"Wait, Keila and Ethan are going out?" "Hindi ba si Ethan and Eisha from ABM yung in a relation?" "Mga gaga, ano bang pinag-uusapan niyo diyan?" Parang gusto kong mawala na sa kinatatayuan ko nang marinig na nang mas malinaw kung ano man ang pinagbubulungan nila kanina at ang issue na kumakalat nanaman ngayong araw. I thought makakatakas na ako sa issue since hindi naman na kami nagpapansinan ni Edward, pero itong ngayon? Hindi ko alam kung makikinig ba ako sa explanation ni Ethan mamaya or kung mag-eexplain ba siya sa lagay ng issue ngayon. "Bestie!" Napalingon ako sa likod ko nang marinig ang boses ni Mia. She's running towards me at kumakaway-kaway pa sa akin, pero kahit na pa ganoon, hindi ko magawang makaalis sa kinatatayuan ko para sana lumapit na ako sa kaniya. Nararamdaman ko

