“Eisha Lorraine Andrande, ABM-A 12.”
Para ba akong nabingi nang sabihin iyon ni Edward. Hindi ko alam, pero parang ilang beses umecho sa tainga ko ang binitawan niyang salita.
Nasa last subject na kami ngayong umaga at maya-maya ay uwian na rin. It is our Practical Research 2 kaya walang masyadong ginagawa.
“Hey are you listening?”
Tila nabalik ako sa wisyo nang bigla akong lapitan ni Mrs.Valdemor. Ramdam ko naman ang tingin ng ilan sa mga kaklase ko sa akin na para bang nagtataka kung bakit parang lutang ako ngayon.
“Yes ma’am. I’m listening,” sagot ko rito na hindi makatitig nang deretso sa kaniyang mata.
Nagpatuloy lang naman ang discussion at maya-maya ay tumunog na rin ang bell. Nagtayuan na ang mga kaklase ko at siyang nag-ayos na rin ako ng gamit ko.
“Mr. Vicencio.”
Napaangat ako ng tingin nang tawagin ni Mrs. Valdemor ang apelyido ko. Sinenyasan ako nito na pumuta sa harapan na siya namang ipinagtaka ko.
Pumunta ako sa harapan at tumambad sa akin ang tatlong clearboooks na makakapal. Napakagat ako sa labi ko nang makita ang mga iyon nang dahil sa parang alam ko nanaman kung ano ang ipapagawa sa akin.
“So quiz bee in Philosophy is coming up next month Mr. Vicencio,” sabi nito sa akin at nanatili lang na nakatayo sa harapan.
Nanatili lang akong nakatayo at nakikinig sa sinasabi ni Ma’am Valdemor. I think he will asked me to help her to train her representative.
“I have two representatives actually, and I can’t handle them both everyday nang dahil sa seminar na maglalast for one week.”
Tinignan ako ni Ma'am Valdemor at itinaas ang ballpen at ang isang papel. Napatingin ako roon at sandaling nag-isip kung tatanggapin ko ba.
“I want you to help me with that two students. Hindi naman mahirap turuan ang isa and you can choose kung sino ang pipiliin mong turuan,” saad ni Ma’am Valdemor at sandaling umupo sa upuan sa harap para maayos na makapagsulat sa bondpaper.
Napailing na lang ako at sandaling napatingin sa bintana nang dahil sa parang wala na akong magagawa. Maya-maya pa ay iniharap na niya sa akin ang sinulatan nitong bondpaper.
Official List of Representative for Philosophy Quiz Bee
Remialyn Onofre Stem A-12 -----V.M CLEMENTE
Sally Vera Sy Humss B-12 ------R.S VALDEMOR
Eisha Lorraine Andrande ABM A-12 ------ R.S VALDEMOR
Divina Smith Stem A-12 ------V.M CLEMENTE
Eisha Lorraine Andrande? That girl?
“You can choose now Mr. Vicencio. Sally Vera or Eisha Lorrainne?”
“Kailan ba magsisimula ang pagrereview ma’am?” Pagtatanong ko kay ma’am na siya namang nagsscan ngayon ng isa sa mga clearbooks.
“I think next week? All I need now is the reviewer. Can you do it?” Balik pagtatanong nito sa akin at tsaka tumayo na sa kaniyang kinauupuan.
Bahagya akong napatango at napatingin na rin sa bondpaper na ‘to. Should I accept this?
“Don’t worry, you will have incentives when you accept this.”
Napatingin ako kaagad dito at nagulat narin nang dahil sa sinabi niya. Actually hindi na bago para sa akin ang mga incentives na pinagbibigay ng mga teacher. Pero iba si Mrs.Valdemor, she doesn’t give incentives kapag may pinagawa siya.
“Okay, I will accept this. I’ll choose Eisha Lorraine,” walang patumpik-tumpik na sabi ko.
“So this is settle now. Pwede mo nang iuwi itong mga clearbooks so that you can start already in making reviewer.”
Umalis na rin kaagad si Ma’am Valdemor at naiwan na akong nakatayong mag-isa rito sa harapan ng klase. Hindi ko maiwasang mapailing nang dahil sa biglaang pagdedesisyon ko.
So I really to need to help her right?
“Hey dude!”
Napalingon ako sa may pintuan at kitang-kita ko naman ngayon ang kaibigan kong si Keila na nakaakbay pa kay Edward na mukhang naharang nanaman papauwi.
“Hoy, bakit ba hinila mo nanaman ako papunta rito!" Inis na sambit ni Edward na pilit na inaalis ang kamay ni Keila sa may leeg niya.
“Excuse me? Last time parang sinabi mo lang na ililibre mo kami hindi ba?” Prangkang pagtatanong naman ni Keila at mas lalong nilock pa ang pagkakaakbay kay Edward.
Napailing na lang ako at kinuha na ang mga clearbooks sa desk papunta sa upuan ko. Ramdam ko naman ang pagsunod ng dalawa sa akin at ang pag-upo nila sa upuan na bakante.
Isiniksik ko na lamang sa bag ko ang clearbooks at tsaka isinukbit na ang bag ko sa aking balikat. Halos mapatalon ako nang dahil sa nasa likod ko na kaagad itong si Keila. Tinaasan ako nito nang kilay at takang tinitignan ako na para bang may ginawa akong masama.
“Why are you looking at me like that?” Tanong ko rito na sinuklian ang pagtataas niya ng kilay.
Pinanliitan ako nito ng mata at aktong ilalapit pa ang mukha niya sa akin. Napailing na lang ako at kaagad na iniharang ang palad ko. Tinulak ko nang marahan ang noo niya para lumayo ito sa akin.
Nginusuan naman ako nito at inihalukipkip na lamang ang kaniyang braso. Napairap na lang ako at umikot na lang sa likuran ng classroom nang makaalis na rin ako.
“Hey! Bakit ba madaling-madali ka!” Rinig kong sigaw ni Keila ngunit hindi na ako nag-abala pang lumingon.
Sandali rin akong natauhan at huminto sa paglalakad. Nilingon ko si Keila na ngayon ay nakapamewang na.
Hindi ko mapigilang mapangiti at kaagad na naglakad pabalik sa kinatatayuan niya. Kitang kita naman ang gulat sa mata nito nang itulak ko siya papasok sa classroom.
“At bakit bigla kayong bumalik ha?” Taas kilay na pagtatanong ni Edward.
Nginitian ko lamang ito at dali-daling naglakad papunta sa puwesto nitong si Edward na halata rin sa mukha ang gulat. Inilabas ko kaagad sa bag ko ang dalawang clearbooks at ibinaba sa isang desk.
“And what is this?” Takang pagtatanong ni Edward na nanlalaki ang mata na nakatingin sa mga clearbooks.
“Actually, I’m in a hurry today.”
“We will have a family reunion that will last for 3 days I think?"
“At anong kinalaman niyang mga clearbooks na yan?" Pagtatanong ni Keila sa akin na iniiscan na ang laman ng isa sa mga yun.
Nagkatinginan sila ni Edward nang dahan-dahan at sabay akong nilingon na para bang alam na nila kung ano ang binabalak ko. Nginitian ko na lamang sila at bahagyang nagkibit balikat.
“This is Philosophy. Do Ma’am Clemente gave you this?” Pagtatanong ni Keila saakin na nakataas pa ang kilay.
“Nah, Ma’am Valdemor.”
“So anong gagawin rito?”
Napalingon naman ako kay Edward na nakakunot noong nagiiscan sa clearbook.
“Reviewer."
“What?!”
Halos mapalayo naman ako sa kanilang dalawa nang dahil sa biglaan nilang pagsigaw. Napahawak ako kaagad sa tainga ko at halos mapakunot ang noo.
“Seriously Ethan?” Nanlalaking matang tanong ni Keila.
Napahimas na lamang ako sa batok ko at bahagyang tumango. Kita ko naman ang pagbuntong hininga ng dalawa.
“Grabe Ethan, dami-daming pwedeng iaccept ito pang napakatrabaho. Alam mo namang magiging busy ka this week pero kinuha mo pa,” saad ni Edward at isinandal ang likuran sa pader.
“Guys,” I paused and sat on a vacant chair.
Tinignan ko silang dalawa at itinukod ang magkabilang kamay ko sa desk.
“I accept it because of the incentives. Sayang naman kung hindi ko kukuhanin diba?” Sabi ko sa kanila habang tinataas taas pa ang magkabilang kilay.
Mukhang nagulat ang dalawa sa sinabi ko. Napakunot noo si Edward habang si Keila naman ay napataas ang kilay.
“I’m running as the salutatorian of our class, wala naman sigurong masama kung tatanggapin ko yun hindi ba?”
“Wait. Are you serious? Ma’am Valdemor will give incentives?” Pagtatanong sa akin ni Edward na biglang umayos nang pagkakaupo at inilapit ang mukha sa akin.
Nagulat naman ako sa ginawa ng kaibigan kong ‘to. Pero imbes na lumayo sa mokong, inilapit ko rin ang pagmumukha ko sa kaniya.
“Eew! Can you please stop that thing? Hindi bagay para sa BL series mga dude!” Sigaw ni Keila at aktong lalayo pa sa amin.
Napailing na lang kaming dalawa ni Edward na natatawa-tawa nang dahil sa pandidiri ni Kei sa amin. Where doing this for how many years, but still hindi pa rin nasasanay itong si Keila.
Umayos na ako sa pagkakaupo at bahagyang tumango bilang sagot sa tanong ni Edward. Nagliwanag ang mata nito at halos kuminang na nang dahil sa nalaman.
“I’m ready to help, basta ba sabihin mong tumulong ako sa paggawa ng reviewer?” tuwang-tuwang tanong ni Edward sa akin.
“Sure.”
Tinanguan ko si Edward na halos tumalon na sa saya. Napailing na lamang ako at sandaling nilingon si Keila na napapairap na lang.
“So will you help your precious friends?” Pangungunsensiya ko sa kaniya habang titig na titig sa kaniyang mata.
Pansin ko naman ang paglunok nito at ang pag-iwas ng tingin sa akin. Umirap muli ito at dahan-dahang tumango.
“Fine,” inis na sagot sa akin ni Keila at kinuha na ang isa sa mga folder.
Nauna ng tumayo ito sa amin at sandaling inayos ang blazer niya. Pinanlisikan ako nito ng mata at bahagyang inirapan.
Aktong lalakad na ito palayo pero hinawakan ko na kaagad ang palapulsuhan niya na siyang nagpahinto rito.
“Don’t worry, I will treat you once I get back,” sabi ko rito na nakangiting nakatingin sa kaniya kahit na hindi niya ako nililingon.
“Yeah, whatever.”
Naglakad na rin ito palayo sa amin ni Edward. Napailing na lang ako at iniayos na lang rin ang gamit ko nang makaalis na ako.
“Saan ba yung venue?” Tanong ni Edward habang pababa kami sa building.
“Hindi ko masabi kung saang lugar. I’m just waiting for the location that will be sent by Yyselle.”
“Oh, how’s my crush now?” Pagbibirong tanong naman ni Edward na natatawa-tawa pa.
Sandali akong napahinto nang makarating na kami sa first floor. Nilingon naman ako nito na tinataas-taas pa rin ang kilay niya.
Napailing na lang ako at dali-daling tumakbo papunta sa kaniya sabay akbay.
“Pasalubong ko Chase ha!” Sigaw ni Edward sa akin nang nasa harapan na ito ng kotse niya.
“Yes Anton!”
“Shut up dude!”
“You shut up too!”
Sumakay na ako sa kotse ko at inilagay na ang bag ko sa back seat. Agad akong sumandal sa drivers seat nang dahil sa nakaramdam na rin ng kaunting pagod.
Inilabas ko sandali ang cellphone ko at tinignan kung may message na sa akin si Yyselle. And as I expected, mayroon ng dalawang message sa akin ito sa messenger.
Yyselle Vicencio
Here’s the location dude.
123 Zamora Building, Xenon Boulevard
Don’t be late!
Napabuntong hininga na lang ako at inilagay na ang cellphone ko sa phone holder nang makapagsimula na akong magmaneho.
Nang makarating na ako sa bahay ay kaagad akong humilig para kuhanin ang bag ko na nasa back seat. Kinuha ko na rin ang cellphone ko na nasa phone holder at tinignan kung anong oras na.
Napangiti ako nang makitang alas dose pa lang naman pala ng tanghali at may oras pa ako para makapagphinga kahit papaano. Dumeretso kaagad ako sa kwarto ko at ibinagsak ang katawan ko sa kama.
Tumingala ako at pumikit nang mariin. Hindi ko maiwasang mapangiti nang dahil sa naging desisyon ko.
“You’re making me crazy, Andrande.”