nasubukan na umalis ng bahay na hindi nakakapagpaalam sa kanya. Mabilis akong bumalik sa loob upang magpaalam kina mommy. I headed straight to my parent’s room. Naabutan ko silang nag-aalmusal sa bed. Mukhang si dad yata ang naghanda ng breakfast ni mom. Breakfast in bed, huh? So sweet talaga ni dad pagdating kay mommy. Napaka maalaga at sweet. Gusto ko pag nagkaroon ako ng boyfriend katulad din ni dad. Sweet at maalaga. Saka syempre iyong mahal na mahal ako. Nakangiti akong lumapit sa kanila upang humalik at magpaalam. Ilang bilin ang natanggap ko kay dad bago niya ako hinayaang makaalis. Muli akong lumabas ng bahay. Dire-diretso akong pumasok sa sasakyan ng best friend kong si Yohann. Yohann's father is also a close friend of my dad. Magkaibigan yata ang mga tatay namin mula noong high school pa. I don’t know, I’m not sure. Mula mga bata pa lang kami ni Yohann ay close na close na talaga kaming dalawa, halos hindi na mapaghiwalay, magkasama sa lahat ng bagay maging sa kalokohan, kahit ako lang talaga itong maloko sa aming dalawa. Medyo tahimik at suplado kasi itong si Yohann, lagi pang seryoso at hindi namamansin, malayong-malayo sa ugali ko. Madalas nga kaming mapagkamalan na mag boyfriend sa school, eh. Ayos lang naman sa akin na napagkakamalan akong girlfriend niya, proud pa nga ako kapag nangyayari iyon dahil ang gwapo-gwapo kaya ng bestfriend ko tapos sobrang talino pa. Sinong hindi magiging proud kung ganoon ang lalaking iuugnay sa’yo? Kaya nga minsan hinahayaan ko na lang at hindi na kinokorek ang ibang taong nag-iisip na mag boyfriend kami. Wala din namang kaso kay Yohann na ganoon ang tingin samin ng mga tao sa school. Maganda din naman kasi ako, kaya bakit niya ako ikakahiya, di ba? “Ang aga mo,” sabi ko habang kinakapa ang phone ko sa bag. Saan ko ba iyon nailapag? Nalagay ko ba iyon sa bag ko? I forgot na. Walang sumagot hanggang sa maramdaman kong umandar na kami, napalingon na ako sa kasama ko, at halos mapasigaw ako sa inis nang imbes na si Yohann ang makita ko ay ang nakakabwisit niyang kapatid. What the hell! Bakit siya ang nandito? “What are you doing here?” I asked in an irritated tone. Dismayado na hindi ang bestfriend ko ang kasama ko ngayon kundi ang nakakainis niyang kapatid. He smirked annoyingly. "Hindi ka maihahatid ni Yohann may sakit siya.” Fvck! Ang malas naman. Pero bakit siya ang nandito? Papansin talaga kahit kailan. "Then why are you using his car?" I arched my eyebrow. I’m so disappointed na siya ang nandito ngayon kasama ko. Parang gusto ko nang bumaba na lang at magpahatid na lang sa driver namin. Kaysa makasama ko ang lalaking ito. Unti-unting naningkit ang mga mata ko nang may mapagtanto. "Yohann won't let you use his car. You're so sinungaling talaga! For sure tinakas mo lang ang sasakyan niya, ano!" Nakuha pang tumawa ng gago. Tinignan ko siya ng masama habang tuloy pa din siya sa nakakainis niyang tawa. Ngunit agad akong napatili nang paandarin niya ng mabilis ang sasakyan ng kapatid niya. Oh my god! Sabi ko na nga ba may kagaguhang iniisip nanaman ang lalaking ito, eh. "You're so gago talaga! Asshole! Bababa na ako!" pinaghahampas ko ito sa braso habang nagmamaneho siya. "Hey, stop!" Pigil niya sa pananakit ko dahil ang bagong bag ko na mismo ang pinanghahampas ko sa kanya. "I hate you so much, Noah Walcott!" "Stop it, Cassy! Mabubunggo tayo, ano ba!" pigil niya sa akin pero hindi ako huminto sa paghampas sa kanya. Deserve naman niyang masaktan dahil sa kalokohan niya. Akala niya ba natutuwa ako sa pinaggagawa niyang ito? Lagi na lang ba niyang sisirain ang araw ko? Nakakainis na talaga siya. Ilang beses akong nagtitimpi sa kanya pero papansin talaga siya. Dahil ayaw kong huminto sa paghahampas sa kanya ay napilitan siyang mapapreno bigla, at dahil wala akong suot na seatbelt muntik pa akong mapasubsob mabuti na lang at maagap akong nahawakan ni Noah. Ang mga braso niya ay nakapalupot sa baywang ko. Napaawang ng malaki ang mga labi ko sa gulat. "Oh my gosh!" Tili ko sa sobrang gulat at takot na din na naramdaman. Muntik na ako doon. Iritadong kinalas ko ang pagkakayakap ng mga braso ni Noah sa baywang ko at muli siyang pinaulanan ng hampas. Bwisit talaga ‘tong siraulong ‘to! Ipapahamak niya pa ako sa kalokohan niya! "Hey, stop!" pigil niya pero hindi ako tumigil. "Kasalanan mo ‘to! Muntik na akong sumubsob dahil sa’yo! Paano kung nasaktan ako at nagkasugat, kaya mo bang harapin ang daddy ko? Sabi ko bababa na ako, di ba? You're a kidnapper! Ipapapulis kita!" "Hoy anong kidnapper? Sinasabay ka na nga sa school, kidnapper pa ako? Ayos ka rin, ah! Ikaw itong kusang pumasok dito sa sasakyan kaya bakit mo ako inaakusahan ng ganyan?" Sa gigil ko ay sinipa ko ang tuhod niya. Agad siyang napahiyaw sa sakit dahil nakatakong pa man din ako ngayon. Tinignan niya ako ng masama at ibinalik ko din ang masama niyang tingin sa akin. Fvck you, Noah Walcott! Bakit ba napaka annoying ng isang ito? Ibang-iba siya sa kapatid niya! Siya pa man din ang panganay! Nakakainis! "Hoy sumusobra ka na, ah! Hindi porket sexy ka hahayaan ko ng saktan mo ako, ah!" "See? You're a pervert! Kidnapper ka pa! So annoying! Isusumbong talaga kita kay Yohann. You'll see!" Inis na inis na sambit ko. Ngunit ngumisi lamang siya at parang hindi manlang natakot sa banta ko. Namamangha pang itinuro niya ang kanyang sarili na para bang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. "Ako? Isusumbong mo sa tukmol na ‘yon?" napapailing na sabi ni Noah habang nakangisi pa din. Huh! Ang yabang talaga kahit kailan! Nakakairita talaga ang kayabangan ng isang ito. "Yes! Why? Hindi porque mas matanda ka kay Yohann matatakot mo na siya! Excuse me, kaya akong ipagtanggol ni Yohann from you!” Mas lalo lang lumawak ang ngisi niya sa pagbibida ko sa bestfriend ko. Nakakainis! Minsan pakiramdam ko minamaliit niya palagi ang kapatid niya porque hindi sila magkaparehong dalawa. Siga kasi siya sa batch nila at iyong kapatid niya parang walang pakialam sa mundo. Tahimik at masyadong seryoso sa buhay. Kaysa naman maging bulakbol tulad nitong kuya niya na gangster naman. Nakakainis! "Where is he then? Where is your prince f*****g charming?" "Don't fvck him!" Iritadong-iritadong sigaw ko sa kanya. "Of course I won't fvck him. I'm not gay, Cassy and he's my brother. That's incest." Tinignan niya ako na para bang diring-diri siya sa kung anong pumasok sa isip niya. Fvck him! Napaka dumi kasi lagi ng isip. "Ahh! You are so annoying talaga!" Iling ko. Gigil kong binuksan ang pinto sa side ko pero agad din iyong naisarado ng mokong. Galit ko siyang binalingan. Ano ba kasing problema ng isang ito sa akin? "What do you want ba?" naaasar kong tanong sa kanya ngunit wala siyang ibang ginawa kundi ang ngumisi lamang at prenteng sumandal pa talaga sa kinauupuan niya. Aba! Ang lakas din ng isang ito, ah! "What? Anong kailangan mo para makaalis na ako?" Humalukipkip ako at naiiritang tinignan siya. I swear, parang kumukulo na ang dugo ko sa asar sa lalaking ito. "What the hell do you want, idiot?" "Kiss mo ako," malawak ang ngising sinabi ni Noah na dahilan para mas lalo lamang uminit ang dugo ko sa kanya. Wala na talaga siyang nasabing maganda kahit kailan! Puro kamanyakan! Isumbong ko kaya siya kay Dad nang matigil siya sa pangungulit sa akin. "Ew! No way! Why would I do that?" May halong pandidiri ang tingin na ibinigay ko sa kanya. Tumaas ang dalawang kilay niya sa akin at hindi makapaniwala akong tinignan. Ano, Noah? Akala mo siguro lahat ng babae maghahabol at bibigay sa’yo! Ano ka hilo? Bakit naman ako papatol sa lalaking mas malandi pa kaysa sa babae. Sa dami ng naging babae mo tanga na lang ako kung papatulan ko pa ang paglalandi mo! At ayoko nga sa siga! Ang tipo ko ay iyong mga matalino at pa mysterious type. Tulad ni Yohann, pero hindi ko sinasabi na gusto ko ang kaibigan ko, ah? Type ko lang iyong katulad niya pero s’yempre wala akong ibang nararamdaman kay Yohann kundi pagkakaibigan lang talaga, kahit pa palagi kaming tinutukso sa isat-isa. "I mean you're pogi naman, but you're not my type! Ayoko ngang i-kiss ka, ang dami-dami mong babaeng hinahalikan sa school baka mapasa pa sa akin ang mga virus and germs nila! Ew! Naiisip ko pa lang kung gaano na kadami ang babaeng nahalikan ng mga labing ‘yan kinikilabutan na ako, eh." Natawa na lang si Noah sa inasal at mga sinabi ko. Tumaas ang kilay ko at muli siyang sinamaan ng tingin. "Why are you laughing?" Hindi niya ako sinagot at nagpatuloy sa pagtawa kaya hinampas ko na. Tarantado talaga ‘to! Pinagtatawanan ako ng walang dahilan. "Aw ano ba! Ang sakit mo ng manghampas ah!" salubong ang kilay na anas ni Noah. "You're so stupid kasi! Tumatawa ka kahit wala namang nakakatawa. Like duh! Are you crazy?" "Like duh! Are you crazy?" panggagaya naman nito sa sinabi ko. Ginaya pa talaga pati ang tono ko. So annoying talaga. Umirap ako at inulit pa ulit ang panghahampas sa kanyang braso. Wala akong pake kung magkapasa siya d’yan. Deserve naman niya kasi gago siya at bastos pa. "Ano ba? Bababa na ako, okay? Naiinis na ako!" "Ihahatid ka na nga sa school ang arte mo pa. Anong gusto mo maglakad ka?" "May car kami with a driver," nakataas ang kilay na sabi ko. Tanga ba siya? Parang hindi niya alam ‘yon. Magkatapat lang naman ang mga bahay namin at magkaibigan ang mga parents namin kaya imposibleng hindi niya alam iyon. "Mamatay na sana nagtanong," walang kwentang tugon niya. Epal talaga. "Ugh! Annoying!" "Sige lakarin mo nga pabalik. Tignan natin kung hindi masunog yang balat mo. Konting init pa nga lang namumula na 'yan," napapailing na sabi ni Noah. "At bakit mo alam? Maniac ka talaga! For sure lagi kang nakatingin sa katawan ko kaya mo alam! Pervert!" Napapikit ng mariin si Noah para bang nahihirapan na akong kumbinsihin. "'Tsaka mo na ako tawaging pervert kapag hinalikan kita at hindi mo nagustuhan." "Ew! Kadiri ka talaga! Ugh! Iniisip mo pa talaga ‘yan!" Mabilis akong bumaba ng sasakyan, bahala na kung mainitan. Huwag ko lang makasama ang pervert na iyon sa isang sasakyan. Uminit pa lalo ang ulo ko nang makitang nakasunod pa din siya, paatras niyang pinapaandar ang sasakyan ng kapatid upang makasabay sa paglalakad ko. Napairap ako at hinayaan na lang siya, hindi na pinansin hanggang sa makabalik ako sa tapat ng bahay namin. Mabilis akong pumasok sa gate namin at hindi na siya hinintay na makalabas pa ng sasakyan ng kapatid niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD