Aizen POV
Ang sakit ng noo ko di ko alam kung saan tumama ang ulo ko mula sa pagkakabangga. Hinanap ko ang phone ko para makahingi ako ng tulong kanila Mama ngunit wala kong makita sa driver seat. Hinampas ko ang manibela sa galit dahil hindi ko makita ang phone ko. Tningnan ko din sa backseat ngunit wala. Maiiyak na ko pero nanumbalik saking isipan na may tinatakasan ako, mabilis akong bumaba ng sasakyan para makaalis agad at makahingi ng tulong sa mga tao.
Pinuntahan ko ang nakikita kong pamilihan sa di kalayuan, mabuti na lamang at walking distance ito. Nang marating ko ang pamilihan ay agad akong humingi ng saklolo.
"Tulungan ninyo ako may humahabol sa akin mga masasamang tao."
Ngunit ang mga tao'y pinalibutan lang ako at wariy nagtataka o di kaya mga nag-uusyuso lamang sakin.
"Anong nangyari sayo bat dumudugo ang sintido mo?"
"San ka ba galing iho?"
"Bakit ganyan ang suot mo?"
Mga paulit-ulit na tanong ng mga tao na di ko na pinag aksayahan ng panahon sagutin dahil kailangan ko makahingi ng tulong at makalayo sa lugar na ito.
"Kuya oh takpan mo sugat mo." inabot sakin ang face towel ng isang batang nagtitinda ng pambalot na plastic.
"Thank you, bata maari bang ituro mo sakin kung saan may clinic dito." habang idinampi ko ang towel sa aking nagdurugong sintido.
"Bata saan may doktor dito?" Muli kong tanong.
"Doon po may hospital deritso lang po." sagot ng bata.
Kaagad kong sinunod ang bata nakakailang hakbang pa lang ako ng muling nanlalabo ang aking paningin tila hihimatayin ako sa pagod , gutom , init ng araw at sanhi na rin ng pagkabangga ko sa sasakyan bago pa ko mawalan ng malay ay may isang lalaki ang nakasalo sakin.
***********
"Mababaw lang naman ang sugat niya heto ang reseta ng gamot niya nakalagay na rin dyan kung ilang beses sa isang araw siya iinom ng gamot."
Boses ng isang babae ang naririnig ko nanlalabo pa rin ang mga mata ko kasunod.
"Sige po Doc." sagot ng pamilyar na boses ng lalaki.
"Doc maari ko bang iwan muna siya dito, Aasikasuhin ko lang po masasakyan namin papuntang Maynila." aniya
"Sige pero balikan mo din siya agad."
Muli na naman ako nawalan ng malay marahil sa sobrang stress at hilong nararamdaman ko.
Ala sais ng gabi....
Nang ako ay magising bahagyang nabawasan na ang aking hilo. Bumangon ako para alamin kung nasaan ako mukhang nasa maliit akong clinic at nasa harap ko ang isang lalaking nakatalikod naka suot ng medyo fitted na muscle shirt, jeans na shorts at sneakers.
"S-sino ka?" tanong ko.
"Gising ka na pala heto kumain ka na muna para makainom ka na daw ng gamot." aniya.
Sa itsura ng lalaki ay mukhang masayahin to mahaba ang mukha nito matangos ang ilong , slicked side with undercut ang buhok nito. May pagka chinito at moreno. napansin kong naiiba ang boses niya kumpara sa taong tumulong sakin para makatakas sa mga kidnaper.
"Sino ka ba? bakit ako magtitiwala sayo? baka kasama ka sa mga masamang taong nag kidnap sakin!" sambit ko habang nakakadama ng tensiyon.
"Ako? sa pogi kong to kidnaper, kung kidnaper ako malamang kanina pa kita tinangay. Maliit lang ang clinic na 'to ni wala ngang bantay, very easy lang kitang mailalabas dito."
"Ano ba tong pinasok ng tropa ko?" Bulong niya
"Anong ibig mong sabihin?" pagtataka ko mukhang ibang tao nga itong nasa harapan ko.
"Makinig ka makulit, kumain ka na at wala na tayong oras kailangan mo lumakas dahil aangkas ka sa motor ko dahil kung hindi ka kakain baka malaglag ka sa motor ko gets mo?" Mariing sabi ng lalaki.
"Kailangan kitang mailayo dito ang sabi ng kaibigan ko parating na mga kasama niya para hanapin ka at ibalik sa mga amo nila." sabay kuha ng plato na may pagkain upang subuan ako.
"Oh Ah kain."
Naka braces pa ang poging binata.
"Kaya kong kumain mag isa." pagsusungit ko.
"Sabi ko nga oh ayan at saka ang swerte mo naman kung susubuan ka pa ng poging katulad ko." dagdag pa niya.
"Boastful!" mahina kong sabi.
"Ano sabi mo? english yun ah, ano ibig sabihin nun, ikaw na nga tong tinutulungan kung anu-ano pa sinasabi mo sa akin."
"Ang ibig kong sabihin pogi ka nga." sabi ko sabay tago ko ng mukha ko at sumimangot.
"Matanong ko lang bakit ganyan suot mo, ang init sa pinas balot na balot ka. Mahal ata yan damit mo?"
Sinusuri ako ng lalaki mula ulo hanggang paa.
"At saka mayaman ka ba kaya ka kinidnap." pabulong nitong sabi.
"Mahabang kwento." Sa totoo lang ayaw ko pa rin magtiwala sa taong to kahit mukha siyang mabait.
"Ganito ang bilin sa akin, hihintayin tayo ng kaibigang kong si Brent sa Bulacan. Pinakiusapan niya ko ilabas ka dito sa Nueva Ecija dahil mas mabilis ang motor. Pangalawa kung dalawa kayo magkasama lalabas dito sa Nueva Ecija makikilala agad kayo, kaya ako na ang knight in shining armor mo ang maglilitas sayo. Pagkatapos mong kumain magpalit ka ng damit."
"May tanong ka pa ba?"
"Ano naghihinala ka pa rin bang masamang tao ako?"
Grabe ang daldal naman niya
"I understand makikilala kami ng boss niya kung magkasama kami aalis dito sa Nueva Ecija".
Matapos kong kumain kaagad akong nagbihis at ng matantya ko na okay na ang pakiramdam ko nagpasya na kaming umalis. Mabilis kaming buniyahe papuntang bulacan.
Hating gabi na nang marating namin ang Bustos Bulacan. Huminto kami sa highway kung saan may nakapark na puting sasakyan. May lumabas na isang lalaki na katipo ng kasama ko ngunit mas malaki ng kunti ang pangangatawan nito halatang babad sa gym. Siya kaya ang tinawag na brusko may pagka mestiso siya, maiksi ang buhok nito bagay na bagay sa very attractive nitong mukha. Napaka sexy ng jawline nito bagay na bagay sa simpatikong mukha, kaagad na nilapitan namin ito.
"Buti na lang walang nakasunod sa inyo?" sabi ng lalaking naghihintay samin.
Ka-boses niya ang lalaking tumulong sakin para makatakas. Siya nga hindi ko maiwasan ang guwapo niyang mukha. Napailing ako at nagtaka sa sarili ko. Humahanga ba ko sa kanya pero bakit ako nakakaramdam sa kanya ng paghanga?
"Halika na sumakay ka na sa sasakyan para makaalis na tayo!" saad ng lalaki.
Nakasuot sa aking likuran ang backpack na pinaglagyan ko ng damit ko. Tuloy-tuloy akong pumasok ng back seat ng kotse. Siya na din mismo ang nagsara ng pintuan ng sasakyan. Panay ang tinginan namin sa isa't isa tila may kakaiba di ko mawari. Laging nagtatama ang mga mata namin peeo kaagad niyang binabawi ang tingin niya sakin. He has an expressive and tantalizing eyes na sa tuwing mahuhuli ko siyang nakatingin biglang nagbabago ang reaction niya. Maya maya ay naka tiger look siya. Tahimik lamang kami sa sasakyan.
"Tara na Cedrick" sigaw nito sa kasama ko kanina.
"Sige tol!" Sagot naman ng nagngangalang Cedrick.
Nakahinga na ko ng maluwag ng paandarin na ng dalawa ang sasakyan at motor ngunit hindi pa man kami nakalalayo may mga sasakyan at naka motor na sumusunod.
"Anak ng..., nasundan tayo!!!!" sigaw ng lalaki na nagngangalang Brent.
"Anong gagawin natin?" sigaw ko.
"Kumapit ka lang,mag seatbelt ka!" sigaw niya sa akin.
Hindi ko siya sinunod sa halip ay tiningnan ko ang back windshield
"Maabutan nila tayo". I warned him.
"Heto na binibilisan ko na!" muling sigaw ng lalaki sa akin.
"Diyos ko anong gagawin natin?"
Blaaaaaaaagggggg. Pagkatapos ng malakas na tunog ay napahawak akong mabuti sa upuan ng kotse.
Ginigitgit na pala kami ng kotse humahabol sa amin kelangan may gawin kami. Ayaw kong mapasa kamay ulit ako ng mga demonyo na iyon. Nag isip akong mabuti kahit na patuloy kami binabangga ng kotse.
"Makinig ka buksan mo yan pinto ng kotse pilitin mo maka sakay kay Cedrick. Iwanan mo na ko dito sa kotse!"
"What! are you kidding me? it's too dangerous yan naiisip mo. Paano kung malaglag ako?!" sigaw ko.
"Alam kong delikado pero kung gusto mong makatakas ng buhay, gawin mo!"
Mukhang seryoso siya sa sinabi niyang yun. Wala na sigurong paraan kaya yun na lang ang ipinagagawa niya sakin.
"For pete sake paano ka?! Siguradong manganganib ang buhay mo kapag nahuli ka nila."
Napalingon ang naturang lalaki his looks amazed dahil sa sinabi ko. Kinda na naramdaman niyang nag-aalala din ako para sa kaya.
"Huwag mo na kong intindihin basta gawin mo iniuutos ko!" sa pagkakataong to mas malakas na ang sigaw niya ramdam ko ang tensyon nararamdaman niya.
Muli na naman kaming binangga ng sasakyan kaya nahulog ang backpack sa sahig. Nakaisup ako ng idea nang makita ko ang bag na nalaglag. Tama yun baril.
"T*ng ina...." sigaw niya.
Kinuha ko ang baril sa bag gaya ng napapanuod ko sa pelikula, tatangkain kong paputukan ng baril ang gulong nila. Ikinasa ko ang baril sabay bukas ng bintana ng kotse. Di pa ko nakakagamit ng baril pero champion ako sa archery may tiwala ako sa sarili kong magagawa ko balak ko.
"Hoy anong gagawin mo?" Sigaw niya sakin.
"Shut up just keep on driving!" Mas malakas na sigaw ko sa kanya.
Dumukwang ako sa bintana at itinutok ang baril sabay kalabit ng gatilyo. Kitang-kita ko ang pagputok ng baril halos manginig ang buong katawan at kaluluwa ko sa nagawa ko. muli akong napa upo.
"Anong ginagawa mo , gusto mo bang mapahamak?" sigaw sa akin ng lalaki at dahil doon nanumbalik ang aking ulirat.
.Nakita kong unti-unting bumagal ang sasakyan na humahabol sa amin palagay ko'y tinamaan ko ang gulong nila.
"Magaling ang ginawa mo binaril mo ang gulong nila tiyak na di na sila makakahabol satin...."
Naputol ang pagsasalita ng lalaki ng makarinig kami ng mga putok ng baril. pinatatamaan nila kami ng baril.
Muli akong dumukwang sa labas ng bintana upang gumanti ng putok ng baril. Nang matantya kong hindi magalaw ang isang motor na nakasunod sa amin agad kong pinaputok ang baril puntirya ko ulit ang gulong nito.
Isang nakabibinging putok ng baril ang pinakawalan ko. Pagkatapos nuj ay tiningnan ko ang motor na nagpa gewang gewang.
"Nasapol ko, nasapol ko Wooooh!"
para kong bata na tuwang-tuwa sa accomplish na nagawa ko.
"Ang galing mo asintado ka pala" sabi ng lalaki sa akin na nag menor na sa pagmamaneho.
"Thank God ligtas na tayo, ligtas na tayo!" sabay yakap ko sa leeg ng taong nagbigay sa aking ng chance makatakas.
Halos ilang segundo rin akong nakayakap sa kanya napahinto lamang ako ng lumapit sa amin ang naka motor na si Cedrick at kinatok ang bintana.
"Baka mabangga tayo" masayang wika ng lalaki.
"Lord thank you so much di mo kami hinayaan mapahamak."
************
Sa isang tenement kami tumuloy madaling araw na at wala ng katao tao sa paligid. Sa 3rd Floor kami umakyat pagkahinto namin sa isang pintuan agad na binuksan ng lalaking nagngangalang Cedrick.
"Ligtas ka na pero magpahinga ka na muna." Saad ng lalaki.
Dumukot ito sa bulsa at inilabas ang isang phone at wallet.
"Heto pala ang phone at wallet mo, itinago ko ng kunin nila mga ito sa iyo. Maari mo nang tawagan ang pamilya mo para ipagbigay alam mo sa kanilang ligtas ka." pagpapatuloy niya.
"Nasa ikalawang pinto lamang ang bahay ko kaya kung may kailangan ka puntahan mo lang ako."
Napansin niyang nakangiwi ang bibig ko habang gumagala ang paningin ko.
"Walang masamang tao dito!" Masungit na sabi niya sabay tingin ng makahulugan sakin.
"Maliban lang kay Cedrick mag iingat ka dyan."
"Gag* ka tol! Matapos nang lahat- lahat ng ginawa ko, kaibigan nga kita." sabay hubad nito ang damit pang itaas tumambad sakin ang hubad niyang katawan. May maipagmamalaki rin medyot payat na katawan may chest at abs din toned ika nga.
"Biro lang mabait yan manyak nga lang." pagkasabi niya binato siya ni Cedrick ng hinubad nitong damit.
Papalabas na sana ito ng aking tawagin.
"Brusko, wait ano nga pala pangalan mo? Ako si...."
"Aizen, alam ko ang pangalan mo, Brent.... ang pangalan ko. Sige magpahinga ka na". Sabay labas nito ng bahay ni Cedrick.
Sa kabila ng lakat ng pagliligtas niya sakin bakit parang umiiwas siya sakin.
"Dyan ka na lang sa kama matulog dito na lang ako sa sahig maglalatag ako ng bed foam."
"Sige salamat."
**************
Maaga akong nagising dahil namamahay ako namimiss ko na ang kwarto ko. Ang malambot kong kama pati aircon sa magdamag, nararamdaman kong maalinsangan na. Pagtingin ko sa bintana ay putok na putok na pala ang araw.
Napansin ko ang natutulog na si Cedrick, di ko maiwasan humanga sa mga katangian nito ang maskulado nitong pangangatawan maski ang moreno l nitong kutis ay di nakaligtas sa aking paningin hanggang sa maumbok nitong pwet. Wait why im feeling like this? Pogi naman din ako ah patpatin nga lang at may abs naman din. sabay rekisa ng aking pangangatawan. Nagbalik ang paningin ko sa kanya at masusi ko pa rin pinagmasdan ang mukha niya ng biglang ginulantang ako ng napalakas at matining na boses ng babae na nasa labas.
Napabalikwas pa ko ng magising si Cedrick
"Hmmm gising ka na pala, inaantok pa ko." iniunat niya ang katawan kahit nakadapa pa rin.
"Hoy Cedrick buksan mo ang pinto, ngayon araw ka din nangako ng pagbabayad ng utang." sabay lagabog nito ng pinto.
Mabilis na bumangon si Cedrick para buksan ang pinto ngumiti pa ito sakin sabay senyas Mr.Pogi sabay kindat.
"Aling Berta, ikaw pala ang aga-aga pa oh".
"Anong maaga pa? Nasaan ang bayad mo sa utang mo?" bungad sa pinto ng isang matabang ale na may kaliitan ngunit ang boses naman dinig ng buong tenement ang pagtatalak nito.
"Wala pa po Aling Berta balikan niyo na lang po ko sa sumunod na linggo. Promise makakbayad na ko." Magkadikit pa ang mga palad niya na tila nakaharap sa santo at nananalangin habang humihingi ng palugit.
"Hoy Brent halika dito isa ka rin magusap tayo ngayon. Ang lalakas niyo mangutang ngayon singilan wala kayong pambayad?" Wika ng matabang babae na sa sobrang sungit ay di uubra ang mga maskuladong mga lalaking ito.
"Wala pa po kasing budget Aling Berta babayaran ko din kaagad kayo pag may pera na ko." Wika ni Brusko.
"Hay naku hindi maari." bulyaw sa kanila.
Brent POV...
Sinenyasan ko sa pamamagitan ng pagkindat si Ced para lambingin si Aling Berta, awtomatik naman inakbayan ito saka nakiusap habang nagpapacute ngunit di umubra.
"How much po ba ang utang nila?" sabi ng nasa luob ng bahay ni Ced. Alam ko siya yun na may malumanay na boses at malamig na tinig.
"Tig limang libo bakit babayaran mo?" sagot ni aling Berta.
"Seven thousand lang po ang cash ko pero may cards po ako. may malapit po bang atm dito?" Aniya.
"Huwag niyo po tatangapin ang bayad niya." mariin kong tutol.
"No kailangan niyo ng tulong, its payback time para sa nagawa niyo sa akin." Pagpupumilit niya.
"Sino ka nga pala? Sa itsura at kutis mo na napakakinis at napakaputi mo. mukha kang mayaman, jowa ka ba ni Cedrick o ni Brent?
Umandar na naman ang pagiging malisyosa at chismosa ni Aling Berta.
"Ano pong sinasabi niyo?" aniya
"Aling Berta kwan p-pinsan po siya ni Ced." Mabilis kong sabi.
"Ok sabi mo eh akin na seven kiyaw sa sumunod na lang 3 kiyaw kung ganito ba naman eh magkakasundo tayo." sabay tanggap ni Aling Berta ng Pera.
Pumasok ako ng kwarto para pagsabihan itong aizen.
"Ano bang ginagawa mo?" sigaw ko sa apo ng kinamumuhian ko.
"Tol relax lang" agad akong pinigilan ni Ced.
Nakatingin lang sakin si Aizen habang pinagmamasdan ako mula ulo hanggang paa. Naka boxer shorts lang ako at walang pang itaas hindi ko alam kung bakit siya natutulala. Maya-maya ay namula ang mukha nito nang mapadako ang tingin niya sa umbok ko.
"I just want to help o makabayad ng pagtulong niyo sakin, sa pagtakas ko." natitigilan siyang binitawan ang mga salitang ito.
"Wala naman masama doon di ba?" Muli niyang sabi.
"Ang masama inilalantad mo sarili mo sa mga tao dito. Prominente kang tao, nakita ka sa tv kagabi tapos ngayon umaga balitang-balita na nawawala ka." Hindi ko mapigilan ang sarili kong kagalitan ang taong ito.
"May punto naman siya Brent wala naman siya masamang ginawa pero mas may punto ang kaibigan mas importante pa rin samin ang kaligtasan mo may pagka tsismosa din kasi si Aling Berta." Wika ni Cedrick
"Im sorry pinanghawakan ko lang naman kasi ang sinabi niyo na safe naman ako dito. Im sorry talaga." akma itong aalis pero agad kong nahawakan ang braso nito.
"Hindi ka aalis o pupunta sa kung saan? patawad kong nagalit ako nang husto ikaw lang inaalala ko." Wika ko.
Napatingin siya sa akin ng mata sa mata, napaka amo niya tingnan parang anghel na ang hirap pagbuhatan ng kamay o saktan ang damdamin niya. Maihahalintulad ko siya sa mamahaling babasagin na kailangan pag ingatan at alagaan. Bakit ba kung makipagtinginan ang taong ito diretso sa mata?
"Ced umorder ka kay Mama ng pagkain yun pinaka masarap para sa pananghalian natin, may gusto ka bang kainin".
"Hindi ako maselan kumain." matamlay niyang sagot. Marahil dahil sa mga nasabi ko sa kanya.
"Okay ikaw na bahala Cedrick." Utos ko.
"Sige wala na ba?" Tanong ni Ced
Nakatingin pa rin ako kay Aizen pinagmamasdan ang kilos niya.Kinuha niya ang phone niya sa bag at nag dial sa screen.
"Hello Mommy, its me."
"Im safe, ititext ko po sa inyo kung saan po tayo magkikita gusto ko na makauwi.
"Opo Mommy ako nga po ito please sunduin niyo na ako."
Pumatak ang luha niya sa kabilang pisngi habang nakangiti halatang halata sa mukha niya ang saya at ako naman medyo ikinalungkot ko ng bahagya at kalahati ay naiinis ako ng matanto kong babalik na siya sa pamilya niya. Ang pamilya niyang dahilan kung bakit nagkanda leche leche ang buhay namin.
********
Dumating ang oras na itinakda para sunduin si Aizen pinili nila ang lugar na kung saan walang tao. Kitang kita nila Brent at Cedrick sa di kalayuan ang pagdating ng mga pulis at ang mamahaling sasakyan ng mga Shau-chen. Lumitaw si Aizen sa pinagtataguan nito habang ang mga pulis ay agad na nag secure ng area. Kasama ang isang lalaki ng mga pulis at mabilis na sinalubong si Aizen , saglit na nagyakapan ito pagkatapos kaagad na sumakay sila ng sasakyan. Sa wakas nakabalik na si Aizen sa pamilya niya Nanatili naman ang mag kaibigang si Brent at Cedrick na tintanaw ang convoy ng mga pulis at sinakyan kotse ni Aizen habang ito'y papalayo.
"Oh ano pa ba tinatayo mo tol, wala na yun kinidnap mo, nakaalis na." ani ni Cedrick.
Ngunit nanatili lang si Brent na natanaw sa malayo.
"Hoy! Tol mukhang ang lalim ng iniisip mo, namimiss mo na ba agad si kulit." pang aasar ni Cedrick kay Brent
"Loko-loko inaalala ko lang yun nagdaang mga gabi napakabilis ng pangyayari, hindi ko malubos ma isip na tinanggap ko yun trabaho na yun. First time sa buong buhay ko gumawa ng masama tapos iniligtas din si Aizen. Naisip ko lang kung nahuli ako ng mga pulis baka yun pa ang dahilan ng pagkasira ng buhay ko, kung natuloy naman ang plano ni boss baka tuluyan na ako naging kidnaper o masahol pa." Paliwanag ni Brent.
"Naisip ko nga din yan tol hindi sapat na dahilan ang pera para gumawa lang ng masama dahil nakagagawa naman tayo ng paraan agad para kumita ng pera. Ang dami kaya nagkakandarapa satin mayayamang chicks , matrona at bading. Ano nga ba ang dahilan bakit ka sumama sa grupong yun?"
"Binalak kong gantihan ang pamilya niya sa pamamagitan niya, sila ang dahilan kung bakit iniwan kami ni Papa para maghirap kaming sobra." sagot ko.
"Tol alam mong sanggang-dikit tayo, todo suporta ako sayo kahit noon mga bata pa tayo pero tandaan mo ito. Hindi maitutuwid ng isa pang pagkakamali ng isa pang pagkakamali. At ang gumanti, dudungisan mo lang ng dugo ang mga kamay mo mabigat na kasalanan yan sa Diyos at sa lipunan natin. Isipin mo nawalan na nga ng Ama ang pamilya mo noon mawawalan pa ng kuya na tumtaguyod sa kanila isipin mo na lang ang mangyayari kanila Tita Mira , Spocky at sa kambal kung makukulong ka." Sabay bugtong hininga ni Cedrick.
"At saka tol Kilala kita hindi mo maatim na gumawa ng masama sana pag isipan mong mabuti mga sinabi ko sayo."
Iniwan ni Cedrick si Brent sa rooftop. Gusto naman mapag isa ng guwapong maskuladong binata para makapag isip isip. Hindi rin mawala sa isip niya si Aizen. Napatanong siya sa sarili niya na magkakaroon pa kaya ng pagkakataon na magkita silang muli.