Chapter Fourty-five – Bistado "Bakit ka nandito?" Gulat na gulat niyang sabi kay Matthew na nakatingin lamang galing sa pintuan ng kwarto nito. Iniinda parin niya ang ulo at ang kamay na sugatan. Napatingin siya sa hindi pa niya natapos na gawain. Napabaling din siya pabalik kay Matthew na hindi man lang umiimik. "Ikaw? Anong ginagawa mo dito?" Balik nitong tanong na ikinabara ng kanyang lalamunan. Tumikhim muna siya bago ito sinagot. "A-Ano kasi-" nauutal nitong sagot. "Ano?" Nakataas ang mga kilay nito habang inaantay ang kanyang sagot. "May pinapasabi kasi si Franco kaya a-ako na-nandito," hindi niya parin mapigilan ang pangingunig ng kanyang labi. "Ano daw?" Usisa naman ni Matthew sa kanya. "Na... Mauuna nalang daw siya?" "Bakit hindi ka sigurado?" Isang kikay na ngayon ang n

