GARNET VII: Ang Doktor

1175 Words
KIKO "ANG saya natin Doc ha." puna sa akin ng janitor ng mapadaan ako sa kanya. Naglilinis kasi ito sa tapat ng opisina ko at kasalukuyan naman akong papasok doon. "High-five nga Manong Erning." sabi ko sa kanya habang tinaas ang kanan na palad ko. Nakangiting nakihigh five naman sa akin ang janitor. "Masaya lang ako Manong. Sinagot na kasi ako ni Gare." alam kong ang ngiti ko'y abot hanggang tenga. Eh sa masaya ako, pakialam nyo ba. XD "Talaga, Doc? Congrats po." sabi ng janitor na kinamayan ako. Nakangiti naman akong nakipagkamay dito para lang mapangiwi dahil napasobra ito ng pisil sa kamay ko. Wow, ang lakas ni Manong! "S-salamat po. P-pwede na po siguro nyong bitiwan ang kamay ko." pilit kong kinuha ang kamay ko mula dito at buti na lang binitiwan nya. "Ouch." mahinang bulong ko. Ang sakit talaga nun ha. May galit yata to si Manong sa akin eh. Tsaka teka, bakit kaya ang sama ng tingin nya sa akin? "Ahh manong, sige po, pasok na po ako." paalam ko dito. Ang weird ni Manong. Masayahin namang tao yung janitor na yun at lagi lang nakangiti pero ibang aura nya ngayon. Siguro may problema lang yun. Tama, ganun nga siguro. Oh well, binalik ko na lang ulit ang bright mood ko dahil araw ko ngayon to. Masaya akong pumasok sa opisina ko at pasipol-sipol pang napapasayaw sa galak. Wooh! Finally, for two years, napansin rin ako ni Gare. Hihi. Oh sige, ako na ang torpe dahil totoo ang nabasa nyong 2 years akong naghintay sa pagkakataon na to. Eversince I laid my eyes on the nurse, nagkagusto na ako sa kanya but may mga nangyari sa buhay ko na hindi ko muna pwedeng unahin ang love life ko. Ang complicated ng buhay ko, kung alam nyo lang. Hindi ko na maisa-isa pero one thing na alam ko, hindi ko ginusto ang mga nangyayari sa akin. Bunga lang ito lahat ng maling desisyon ko noong kabataan ko at pinagsisihan ko yun. But its too late to back out, lunong-luno na ako. Yes, isa akong successful na doktor, gwapo, mayaman, full package pero may tinatagong malaking lihim sa pamilya at ibang naging maling desisyon ko sa buhay. I was so stupid back then. I live in a broken family at wala man lang guidance na nabigay ang parents ko sa akin sa paglaki ko, they we're all busy in their fields at naiwan akong nag-iisang lumalaban sa buhay. We have lots and lots of money kaya yun ang naging escape ko para mapunan ang kahungkagan na nararamdaman ko. Barkada dito, barkada doon. Maling company ang naging kaibigan ko. Mga mayayaman at influencial din ang parents na tulad ko. Naging adik kami at nalulong sa bisyo. I admit, naging sobrang suwail ako to the point na kinailangan kong marehab para magamot lang ang pagiging adik ko. Buti na lang naagapan pa ako at naayos ang buhay ko. When I thought, okay na ang lahat tsaka naman nagbounce back ang mga nagawa kong pagkakamali noon, na gumagapos sa akin hanggang ngayon at alam kong mahihirapan na akong lumabas but... But this time, when I was given the chance to court my secret love, umasa talaga ako. Lalo pa't nalaman ko sa kaibigan nyang si Josie na may gusto ito sa akin. Oo, matagal ko ng mahal si Gare pero I was hindered sa mga nangyayari sa buhay ko kaya wala akong lakas ng loob para ligawan ito. But now, hindi ko na hahayaang iliban ang pagkakataon na to. Sinagot na ako ni Gare kaya gagawa ako ng paraan para makaalis sa impyernong kinalalagyan ko. I will protect Gare in every way, magiging masaya rin ako. I deserve to be happy, tama na ang pagiging sunud-sunuran ko. Hindi ko namalayang nasa malalim na pala akong pag-iisip at nakaupo lang sa aking swivel chair when the door opened. Sh*t! Mura ko sa isipan. Taranta akong napatayo at yumuko as I greeted the person na pumasok sa opisina ko. "G-good m-morning, Master." +++ THE ANGELS "Why are we following Kiko instead of Gare, girls? Akala ko ba kikidnapin natin si Gare?" takang tanong ni Uno sa dalawang kasama. Kibit balikat na sumagot si Dos at tumingin kay Tres. Idea kasi ni Tres na sundan si Doc Kiko. Saglit lang naman daw dahil pakiramdam ni Tres, may kailangan pa silang dapat malaman kay Kiko. Sinagot na ni Gare si Kiko at dapat magsaya ang tatlo dahil mission accomplished na sila pero hindi pa rin kasi hindi naman pumula ang pangalan ni Gare at Kiko sa profile ni Gare. Tsaka wala ring heart na nakalagay sa gitna ng names nila. Ngayon, ang sign talaga na mission accomplished sila or true love nga yung nararamdaman ng subject nila sa love interest nya'y ganun na mga sign. Sa kaso ni Gare at Kiko, wala eh. That means, Gare is making a wrong choice. May two weeks na lang silang natitira for this first subject, ginagahol na sila sa oras dahil nagkakaroon rin ng problema, personally, ang isang anghel. "Trust me in this, girls. Malakas ang kutob kong marami tayong malalaman ngayon sa kanya." sabi ni Tres. Nagtinginan na lang ang dalawa at nagpasyang tumahimik. Pag si Tres kasi ang kinutuban at pagsinabi nyang may mangyayari, meron talaga kaya tahimik na lang silang sumunod kay Kiko hanggang sa nakita nilang nag-uusap si Kiko at ang Janitor. "Ang saya natin Doc ha." nakangiting puna ng janitor sa abot tenga ang ngiting doktor. "High-five nga Manong Erning." magiliw na sabi ng doktor. Halatang masayang masaya talaga ito. Nakihigh-five naman si Manong. "Masaya lang ako Manong. Sinagot na kasi ako ni Gare." "Tres, anong gagawin mo?" takang tanong ni Uno. Hinawakan naman ito ni Dos para pigilan si Tres pero huli na dahil nakasanib na ito sa katawan ng Janitor. "Talaga, Doc? Congrats po." katawan ni Manong Erning pero si Tres na ang kumukontrol sa janitor. Nakipagkamay ito sa doktor at nang abutin ito ng doktor, pwersang piniga ni Tres ang kamay nito. Kitang-kita ang pagngiwi ng mukha ng doktor. "S-salamat po. P-pwede na po siguro nyong bitiwan ang kamay ko." halatang nasasaktan ang doktor. Pilit na tinanggal sa pagkakahawak ni Tres/Janitor ng doktor ang kamay nito. Buti na lang binitiwan ni Tres dahil panay ang pakiusap ni Uno at Dos sa likod nito. Hindi sila nakikita dahil nga naka-angel mode sila. "Ouch." mahinang bulong ng doktor. Tres smirk. Para namang maatake sa nerbyos ang dalawang nasa likod. Akala talaga nila'y may gagawin ng masama si Tres sa doktor. "Ahh manong, sige po, pasok na po ako." paalam ng doktor na tinignan ng weird look ang janitor. Tres the janitor, still smirk hanggang pumasok na ang doktor sa opisina nito. The two let out a deep sigh. "Tres naman! Do not do that again!" "Pinakaba mo kami tol, wag namang ganun." Iniwan ni Tres ang katawan ng Janitor. Parang wala namang nangyari na bumalik lang sa pagtratrabaho si Manong Erning. "That was fun." nakangiting baliw na sabi ni Tres. Tinignan sya ng masama ng dalawa. "Let's go." 'di pinansin ni Tres ang dalawa at sumunod na sa doktor. Tumagos lang sa pader na pumasok si Tres sa opisina ni Kiko. Sumunod naman ang dalawang, nanggigigil pa rin kay Tres.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD