Nilahukang ng ibat-ibang media agencies mula sa tv ,radio, newspaper and lifestyle magazine ang isinagawang press conference ngayong araw ng Shau-chen Corporation alinsunod sa naipangako ni Vice President Aizen Shau-chen noong naganap ang Asian Ceo Awards, Napuno ang malaking function dahil na rin sa napabalitang nakidnap si VP Aizen at ito ang pinakahihintay ng lahat.
"Grabe ang higpit ng security." saad ng TV Reporter sa nakasunod sa kanyang camera man at naupo sa napakagandang table and chair set.
"Ou nga eh buti na lang may dala kong note and pen dahil maski phone pinaiiwan sa labas na mga security." kasunod pa ang isang columnist ng sikat na pahayagan.
"Nakalagay kaya yun sa guidelines no phone, tablet, ipad or any electronic devices. Only camera and video camera are allowed kasi nga baka pwede pang detonate ng bomba ang mga gadgets." paliwanag ng photographer.
"Totoo kaya nakidnap ang Vice President ng SC Corporation?" tanong ng isang writer sa tabloid.
"Posible tingnan mo nga oh grabe security dito tinalo pa security ng Presidente ng bansa natin, nagkalat ang mga security personel nila sa labas at may kasama pang K9 dogs. Iisipin mo di ba may threat ito sa buhay niya." sagot ng isa pang Tv and Radio reporter.
"Well malalaman natin yan ngayon," Ani ng naunang reporter.
Naputol ang bulongan at usapan sa loob ng function room nang lumabas mula sa isang pinto ang mga waiters and caterers upang bigyan ng drinks ang mga taga media.
"Please be advise our press conference will about to start in 2 minutes." anunsiyo ng isang lalaking nakasuot ng suit, matangkad , moreno at may itsura.
Dali dali nag-set up ang mga camera man sa harap ng panel (isang long table ito na may naka set up na din microphone para limang tao.
"Our beloved media practioners, I would like to present to you Major General Joselito Reyes, Attorney Luis Laxamana Corporate legal counsel, Branch Manager of soon to launch the SC Apparel Mr. Lance Chen, Vice President Aizen Shau-chen and Chairman and Ceo Mao Shau-chen." pagpapakilala ng Emcee.
Sunod-sunod na lumabas ng pinto ang mga tinawag ng Emcee na pinangungunahan ni Vice President Aizen Shau-Chen. Naupo sila sa mahabang table na nalalatagan ng kulay puting sapin at may mga mikroponong nakalaan para sa bawat isa. Matapos mag-lead ng dasal ang isang babaeng empleyado ng SC Corporation ay muling nagsalita ang Emcee upang ipahayag ang magiging takbo ng press con.
"Sir first question gaano po katotoo ang napabalitang pagka-kidnap o pagkawala niyo ng gabi sa Asian Ceo Awards?" Mapangahas na tanong ng isang kilalang reporter ng nangungunang Tv Network sa bansa.
Nabigla pa ang ibang taga media dahil pinagbawalan silang magtanong tungkol sa napabalitang pagtangay sa Apo ng business tycoon.
Lumapit si Aizen sa mikropono at sumagot ng...
"Oo."
Umingay sa loob ng function room kaya kanya- kanyang bulungan ang mga reporters at writers na naroroon.
"Totoong nawala ako ng gabing iyon pero umalis ako para mag out of town." Dugtong ni Aizen.
"Sir Paano niyo po maipapaliwanag ang isang taong naka-saksi sa pagtangay sa inyo?" tanong ng isang writer ng tabloid.
"As far as I know walang ganoon saksi na nagsabing may kumuha sa aking mga kidnappers. Narito si Major General Reyes at ang aming Attorney para pabulaanan ang isaue na ito." Patuloy ni Aizen.
"Yes , Narito ang police record na walang naganap o na ireport na insidente noong gabing yun. Makikita niyo sa screen na clear ang records ng gabing iyon, aksidente lamang po sa Edsa ang naganap, Payapa ang ating siyudad ng gabing iyon." Sagot ni Major General Reyes at sabay higop ng kape.
"Sa makatuwid Sir sinasabi niyo po na nasa ibang lugar po kayo noon at hindi totoong tinangay po kayo ng ilang mga di nakikilalang mga kalalakihan Makapagbibigay po ba kayo ng pruweba hinggil dito." tanong ng isang matapang na reporter at kilala ito sa paglalabas ng mga expose' ng mga katiwalian sa ibat-ibang sektor ng lipunan at gobyerno.
"Im Attorney Luis Lacsamana, company lawyer of Shau-chen corporation. Alam kong itatanong ninyo ang bagay na ito kaya bilang attorney hiningi ko ang dokumentong ito na nagpapatunay ng pag check-in ng aming Vice President Aizen Shau-chen sa isang hotel. Makikita niyo sa screen ang larawan sa lobby ng hotel ni Vice President at mga resibo at ilang payment thru atm cards na pag-aari ng atin mahal na Vice President." ani ng abogado.
Muli na naman nagbulung bulungan ang mga taga media. Hindi sila makapaniwala na hindi totoo ang nasagap nilang impormasyon tungkl sa naganap na pagkidnap kay Aizen.
"Sir yun question ko po para kay Sir Lance kailan po ito ilulunsad ang SC Apparel regarding sa promotion, grand opening at ano po ang target na market at magiging consumer ninyo?" Tanong ng isang writer buhat sa isang lifestyle magazine.
"We are aiming we could launch it later part of this year, Ang target namin is middle age pataas that includes millenials and young professionals, ang mga magiging consumers namin because sobrang in nila ngayon." sagot ni Lance na pinsan ni Aizen.
"Excuse me, just in naisip ko na it will not be final mas maganda siguro kasi kung isasabay namin ito sa anniversary ng Shau-chen Corporation." biglang singit ni Aizen.
"Oo nga naman Lance tama si Aizen bakit hindi na lamang isabay sa anniversay para momentous ito para sa ating kumpanya, Second makakadagdag pa sa promotion ng project mo ang anniversary ng company natin magiging maingay ito di ba?" (off mic) na pag sang ayon ni Chairman.
Dahil doon medyo nag-iba ang mukha ni Lance sa iminungkahi ni Aizen kahit na alam nito na nakukunan siya ng litrato dahil sa panay flash ng mga camera ng mga photographers.
"Sir last question, Sir nacurious lang po ako kung nag out of town po kayo noon time na iyon, maari po ba namin malaman kung sino po ang kasama ninyo nagbakasyon?" Muling tanong ng masigasig na Reporter.
"Pati iyon naisipan ninyong tanungin, Well ang sagot ko diyan ay wala." sabay tawa ni Aizen.
"Sir binigyan ninyo kami ng hint, dahil wala po kayo kasama ang ibig sabihin po ba niyan ay single pa po kayo?" patuloy ng lifstyle magazine writer
"Pwede bang ako na lang ang sasagot sa tanong mo." nakangiting sagot ni Chairman Mao.
Natigilan naman ang mag pinsan Lance at Aizen at nakatingin ito sa matandang CEO.
"Para magkasilbi naman ako dito sa presscon ako na sasagot, Oo single ang apo kong si Aizen dahil sa sobrang kasipagan niya kaya naman mga ilang panahon na lang ay ipapasa ko na ang pagiging chairman sa kanya, kaya sa mga kadalagahan diyan single ang apo kong si Aizen." Masayang sabi ni Chairman Mao.
"Chairman Mao pati ata lovelife ay gusto ninyo maging trabaho ko." masayang biro ni Aizen.
"Para sa ikabubuti mo apo pati ang lovelife ay i-accomplish mo na din naghahangad na din apo sayo."
Nagtawanan naman mga nasa loob ng function room maliban kay Lance nang mapansin ni Aizen na wala ng balak magtanong ang mga taga media.
"Palagay ko ay wala na ata kayong tanong, I suggest pwede na tayong maglunch ginutom ako sa mga personal na tanong ninyo sakin." ani ni Aizen.
Nang matiyak ng organizers na wala ng tanong ang mga taga media, agad na pinahanda sa mga waters at caterers ang masasarap na ibat ibang filipino delicacy para sa mga bisita.
"Napakabait at napaka generous talaga ng owners ng Shau-chen Corporation nuh, ito may pa lunch pa sa atin." ani ng isang photographer.
"Naku not to mention na very active ang Vice President sa mga ibat-ibang charity missions. Napakabukas palad niya sa mga kababayan natin mahihirap." saad ng isang reporter.
"Nakaka-in love tuloy tingnan mo oh si Vice President hindi ba oppa siya, ang bait na ubod pa ng yaman!" paghanga ng isang writer ng tabloid.
"Totoo yan tingnan mo ang mga ngiti niya parang nakakagaan sa pakiramdam, para siyang anghel na bumaba sa lupa". sabi naman isang bading na writer ng tabloid.
"Sana lahat ng mayayaman at makapangyarihan sa ating lipunan kagaya niya."
************
Sa isang opisina lumapit agad ang isang sexy sec. kay kanila Brent
"At last nakarating din kau, kala ko di na kayo tutuloy eh." Sabay kurot nito sa tagiliran ni Cedrick na ginantihan lamang ng binata ng nakakaakit na ngiti ito.
"Kainis ka ah, pasok na kayo sa kuwartong yun kanina pa naghihintay sa inyo si Boss." Ani ng sexyng secretary sa dalawa sabay turo sa nagiisang pinto ng opisina.
Pag pasok namin sa room kaagad kaming bumati ng pag galang sa matandang babae na kahit na maputi na ang mga buhok nito ay matikas pa rin itong hinugot ang files at iniabot nito sa kanila.
"I had checked your background at ilang months na din pla kayo nagjo-job hunting. Clear naman ang records niyo even pati background ng family niyo ay chineck ko din, by the im Lieutenant- Major Robles."
Ibinaliktad pa ng babaeng may edad ang gold plated name nito sa desk niya.
"Hindi ko alam kung bakit pinili kayo ng screening committee dahil bukod sa College Undergraduate kayo ay di din ninyo tinapos ang reserve army training course."
"Maam sa hirap po kasi ng buhay mas pinili na lng po namin magtrabaho." sagot ni Brent.
"Stop! Im not asking for your explanation. You will only answer me if I have given you the permission maliwanag ba? Anyway napaka importante ng papasuking niyong trabaho that's why it offers more benefit than any other job na makikita niyo: hospitalization, clothing allowance, car service, and even passport application kami na bahala dun. May monthly salary increase depende sa performance niyo, overtime fee at higit sa lahat kung kayo ay masawi may lifetime insurance at makakatanggap ng financial assistance plus educational support ang inyong mga kapatid kung sakaling mamalasin kayo sa trabahong ito." Sabay senyas sa kanyang leeg na ang ibig sabihin ay deadball.
Wala kaming imik nang nanlulula sa mga naririnig naming benefits na matatanggap sa trabahong ito. Nanlaki pa ang mga mata namin sa halaga ng salary na matatanggap.
"Pirmahan niyo na ang contract agreement at huwag niyo ng sayangin ang pagkakataon, obviously sa ganda ng mga benefits na inooffer sa inyo kaya naman napaka importante ng magiging trabaho niyo magiging security personel kayo ng mga VIP."
Pagkapirma namin ni Cedrick ay inabot namin ang duplicate copy sa matandang opisyal at saka nagpasalamat.
"Starting tomorrow ang special training niyo kaya pagbutihan niyo. Aaasahan kong hindi kayo babalik dito na may dalang problema."
"Yes Ma'am" sabay saludo namin ni Cedrick.
"Alright you may go now."
*********
Sa leftwing ng malaking mansyon naka formation ang security team agaw pansin sila Brent at Cedrick na naka suot ng white tshirt at black pants. Kasama nila ang iba pang mga nagtri-training at mga gate guards, admin & cctv personnels at personal body guards ng mga VIP. lahat ay matitikas, hulmado ang mga katawan sa suot na black suit.
Habang silay nagkakatipon tipon ang mga Security Personnel, Sa itaas nila ay may balcony kung saan patago silang tinitingnan ng mga maids.
"Ang gugwapo nila day!" sabi ng unang maid.
"Ou nga ang tatangkad at macho pa!" sabi ng panglawang maid.
"Naku sana lang mga single mga yan." ani ng pangatlong maid.
"Malay mo naman sigurado akong may mga binata sa kanila, tingin ko yun gwapo na moreno na yun." sabi ng pangalawang maid.
Si Cedrick ang tinutukoy ng isang maid kaya nang makita sila ni Cedrick ay kumaway ito sa kanila. Hindi naman maitago nila ang pagkakilig kay Cedrick dahil sa bukod sa pagiging guwapo nito ay halatang sanay na sanay itong mangloko at mangharot ng mga babae.
"Mas gwapo yun mestiso para sakin look niyo oh kahit seryoso ang mukha mukhang napakaguwapo pa din," kontra ng pangatlo.
Sa kalagitnaan ng kaharutan at kiligan ng mga maid, dahan dahan lumapit si Lime, ang kapatid na beki ni Aizen at naki usyoso na rin.
"Anong merun sa mga bagong recruit? Tanong ni Lime.
"Ang gugugwapo nila, sana dito sila maassign sa mansyon at hwag na maging personal bodyguards ng mga amo nati para parati natin sila makakasama." sagot ng pangalawang maid.
"Naman! para ma-engganyo tayo sa araw-araw sa pagtatrabaho dito, magkakaroon na tayo ng inspirasyon," saad ng pangatlong maid.
"Ou nga hindi un puro mamahaling muwebles painting vase lng nakikita natin dito!" mataray na sagot ng unang maid.
"Ahh inspirasyon ba talaga at hindi karengkeng ha??" ani ni Lime.
Napalingon agad mga kasambahay ng mag iba na ang tono ng kinakausap nila sa likuran nila.
"Magsipag balik na kayo sa pwesto niyo at parating na ang kapatid ko, mga baklang 'to inuuna pa landi kesa trabaho, hala balik sa nga trabaho." bulyaw niya sa mga kasamabahay.
Mabilis na nagsipagkulasan ang mga maids at sumunod na sya para bumaba papuntang front door
********
Sa gitna ng formation ay tumunog ang two way radyo na nakasukbit sa mga baywang ng security personnel
"VP is coming over did you hear me!" bose na nag nang galing sa radyo.
"Copy!" sagot ni chief.
"Men on your position!" Matikas na sabi ng pinakamataas na Team leader ng Security Personnel agency na may dalawang dekada nang nagbabantay at nangangalaga sa pamilya Shau-Chen.
Kaagad na nagtungo ang security team upang salubungin ang Vice President na si Aizen Shau-Chen.
"Kayong dalawa kailangan niyo bumili ng ganitong shades ganitong din klase. Number 1 rule sa trabaho natin do not engage eye to eye contact with the VIP. Kailangan ibigay natin sa kanila ang mataas na pag galang kaya kung di natin maiwasan na tingnan sila better you have shades para di nila mapansin tinitingnan natin sila malinaw sa inyo yan." Mahigpit na utos ng Chief.
"Yes sir!" sagot ng dalawa .
Maya maya dumating ang luxurious car lulan sila Aizen at Kisky, agad silang sinalubong ng team upang iescort sa pagpasok sa mansyon. Pilit naman tinatanaw sa malayo nila brent ang bagong dating na limousine ngunit natakpan na ito sa paningin nila ng mga naglalakihang guards.
"O nga pala Pre tuloy na ba yun raket natin kelangan ko kasi magkapera para sa gamot at laboratory check up ni mama, sobrang mahal pa naman." Tanong ni Brent sa bestfriend niyang si Cedrick.
"Oo pre tuloy tayo sure yun , gusto mo ng sagot agad sa problema mo? tatawagan ko na ba si Madam L raket muna tayo sa gay bar nia?"
"Tingnan ko muna pre basta titingnan ko muna." Alanganin sagot ni Brent sa inaalok sa kanya ng kaibigan niya.
Samantala...
Masayang sinalubong sila Aizen at Kiskey nila mommy Ives, Lime at Kuya Jasper.
"How are you my son? Kmusta byahe ninyo." sabay yakap nito sa anak.
"We are definitely fine Mommy namiss ko kayo." sagot ni Aizen.
"We miss you too shobe!" sagot ni Lime.
"Thank Heavens at andito ko na sa pinas matagal ka na namin hinihintay bunso sasaya na ulit dito sa mansyon." Ani ni Jasper ang pinaka matanda sa lahat ng magkakapatid.
"Tama" sang ayon ni Lime.
"O siya lika na din Kisky nagpahanda ko ng lunch para sa pagbabalik ninyo, lahat ng paborito mo pinaluto ko at hinihintay ka na ng lolo mo." Wika ng ina ni Aizen.
Pagkatungo nila sa long dining table espesyal ang pagkaka ayos nito. Lahat ng paborito na chinese at filipino dishes ay nakahapag. Naupo sila sa kani kanilang upuan habang hinhintay si Chairman Mao ay masaya silang nagkukwentuhan. Nahinto lamang ang kanilang masayang usapan nang madinig nila ang tunog ng elevator at tunog ng gulong na kumakaskas sa carpet senyales na paparating na ang Chairman.
"Its good to see you back my heir, halos dalawang buwan ka din sa Hongkong para makapag distress sa nangyari sayo." matapang na tinig ngunit masaya ang mukha nitong nakatingin sa kanila.
Agad naman yumuko si Aizen bilang pagbibigay galang at lumapit agad si Aizen para yakapin ito gumanti naman ng yakap ito at tinapik tapik ang likod.
"Masaya na ako at nandito ka na apo."
"Salamat po Chairman sa pahintulot ninyo na magpahinga ako ng dalawang buwan sa Hongkong." ani ni Aizen.
"Sige na maupo ka na para makakain na tayong lahat." sabi ng matandang Chairman.
"Im very proud sa iyo apo at sinunod mo lahat ng gusto ko at mga plano ko s." sabi ni Chairman Mao.
"Sobra ang pag-alala ko anak nang mawala ka, halos mamatay ako nang malamang nakidnap ka ng mga walang kaluluwa mga taong iyon." si Mommy Ives na panay ang himas sa buhok at batok ni Aizen.
"Maraming salamat talaga sa Diyos at nakaligtas ka shobe." sabi ni Lime.
"Kaya dapat magkaroon ka ng sarili mong bodyguard para may bantay kayo ni Kisky palagi." suhestiyon ni Jasper, Panganay na Apo ni Chairman Mao.
Hindi siya kasundo ng Patriarch ng Shau-Chen Corporation dahil madalas labagin ni Jasper ang kagustuhan ng matanda para sa kanya. Maaga siyang nag-asawa kaya si Aizen ang napili nitong papalit sa kanyang posisyon sa hinaharap.
"Namiss ko kayo Mama, Lime at kuya Jasper, naalala ko tuloy noon mga bata pa tayo ang titigas ng mga ulo natin, lagi kong pinagtataguan ang mga bodyguards natin." pag alala ni Aizen.
"At dinala ninyo sa pagtanda ang katigasan ng ulo ninyo dalawa Lime at Jasper." Mariing sabi ng matandang Chairman at CEO ng Shau-Chen Corporation.
"Grandpa hindi man namin sinunod ang mga pangarap niyo para samin but look what we are now?, matagumpay naman ako sa fashion industry at si Kuya Jasper marami ng branches ang school niya." Sagot ni Lime
"But thats not enough!" Galit at pasigaw na sabi ni Chairman Mao
"Papa" si Mommy Ives na inaawat ang Chairman.
"Mukhang ganoon pa rin ba dito hanggang ngayon?" si Aizen na nabobother na sa takbo ng usapan
"Grandpa , sinunod ko lang ang mapagpapaligaya sakin at tama naman naging desisyon ko, i have no regrets. And Ma, after ng lunch kelangan ko n umalis agad aattend pa ko ng meeting." Sagot ng panaganay sa magkakapatid na si Jasper.
Si Mommy ives naman ay nalungkot na ang mukha samantalang umismid naman si Aizen na nakita ni Kisky.