author's note: poem credits to irenafaith. thank you =) ************************************************************ "At sino namang ka-text mo? Kanina ka pa tumatawang mag-isa diyan ah," wika ko kay Gwen nang tumabi ako sa kanya sa sofa. Napagkasunduan namin na dito siya matutulog. Kakaalis lang ni Gavin matapos kaming ihatid sa bahay. Kumain kami sa Pizza Haven kasama ang buong varsity pero bago kami ihatid ni Gavin sa bahay ay sumaglit muna kami sa Ice Cream House, ang dating tagpuan namin ni Gavin noong 2nd year pa lamang kami. Noon lamang kami ulit nagawi noon at nag-enjoy ako ng sobra sa kwentuhan namin. Kinuha pa niya ang gitara sa kotse at kumanta kami habang si Gwen naman ay kanina pang abala sa cellphone. "Hoy Gwen, ano? Sinong kausap mo diyan?" Nagpatuloy siya sa pagtutok

