BILLIE "BILLIE, anak, gising ka na ba?" turan ni Papa matapos ulit itong kumatok. "P-Pa, b-bakit po?" tugon ko. Hindi ko kasi alam kung narinig ni Papa ang aming ingay kaya pinili ko na lamang itong tugunin. Mahirap na baka kapag hindi ako sumagot ay pumasok pa si Papa sa loob ng aking silid. Mabilis kong inabot ang aking cellphone at tiningnan kung anong oras na. Alas-kwatro pa lamang ng madaling araw. Natapik ko ang aking noo nang maalalang maaga nga pala laging gumising si Papa. Kahit dati pa ay mga ganitong oras iyon nagigising kahit wala namang gagawin. Natataranta ako kung paano ko itatakas si Damian palabas ng bahay nang hindi nahuhuli ni Papa. "Maaga akong mamalengke para sariwa ang mabili kong mga isda at karne. May ipapabili ka ba o may gusto ka bang ipaluto?" tanong ni Papa

