I just got home from Sariaya, Quezon. Binabalik-balikan ko pa rin lahat ng nangyari during the Team Building habang iniinom ang juice na tinimpla ko kaninang nandito si Gavin. Kakaalis lang din niya matapos akong ihatid. Ang totoo he didn't want to leave just yet. And neither did I. Pero bukas ay simula na ng pinaka-matinding practice nila for NCAA Finals and he needs to rest kaya 'ipinagtabuyan' ko na naman siya according to him. Hindi ko mapigilang mapangiti nang maalala ko ang nangyari kaninang umaga. Madaling araw na naman akong ginising ni Gavin at niyayang maglibot malapit sa lake na para bang walang nangyari sa lugar mismong iyon the previous night. He never mentioned anything about the incident and I didn't bother to ask. At that time, I'm just thankful na may maganda akong maaal

