"So, what are we talking about again?" I asked nang makabalik na ako sa kotse niya nang dahil sa pumunta muna ako sa cr para mag-ayos kahit papaano. Sandali ko munang iniayos ang seatbelt ko at ang aking pagkakaupo bago naisipang lingunin si Ethan dahil sa nananahimik nanaman siya. Ewan ko ba, minsan ang daldal niya, minsan ang tahimik niya. Hindi ko tuloy alam kung may nangyari ba o sadyang wala lang siya sa mood para dumaldal nang dumaldal. Seryosong-seryoso ang itsura nito na mukhang ang lalim ng iniisip. Hindi ko alam kung nag-ooverthink lang ako or what, pero kasi hindi niya ako iniimik. "Ethan?" Muling tanong ko rito na siya namang nagpabalik sa wisyo nito at nilingon ako na medyo namimilog ang mata. Halatang-halata na hindi nakikinig ang bruho nang dahil sa reaksyon niya. Napail

