"Ha?" Kunot noong tanong sa akin ni Edward na siyang dahilan para mapabuntong hininga na lang ako at napairap nang dahil sa reaksyon nito. "Ethan told me," seryosong sagot ko rito habang ang tingin ay nakatuon na sa harap ko. "Oh." Sagot nito na ani mo'y hindi niya inaasahan na malalaman ko. Ilang segundo rin ang nagdaan bago siya nakapagsalita. "So, when?" Muling tanong ko rito habang nilalaro-laro ang mga daliri ko sa kamay na hindi man lang siya tinitignan. "I'm still thinking about it." He uttered na siyang dahilan para lingunin ko sandali na siyang nakatingin sa kalangitan ngayon. Mga ilang segundo ko rin siyang tinititigan at napatango-tango na lang nang marealized ko ang ginagawa ko. I also looked up para tignan ang kalangitan na siyang may ulap na, hindi gaya noon na kulay bug

