"Wait, that fast?" Halos manlaki ang mata ko na tanong sa kaniya. Pansin ko naman ang pangungunot ng noo nito at aktong magsasalita na sana muli ako ngunit biglang tumunog ang messenger notification ko. Napatingin kaagad ako sa cellphone ko at nagdadalawang isip pa kung babasahin o titignan ko man lang kung sino iyon. For Pete's sake, I can't still recover sa kahihiyan na ginawa ko in our reunion. Buti na lang at hindi nakarating kila mama o kaya naman kay ate, cause for sure they will tease me! "Let's eat." Napaangat naman ang tingin ko nang dahil sa boses na iyon ni Edward. At nakita na lamang na naglalakad na ito papalayo sa amin. Halos mapahawak naman ako sa aking sikmura nang dahil sa pagtunog noon na siyang senyales na gutom na ako. "Tara na at nang maibigay mo na libre namin!"

