It's Tuesday and I'm feeling a lot better. The wound on the left side my forehead is still visible but there's no need to cover it because it has dried up. Kung hindi lamang nag-insist si Gwen na lagyan ko ito ng gauze bandage dahil baka daw ma-expose sa dumi ay hindi ko na sana tatapalan. May punto naman siya kaya sumunod na lamang ako. Nabawasan na rin ang sakit ng sprain ko, hindi na round the clock ang inom ko ng pain relievers, when necessary na lang. Ilang araw rin akong nakulong sa ospital at pagkatapos ay sa bahay. Not that I was bored. Thanks to Gwen and Josh. And of course, Gavin. Noong Linggo ng gabi ay hindi umalis si Gavin hanggang hindi nasisigurong nainom ko na ang mga gamot ko. Mahigit isang oras lamang ang nakalipas mula ng umalis siya ay dumating naman si Nana

