Chapter Sixty-nine - Parking Lot Sabay na lumabas si Margarita at Matthew habang akay nila ang lasing na si Felicity. Pinagtitinginan na sila ng mga tao kasi panay mura na lumalabas sa bibig nito at kay lakas pa ng boses. Pinapatigil naman ito ni Matthew dahil nahihiya na ito. Ngunit, hindi parin ito nakikinig at patuloy parin itong nag-ingay. Si Margarita na ang bumukas sa pintuan ng sasakyan ni Matthew. Agad na ipinasok nito ang lasing na Felicity sa back seat. Matagal pa bago ito tuloyang maipasok ng maayos sapagkat nagpoprotesta itong hindi pa uuwi. Natatawa nalang si Margarita habang minamasdan ito dagil nahihirapan talaga si Matthew. Nakikita niya kung paano mamuo ang pawis nito sa noo at ang pagbuntong nito ng hininga noong matagumpay nitong naisarado ang sasakyan. Agad naman ito

