Agad-agad kaming kumilos dahil sa maaga daw ang alis namin ngayon. Kaya naman alas tres pa lang ay naghahanda na kami para maaga kaming makapunta sa eskwelahan na pupuntahan namin. Para na rin siguro maayos yung mga projectors o kung ano pa man na gagamitin namin. Mayamaya pa ay napahinto na lang ako nang dahil sa biglang may kumatok sa pinto namin. Nagkatinginan naman kami ni Chase, ng boyfriend ko, at sandaling nag-unahan pa na tumayo para makita kung sino ang titingin doon. Napabuntong hininga na lang naman ito nang dahil sa nakipag-unahan pa ako sa kaniya para lang makita kung sino iyon. Sandali nitong iniwisyo ang kamay niya at itinuro na ang pinto na siyang dahilan para maglakad na ako at silipin kung sino ang kumakatok na iyon. Nalaglag ang panga ko nang makita si Sir Mendoza sa

