Bumangon na si Alyana kahit madilim pa ang paligid. maririnig pa ang iba't ibang huni ng ibon at mga kuliglig . pumunta sya sa kanyang mini altar malapit din sa kanya higaan. nag dasal muna sya bago tumungo sa banyo.
tumungo sya sa kusina at gumawa sya ng tsaa na lage nyang iniinum tuwing ganitong oras bago sya pumunta sa kanilang taniman. naadikan nya uminum ng tsaa. nakakarelax po kasi at nakakabata hehehe...
minsan naman gumagawa sya ng tsaa na gawa sa iba't- ibang prutas o herbal na nakukuha nya sa kanilang taniman .
Bumalik sya sa kanyang kwarto habang dala dala ang tsaang kanyang ginawa .
Ito ang kanyang ginagawa araw-araw pag siya ay mag isa lamang sa bahay. datirati kasakasama niya ang kanyang lola Fina, sa pag darasal pero ito ay nasa kabilang bahay nila at dina pinayagan ng kanyang ama na pumarito pa dahilan ito ay matanda na.gusto ng kaniyang ama na umuwi na siya subalit ito ay kanyang tinanggihan masaya siya dito kahit mag isa lamang siya.
malawak ang kanilang lupain napapaligiran ito ng iba't - ibang panamin na gustong -gusto nya palage puntahan sa ganitong oras.hindi na kailangan bumili sapagkat sapat na ang mga tanim dito.
masaya siya at nasanay na sa ganitong set up . mas nakakagalaw siya ng maayos pag ganitong madilim pa.
habang abala siya sa pag inum ng tsaa ay may narinig siyang kaluskos at agad siya lumabas sa knayang kwarto, lumapit siya sa may bintana at sumilip.
hindi niya gaano makita kaya dahan dahan niya itong binuksan at may nakita siyang anino na alam niya nag tatago ito sa my likod ng pader malapit sa bintana.
"naku mga tao nga naman ang kukulit pinapagod lang nila ang kanilang sarili ano naman ba ang gagawin nila para lang may malaman o maikwento sa bayan. wika ni Alyana."
biglang may naisip na naman si alyana na kapilyuhan sa sarili , dali- dali itong umalis ,tinungo nya ang isang kwarto na siya lang ang nakakapasok dito. maliban sa lola nya na dati din itong ginagamit na kwarto noon.
kinuha niya agad ang kanyang ginagamit. (Mga props ) para manakot ng tao natatawa siya habang nag bibihis .
" ano naman ba kwentong maririnig niya mayang umaga. tsk tsk .. mga tao talaga oh makakwento lang kung ano ano pa ,madami talaga sa bayan ang mas nakakatakot pa sa multo. minsan sila pa ang dahilan ng away pamilya or kasintahan at iba pa dahil lang sa mga maling chismis . mga marites talaga hahahaha...
habang abala ako sa pag make-up ( pakanta kanta pa ako habang inaayos ang aking mukha at buhok )
Yes ito na hahahah tapos na get ready to ramble este ready na para manakot hahahaha ..
ahuuwuuooo..
hahahahahaha
huling sinuot ko ang telang puti at maskara na wlang mukha, (plain mask) Bongga diba hahaha ewan ko bakit yan pa napili kung mask na galing kay lola. lahat ng mga abobot ni lolo ay ginagamit ko din pero lage kung ginagamit itong plain na mask na wlang mukha. ito ang lage kung naririnig sa bayan pag na kwento ng mga chismosa ang nakakatakot na mukha na madalas daw mag pakita sa hating gabi o ikaw 3: 00 ng madaling araw na talagang matatakot ka pag ito ay iyong makita. mas maganda din gamitin to at madali lang suotin kaya ito ang madalas kung suoting panakot.
Takbooooo takbohan na.....hahahaha
" Tiningnan ko ang aking sarili sa salamin at napangiti sa nakita ( wow ang ganda perfect talaga hahahaha )
"hahahaha tawa ko ng tawa mababaliw n aata ako char. ang galing ko talaga .. perfect(paulit ulit nalang na perfect naka ilang sabi naba ako sa perfect hahaha uy nag bilang sya) Alyana time na para manakot nanaman hahahaha... tawa ko ng malakas na parang isang mangkukulam. parang hindi mangkukulam baliw lang ata. (Peace sign )
oh tapos na ang kabaliwan
tinungo ko agad ang kusina at doon ko nilagay ang isang bungo na gawa sa Plastic sa likod ng bahay, alam ko daanan ito doon at makikita nya agad at itong matatakot, nag mamadali akong bumalik sa may bintana, inilapit ko ang katawan ko para lalo niya akong makita o maanigan hahahaha exciting to isip ko.
1 .. 2... 3... bilang ko habang pigil na matawa . nakikita ko kasi ang magiging reaksyon naman nito maya hahahaha ..
Biglang nawala ang anino sa labas hmmm.. " saan kaya nag suot un ang tagal naman parang matatagalan ako sa isang to ahh, " sige waiting lang tau medyo may oras pa naman , hayss medyo naiinitan na ako ahh "medyo inis na ako hahahah parang matalino un tatakutin ko bigla nawala eh nautakan ata ako hmmm...
Ngawit na ako pero parang dipa bumabalik un unggoy na un ( opo ako un naasar )
inhale ..
exhale..
inhale..
exhale..
Ang tagal nababagot na ako sakit na ng bintk ko kakatayo wala paren di pansin ang beauty ko este panakot ko ..saan naba un, lintanya ko sa sarili.. ay ayoko na give up na ako bahala na nga . tinanggal ko ang aking maskara at tinungo ko ulit ang kwarto para mag palit . " sayang naman diko natakot ang isang un ( nanghinayang pa diba hahahaha)
"habang tinatanggal ko ang mga nilagay kung abobot sa katawan ko ay biglang my kumalabog sa kusina .
" Blaaaggg...
lakas na pag kalabog .
" Dali dali akong lumabas diko na alintana na wala na pala akong suot na maskara sa aking mukha, nakita ko ang isang tao na nakadapa sa sahig na walang malay.
"oh my god .. .napatakip ako sa aking bibig sa gulat, " ano ginagawa nito dito sa loob at bakit sya nakapasok na hindi ko nalaman o narinig ang pag bukas nya sa pinto .
"ikaw pala ang nag salarin kung bakit ako nangawit kakatayo kanina ahh at dito ka talaga pumunta hindi ka man lang natakot sa kaibigan ko sa labas, panisi ko dito. " napatingin ako sa mukha na natatabingan ng konting buhok sa mukha, " hmmm pero gwapo ahh at mabango , ( ayy may pagwapo kana at paamoy amoy kana ngaun ahh hahahaha) "pero uhmm amoy alak lasing ba to? tanong ko sa sarili.
"malamang kaya nga amoy alak diba, kontra ng isip ko. "pero bakit dito sya nag punta wala bang bahay to.
Biglang gumalaw at sa gulat ko e nahampas ko ito , at bigla nalang ulit nawalan ng malay ,.
" Kasi naman bakit kapa kasi gumalaw ayan tuloy nahampas kita, panisi ko dito ..
Diko alam gagawin ko dito , malas naman oh bakit ngaun pa. paumaga na ayoko makita nya ako sa ganitong ayos ko. dali dali akong umalis at tinungo ang pinto palabas BAHALA NA NGA ....
Sya na nga nasaktan sinisi mo pa hahahaha ,. sunod po kasi mag paalam char.
*SB*