Ilang oras na rin ang nagdaan at sandaling nagka-ice breaker na muna bago iannounce ang mananalo. Nakapasok ako sa top 10 at naisalang ako sa Q and A. Pero, hindi pa rin ako makampante nang dahil sa sagot ko. I admit na sandali akong nagbuffer nang dahil sa katahimikan and even sa kaba nang dahil sa titig na titig ang judges sa akin. Gusto ko na lang lamunin ng lupa sa mga oras na yun! "Top 10! Balik na sa pila!" Nabalik ako sa aking wisyo at napatayo na sa aking kinauupuan since tapos na rin naman na ang pagreretouch sa akin ni Kuya Jester. Sandali akong napahinga muli nang malalim bago pumasok muli sa stage. Pagkapasok na pagkapasok ko, halos malaglag ang panga ko nang makita si Keila sitting on the throne chair. Wearing a evening gown, and even with her full face make up on while ear

