Kalalagay lang namin ng gamit namin ni Chase sa likuran ng van na sasakyan pabalik sa university na siyang imamaneho ni Kuya Mon, anak ni Sir Mendoza, since ang tatay niya e ayaw kami payagan na mamasahe na lang. Mas mapapamahal daw kami kung mamamasahe pa, at isa pa ay mas ligtas dito sa sasakyan namin na van. Pagkasakay na pagkasakay sa loob ay napasandal na lang ako sa aking kinauupuan at napapikit na lang kaagad nang dahil sa hindi pa rin maalis sa isip ko kung ano ang kilabot na naramdaman ko kanina. Hindi ko alam kung masyado lang ako napapraning o pagod lang talaga. Hindi na rin kami masyado nagdaldalan pa ni Chase since inihilig ko na rin kaagad ang ulo ko sa balikat nito. Maybe I'll sleep kahit papaano habang nasa bihaye at makapagpahinga na rin. "Rain, we're here already." Da

