Brent Pov
Masigla akong pumasok ngayon araw dahil bumalik na sa dati ang Vice President. Bumubuti na ang kanyang kalagayan. Timing naman na nag ani ng pananim ang mga magulang sa probinsya ng tropa kong si Ced kaya may dala kaming pasalubong sa Mansion ng mga Shau-chen. Bitbit ni Cedrick ang tig-isang basket ng saging at mangga habang ako naman ang nagustuhan ulam ni VP Aizen, ang luto ni Mama na ginataang tilapia at pansit habhab.
Dumiretso kami ni Ced sa kusina upang ibigay ang mga prutas na mangga at saging samantalang ang dala kong pagkain ay ipapainit ko upang maiserve sa pananghalian ni VP Aizen. Malayo pa lamang ay nakikita namin nagkukumpulan ang mga maid at nakatanaw sa amin. Kilig na kilig ang mga ito at all smile nang makalapit kami dito.
"Hi mga pogi!" bati samin ng pinakabatang maid sa lahat.
"Magandang umaga sa inyo." bati ni Cedrick.
"Wow may dala silang mga prutas ang dami, para samin ba mga yan." saad ng isang maid na pinakamataba sa kanila.
"Grabe ka baka ibibigay nila yan sa mga amo natin." sagot ng pangatlo.
Ipinatong ni Ced ang dalawang basket sa lamesa.
"Para sa amo natin at sa inyo itong mga prutas bahala na kayo pano ninyo hahatiin ang mga ito," sagot ni Credric.
"Wow thank you ah, parang ang fresh pa ng mga prutas ." saad ng pangatlo sa mga maid.
"Ang gaganda naman nitong mga prutas mukhang bagong pitas pa ata mga ito." saad ng kusinera.
"Opo bagong harvest yan sa probinsya namin sa la Union." sagot muli ni Ced.
"Puwede pong pabor, puwede po paki init po nitong dala kong pagkain para po yan sa pananghalian ni Vice President." pakiusap ko sa kusinera.
"Aba oo naman, tamang-tama bababa na dito yun nurse ni Vice President para kunin ang pananghalian niya." Masayang sagot sakin ng Kusinera.
"Nagustuhan niya po kasi yan, kaya nagdala po ako para sa kanya." patuloy ko.
"O siya maupo muna kayo habang ihahanda ko ito, Mukhang masarap itong ginataang tilapia at itong pansit." sabi ng kusinera.
"Hindi ko alam na gusto din pala ng Anak ko ang ginataang tilapia at pansit habhab." boses ng isang babae mula sa aming likuran.
Kaagad bumati ng pag galang ang mga maid at isa isang nagpa alam upang bumalik sa kanilang mga trabaho.
"Magandang po Ma'am Ives" sabay naming bati ni Ced.
"Magandang umaga din."
"Narinig ko po minsan kay Vice President po na gusto niya makakain ulit kaya nagdala po ako." paliwanag ko.
"Opo Ma'am gusto po ni Sir ng ginataang tilapia at yan pansit." saklolo sakin ng caregiver ni Aizen.
Napatulala lang sa akin ang Mama ni Aizen tila matagal akong pinagmamasdan mula ulo hanggang paa.
Namamalik mata ba ako kahawig na kahawig niya si Vergilio magkasing hulma sila ng pangangatawan, maski ang boses ay magkatulad na magkatulad parang bumalik ako sa kahapon ng panahon nagsisilbi pa sa amin si Vergilio bilang bodyguard ko at ni Papa. Ang buhok nito at ang kulay ng kutis ang nagkaiba sa itsura ni Vergilio kamukhang kamukha niya talaga.
"Ano nga pala ang pangalan mo? May kilala ka bang Virgilio Montecillo?" tanong sa akin ng Mama ni Aizen.
"Brent Montecillo po Ma'am" sagot ko halata ang pagkabigla sa reaksyon ng mukha niya ng marinig ang pangalan ko.
"Wala po kong kilala kahit sino po na nagngangalang Vergilio." patuloy ko na bigla naman pinagbago ng kanyang reaksyon na mukhang natuwa o nanghinayang.
Pero imposible kamukhang kmukha niya si Vergilio.
"Kung g-ganoon ano ang pangalan ng iyong ama?" sunod na tanong niya.
"Federico Montecillo po ang aking ama at Marietta po pangalan ng aking ina. Bakit po Ma'am?" sa pagkakataong ito ay tila mukhang nabunutan ito ng tinik sa dibdib ngunit malungkot ang mukha niya ng kami'y iwan.
Inaasahan niya siguro na tama ang hinala niya ngunit sinadya kong ibahin ang pangalan ng magulang ko para makaiwas sa problema.
"Anong nangyare kay Ma'am parang binuhasan ng malamig na tubig?" tanong ng kusinera.
"Ewan di natin alam kaya huwag na natin alamin, okay na ba yan pananghalian ng alaga ko."
"Oo heto na." sabay abot nito ng mga tray.
"Tulungan na namin kayo magdala niyan." volunteer ni Ced.
"Oy kayo mga pogi, Hindi pa kayo manananghalian?" tanong ng kusinera.
"Maya na lang po busog pa po kami," saad ko.
Habang nauuna kami sa paglakad nag bubulungan kami ni Ced na aliwin na niya muna ang caregiver upang masolo ko si Aizen habang kumakain ito. At ganoon nga ang nangyari matapos naming maipasok ang pananghian ni Aizen, ay inaya ni Ced na mananghalian na din sila ng sabay kaya naiwan kami ni Aizen sa kwarto.
Naupo ako sa upuan malapit sa malaking kama ni Aizen.
"O Bakit nagpaiwan ka pa dito? Bakit hindi ka na rin maglunch na?" sita ni Aizen sakin.
"Busog pa naman ako at saka makita lang kita kumain okay na ko." sagot ko.
"Gasgas na yan mga cheesy word na yan, kumain ka na din at di ko naman kailangan ng bantay." matabang na sagot ni Aizen.
"Gusto ko kasi makita maubos yan pinadalang lutong ulam ni Mama." saad ko.
"Huh nagdala ka nito para sakin" sabay angat niya ng takip sa tray.
"Gusto ko nito buti naisipan mo ko dalhan nito." dali- daling kumuha ng kubyertos si Aizen upang kumain na.
"Wait baka may chicken ass na naman to ah!" naalalang sabi ni Aizen.
"Wala siyempre hindi na ko magdadala noon dahil ayaw mo na." masaya kong tugon sabay tawa.
"O dahan-dahan lang baka mabulunan ka." Wika ko nang maganang inunpisahang kainin ni Vice President ang kanyang pananghalian.
Kasunod nito ay inilagay ko malapit sa kanya ang isang tasa na may slice na mangga at saging.
"Thanks. Nakakapagtaka lang bakit noon ang sungit-sungit mo, ngayon parang di ka lang ata bodyguard ko balak mo din ata maging yaya ko." tuloy-tuloy na sabi ni Aizen habang kumakain.
"Ahhh Ehh....Sorry kung ganoon ako dati sayo, pasensya na." sabay tingin ko sa malayo.
"Bakit ka din pala napasok dito bilang bodyguard?" Tanong sakin ni Aizen.
"Hindi ko nga alam na dito ako madedestino eh, hindi ko alam na ikaw ang VIP na tinutukoy ng ng interview samin ni Ced." sagot ko.
"I see , coincidence marahil pero salamat din at kayo naging bodyguard ko, di na ko maninibago at..."
"At Alam na namin ni Ced ang kakulitan mo, pero di na uubra samin yun pagtakas-takas mo sa mga bantay mo dahil hihiglitan ka namin." Banta ko.
"Well tingnan natin." Makahulugang sabi ni Aizen.
Natigilan si Aizen nang makita niya na seryoso akong nakatingin sa kanya.
"Pakiusap naman Vice President, Ingatan mo naman ang sarili mo hindi biro malagay ang buhay sa panganib. May nagtatangka sa buhay ninyo alalahanin mo naman ang kaligtasan ng buhay niyo." sabay hawak ko sa malambot na kamay ni Aizen.
Dahil doon di maiwasan ni Aizen ang pamumula ng kanyang pisngi.
"Ang kamay ko!" sita niya.
"Sorry, Ayaw ko na kasi mapahamak ka ulit, marami kaming nalungkot sa nangyari kaya ingatan mo mabuti sarili mo." saad ko.
Nabago ang mukha ni Aizen sa tinuran ko marahil ay nagbigay daan ang mga sinabi ko na muli niyang maalala ang kanyang sinapit.
"Im sorry kung naalala mo yun nangyari pero ngayon nandito na ako sa tabi mo pinapangako wala nang makakapanakit sa iyo." Saad ko habang nakatitig ako sa magandang mga mata ni Aizen.
"Salamat, Brent."