THE ANGELS
"NAGUGUTOM ako. Dos, bili mo ko donut." parang batang demand ni Uno. "Pwease." at nagpapuppy pa sa ikalawang anghel. Nasa isang karnibal sila sa bayan at dun naisipan mag-stroll, nagbabakasakaling mahanap ng detector yung susunod na Calendar Girl sa lugar na yun.
Oo, ikalawang calendar girl. Okay na kasi sina Gare at Faena. Lumabas na lang nga yung tatlo ng bahay dahil nakakainggit na nakakainis na yung kasweetan nung dalawa. Daig pa ang bagong kasal. Kain lang ang break at nagkukulong na sa kwarto. Sabi pa nga ni Faena, making up with the years that they have been wasted daw. Gawd, grabe, walang mga consideration lang kasi. Alam naman nilang nasa iisang bubong lang sila ng mga anghel, yung mga ungol at mga lampungan, 'di mapigilan. Kaya, lumabas na lang uli yung tatlo at nagpasyang hanapin si Calendar Girl #2.
Hindi pa naman masyadong required na hanapin ang next subject dahil 'di pa tapos ang mission nila kay Garnet. Hindi nila alam pero yun ang sabi ni San Pedro. Hindi pa nga nito tinatatakan yung profile ni Gare ng mission accomplished. Basta, may kailangan pa daw gawin yung tatlo para kay Gare.
As for Tres, kakalimutan na lang daw nya ang paghihiganti kay Kiko alang-alang sa kapatid. Oh? 'di nyo alam kung sinong kapatid nya ano? Well, malalaman nyo sa takdang panahon. Basta nabanggit na sya sa istoryang to nung karaan.
Anyway, yun nga, nagugutom nga daw si Uno. Kaya nagpatianod na lang si Dos habang nakasunod lang si Tres na busy rin na kinakalikot ang phone. Probably researching sa whereabouts ng naulilang kapatid.
Nga pala, they were in human form. Syempre, as Faena's gang pa rin.
"Bili mo ko donut. Bili mo ako. Pwease. Pwease. Pwease." kulit ni Uno kay Dos.
"Wag kang magpout! Ampanget mo." sabi ni Dos na iningusan si Uno pero hinayaan naman nitong kaladkarin sya nito patungo sa donut vendor.
Malapit na rin sila sa tindahan ng donut at naririnig na nila ang pagsigaw ng naglalako para mabilis na maubos yung tinda nya.
"Ay wag na lang." biglang tigil ni Uno at mas humaba pa ang ngusong masamang nakatingin sa vendor. Takang napatingin naman si Dos sa kaibigan.
"Anong kaartehan yan, aber?" taas kilay na sabi ni Dos. Samantalang si Tres? Busy sa phone. Hayaan nyo na. Naglalaro ata ng zombie tsunami.
"Wag na. Nakakainis si manong vendor eh!" maktol ni Uno na parang maiiyak pa.
"Potek. Ano ba? Gusto mo ba talaga ng donut o hinde?" inis na tanong ni Dos. Ngayon pa kasi nagmaktol si Uno, eh wala rin sa mood si Dos. Panu ba naman kasi, mag-iisang buwan na rin syang, you know, hindi nakapag-hmm, s-s*x. Kaya ganyan ang attitude nya. Bawal pa kasi silang makipags-s*x kung 'di pa natatapos ang misyon nila sa isang subject. Sumpaan yan ng tatlong anghel para makapagconcentrate sila pero si Dos, na natural na malandi at mahilig, syempre, naghahanap talaga.
"Eh ayaw ni manong ipabili yung donut nya!" naiiyak na nakanguso si Uno.
"Anong drama yan?" naiinis na talaga si Dos. Si Tres naman, chill lang. Pangiti-ngiting nakatuon na rin sa cellphone na nasa likod nila.
"Pakinggan mo kase yung senasabe nya!" pinunasan pa ni Uno yung invisible tears nya, at kinusot-kusot ang mata tapos sisinghot-singhot. O, sya na ang madrama. "Sabi ni manong, Do not buy! Do not buy! Anong klaseng tinda yan? 'di pinapabili!"
Salubong ang kilay na pinakinggan ni Dos si Manong vendor tsaka binatukan si Uno ng 360 degrees pektus nya.
"Awwwieeee! Anshaket! Naman, Dos!" nagpapadyak na reklamo ni Uno.
"Bobo ka talaga! Paano mo nakuha yang mga achievement mo ngayon kung ganyan ka katanga? Nakakagigil ang kabobohan mo ha!" Inaksyunan ni Dos na susuntukin si Uno. Napaatras naman si Uno na krinus ang kamay sa bandang mukha.
"Bakit na naman?!" ganting sigaw ni Uno.
"Pakinggan mo nga ulet yung sinasabi ni Manong!" nakinig nga ulit si Uno pero 'di binababa ang mga kamay.
"Do not buy nga daw eh!" Uno argued.
"Tsk! Isa pa yang kabobohan mo ha. Malilintikan ka sa akin." naiinis namang nakoconfuse si Uno sa sinasabi no Dos. "Pakinggan mo ulit!" utos ni Dos dito. Nakinig na lang ulit si Uno habang panay ang maktol sa isipan.
"Ayoko na! Ayoko na ng donut!" suko ni Uno. "Ang damot ni manong." at ngumuso ulit ito.
"Nagmamarketing lang sya. Ulol!" si Dos.
"Marketing ba yang ayaw magpabili?"
"Tanga talaga ‘to." pitik ni Dos sa noo ni Uno. Mahinang napamura si Uno. "Nasaan ka ba ngayon?"
"Sa hebo." mula sa ilong na sagot ni Uno.
"Ano? Ayusin mo. Gagawin kong ilong lahat yang mukha mo."
"Naman eh. Sa Cebu!"
"Yan. Sasagot naman pala ng maayos." sabi ni Dos. "Anong nilalako ni Manong?"
"Donut. Bakit? Bibili ka?" pinengot ni Dos ang tenga ni Uno.
"Harayp! Nagtatanong lang eh!" reklamo ni Uno. Binitiwan naman agad sya ni Dos.
"Papaintindi ko sa’yo kung bakit ka bobo. Tss." si Dos. Maikli na lang ang pasensya nito sa isang anghel. "Sumagot ka ng maayos. Okay?" siningkitan nya ng tingin si Uno. Natakot naman si Uno at tumango na lang. "Anong tinda uli ni Manong?"
"Donut po."
"Good. Ano sa bisaya ang kaibigan, kabaro, pare, mare, basta tawag sa barkada o kaibigan?"
"Uhm..." naglalog yung utak ni Uno. Buffering minsan ang utak nya eh. "Ahh! Bay!"
"Good. Pagdugtungin mo yung nilalako ni Manong at yung bisaya word."
"Do-nut... Donut... Bay..."
"Ayusin. Yung mas mabilis."
"Donabay," binatukan ulit ni Dos si Uno.
"Naglolokohan ba tayo dito?" inis ng sabi ni Dos.
"Sabi mo mas mabilis eh." bubulong-bulong na sabi ni Uno.
"Ang tanga talaga!" nanggalaiting sabi ni Dos. Sasakalin sana ni Dos si Uno ng pumagitna si Tres.
"Gare's been kidnap." Tres announces kaya natigil sa masamang balak si Dos. "We need to hurry back to the house." gulat naman ang dalawa.
"Sino may sabi?" sabay na tanong ng dalawa.
"Si boss. Tayo na." Tumalima naman ang dalawa at sa 'di kalayuan kung saan 'di masyadong napapansin ng mga tao ang nangyayari, biglang nawala ang tatlo.
+++
GARNET
"Gising mahal ko." narinig ko ang isang boses ng lalake. Unti-unti akong nagmulat at nagulat sa nakita ko. Kahit alam kong may maitim syang balak sa akin ay nagulat pa rin akong makita ito. So, he's the one who kidnap me. Ang sama nya! "Glad you’re awake." nakangiting saad nito pero ngiting aso.
"E-elijah," I called at mas lumapad ang ngiti nito. "W-why?" namiss ko sya. Namiss ko ang kaibigan ko. Mas gumwapo sya ngayon. Naging simpatiko't matipuno pero yung ngiti nya at tingin, ibang-iba na sa Elijah'ng nakilala ko. Anong nangyari sa kanya?
"Wala ba akong welcome hug at kiss dyan, bespren? 'di mo ba ako namiss?" instead of answering me ay ganito ang sinabi nito.
"How can I do that? You tied me!" I remarked. Yes, nakatali po ako sa isang silya habang nakaupo doon. Humalakhak ito gaya ng ibang kontrabida sa isang movie. "Why are you doing this?" mangiyak-ngiyak na tanong ko. Mahina lang yun at ewan ko kung narinig nya dahil sa lakas ng pagtawa nito.
"Ano pa nga ba? Edi para sa diamonds ko." narinig nya pala. Seryosong nakatingin na ito sa akin. Nakatayo sa 'di kalayuan with his proud firm stand. "Where is it?" this time, his voice was like a deadly knife cutting me in every pieces. Nakakatakot ang mukha nito. I never thought Elijah could have this side of him.
"What did you do to my best friend? Get out of him!" hindi ko na napigilang maging emotional. Napaiyak ako sa isiping ang gentleman at mabait kong kaibigan ay naging ganito ang kinahinatnan.
"Enough of that drama, Gare." his face was expressionless but his voice was mocking me. "Hindi bagay sayo maging thoughtful at caring sa akin."
Napamaang namang napatingin ako dito. My eyes were still flooded with tears. "I always care about you, Jah. You're my best friend and I care about you so much. What did you do to yourself?"
Hindi naman nabago ang expression ni Elijah. "You did this to me Gare." he said in monotone but his eyes deadly looking at me. Sa titig na yun ni Elijah, dun ko naramdaman ang pagtaas ng balahibo ko at pangilabot ng buong laman ko. What is he talking about?
"Bakit ako?" nakakalito tong lalaki na to. Nandamay pa sa nangyari sa buhay nya. Sya na nga tong nang-iwan! "Why did you leave me bespren? Nakakatampo ka, alam mo ba, kasi bigla-bigla ka na lang nawala. Anong nangyari? Namiss kita, Elijah." halo-halo galore na yung sinasabi ko, eh yun naman kasi nararamdaman ko.
Umiba naman yung expression ni Elijah. Sandaling nakita kong lumambot ang mukha nito pero maya-maya lang ay galit na naman ang mababanaag sa mukha nito.
"Hindi mo ko malilinlang, Gare. Hindi ka makakalabas ng buhay dito hanggang 'di mo binabalik ang diamonds ko." matiim syang nakatingin sa akin pero anlamig ng boses nito.
Napatanga ako sa reaction nya. Grabe na yung outburst ko tapos sya? Waley. "Mas importante ba yun kesa sa pagkakaibigan natin, Jah?" I was being hopeful here. Hindi naman sya ganito eh. Hindi masama ang Elijah'ng nakilala ko.
Tumawa uli ito tapos ngumisi at sinabing, "Oo naman. Boba." saad nya. "Sa diamonds, yayaman ako lalo. Sayo? Wala akong mapapala. Kaya sabihin mo sa akin kung nasaan ang diamonds ko para matapos na tayo dito at maipaubaya na kita sa lover mo."
Dun ako parang natauhan. Nasaan nga pala si Faena? "Anong ginawa mo kay Faena?"
Ngumisi lang si Elijah. "Wag kang mag-alala. Hindi ko nahuli ang palos na yun. Kahit kailan talaga ang galing pa rin nyang lumusot." he shook his head while a smirk plaster on his face. Somewhat, he sound like complimenting the agent at the same time parang nangungutya. "Pero kahit si Agent Eel pa sya at masyadong madulas, gaya ng dati, sarili nya lang ang kayang i-save and leave other people behind. Such a pussy." maang akong napatingin dito. Parang nabasa nya naman ang reaksyon ko. "Oh? You didn't know na she's an agent?" hindi ako umimik. Of course, alam ko kaso hindi yun ang hindi ko magets, kundi yung mga huling salita nya. "Agent ang girlfriend mo. Kahit kailan talaga, napakanaive mo. Tss. Kaya ka laging naloloko eh. Akala mo lahat ng tao sa paligid mo nagsasabi ng totoo tapos yun pa pinagkatiwalaan mo. Samantalang, ako yung matagal na kaibigan mo, yung bestfriend mo, binabalewala mo. Tanga. Ang tanga talaga."
Ano bang pinagsasabi nito? Nasa earth pa rin ba kami? Naguguluhan ako sa kanya eh. "What do you mean?" yun lang lumabas sa bunganga ko.
"Bukod sa napakanaive mo at mabilis magtiwala sa tao, napakainsensitive mo pa. Ni hindi mo man lang napansin na may pagtingin ako sa’yo. Bakit ang manhid mo?" parang bata lang itong nagkwekwento sa nanay nya ng kanyang karanasan kung makipag-usap ito sa akin ngayon. I was shocked. I look to him in disbelief. Si Elijah? May gusto sa akin? "Minahal na kita ever since I had laid my eyes on you, Gare. Ang dami kong naging strategies para maramdaman mo yung feelings ko sayo pero grabe, ang manhid mo. I even bribe those classmate of ours to tease us every time they see us para madevelop ka sa akin pero wala. Ang manhid mo."
Magulat. Yun lang naging reaksyon ko. "Why didn't you tell me?" I ask when I regain my voice.
"Because I believe in, action speaks louder than voice." casual na sagot nya sa akin. Na para bang hindi ako nakatali sa harapan nya. Na para bang nasa isang resto lang kami at kaswal na nag-uusap. "Anyway, sayang lang lahat ng effort ko sayo. Muntik pa akong mamatay dahil sa kabaliwan kong maagaw ka sa girlfriend mo. Binaril ko pa sya sa Marion pero tsk, palos talaga. Pero ngayon," tsaka ngumisi itong lumapit sa akin at hinawakan ang baba ko. "Makakabawi na rin ako sa pagsira nyo sa buhay ko at makakalabas na ako sa patago-tagong buhay ko." mababanaag na ang nakakatakot na expression sa mukha nito.
"A-anong binabalak mo?" nahintakutang tanong ko.
"Wala naman." kibit balikat na sagot nito at biglang pilit akong hinalikan. Nagulat ako nung una but when I realized what he was doing, pumiksi ako but he was too strong for my being. He ravage my lips with so much force and it disgust me to death. Hindi ako makawala sa labi nitong pinagsasamantalahan ang labi ko. Napaiyak na lang ako sa ginagawa nya. "Tagal kong pinangarap yun ah." nakangising binitiwan na nya ako. Galit na galit akong nakatingin sa kanya as my tears flowing like a waterfalls.
What should I do now? Is Faena gonna rescue me? Ano kayang balak gawin ni Elijah sa akin dito? God, after na makuha nya ang diamond, ano ng mangyayari?
"F*ck you!" sigaw ko as I spit on him. Damit nya lang ang naluwaan ko dahil nakatayo na ulit ito sa harapan ko. Diring-diri ang pakiramdam ko sa labi kong kanina'y pinagsamantalahan nya. God, ano pang kaya nyang gawin except dun? Wala akong laban. Oh Faena, nasaan ka na?
He snickered. "Oh I will." sagot naman nito as he patted my head like a dog. "But I'll kill your lover first after kong makuha ang diamond sa kanya tapos I'll rape you at isusunod sa kanya."
"D*mn you! Wala sa kanya ang lintik na diamonds mo. Nasa akin!"
Tinawanan nya lang ako as he walk towards the door. "Wag mo na akong linlangin. I have my sources. Alam kong nasa kanya yun." he said at binuksan ang seradura. Alam nya naman pala, ba't pa nya tinanong sa akin kanina? Tss. "Makakasama mo rin sya in time kaso nga lang ulo na lang nya yung makikita mo." at humalakhak itong sinara ang pintuan.
"P*tangina mo!"