Multo ng Kahapon

1220 Words
Magpapatuloy pa sana ng sasabihin si Aizen ng lakipan ng mga labi ni Brent ang mamula mulang labi ni Aizen, hindi na nakatutol Aizen sa mga labi ni Brent. "Pumasok na tayo sa loob may oras para dyan" sabay ngiti ni Aizen para di magtampo ang boyfriend. "Did i told you, pag tayo lang dalawa magkausap ayaw ko naka shades ka. Hindi ko nakikita ang mga mata mo. " Eyeball to eyeball kasi makipag usap kahit kanino si Aizen, in this way nalalaman niya kung anong klaseng tao ang nakakausap niya. "And one more thing bawal tayo....yun mag....ganyan in public, baka kasi may makakita satin. Hindi naman sa ikinahihiya ko yun relationship we need to be careful at baka may mga sumusunod sating mga tao. Mga taong gustong magpabagsakin. I hope you get what I mean." Sabi ni Aizen. "Pasenya na Zen-zen." sabay tago nito sa bulsa ng kanyang polo. "Brent, I'm sorry. I don't wanna hurt your feelings sana naiintindihan mo ko. It's for the sake of two of us." Wika ni Aizen na pilit na pinaiintindi kay Brent ang sitwasyon nila. Kagad na kumilos ang dalawa para buhatin ang pinamili at mga baong gamit para sa tatlonflg araw na bakasyon. Naupo muna sila sa sofa habng kapawa pinagmamasdan ang buong sala ,ang paligid ng resthouse, ang mga muwebles, mga lumang painting ni Chairman Mao. Peeo may isang bagay ang nakapukaw sa kanilamb ng pansin kay Brent ang painting ng isang lalaki. Brent Pov Si Papa itong nasa painting hindi ako nagkakamali naalala ko pa ang mukha ni Papa bago niya kami iwan. Flashback "Vergilio huwag mo kaming iwan nagsusumamo ako sayo." pagmamaka awa ni Mira, ina ni Brent at Spocky. "Kailangan kong umalis Mira." saad ni Vergilio, ama nila. "Ngunit bakit anong dahilan?" hagulgol ni Mira at pinipigilan si Vergilio sa pag eempake ng damit. "Hindi ko maipapaliwanag sa ngayon basta babalitaan kita Mira." Wika ni Papa "Talaga bang itutuloy ninyo ang relasyon ni Ives, mga hayop kayo, magsama kayong dalawa!!!" sigaw ni Mira. "Mama, Papa huwag na kayong mag-away." pagmamakaawa ng batang si Brent nasa edad na apat. "Mali ang ang iniisip mo Mira," mariing sabi ni Vergilio. "Papa huwag mo kaming iwan," si Brent na nakakapit sa kanyang ama "Vergilio!!!!!!" sigaw ni Mira Ngunit matapos makapag empake ng ama ni Brent agad itong lumabas ng bahay at umangkas ng motor para makaalis. -End of Flashback- Nanginginig ang buong katawan ko, maski ang kamao kong nakatikom ay nanginginig din. Nagpupuyos ako sa galit ng maalala ko kung paano kami iwan ng aking ama, awang- awa ako sa aking ina halos maglumuhod ito sa aking ama at nakikiusap na huwag kaming iwan, hindi ko namalayan ang mga luha ko na umagos sa aking pisngi. Masama kang tao, wala kang kwentang ama, sana hindi na lang ikaw ang naging tatay ko. "What's wrong Brent? Bakit ka umiiyak?" tanong ni Aizen sa akin ngunit di ko siya pinapansin. "Brent?!" napalakas ng bahagya ang boses ni Aizen. Hindi ko na mapigilan ang pagsabog ng galit sa dibdib ko tumakbo ako palabas at tumungo sa garden. Napaluhod ako sa lupa habang nakatukod ang mga kamay ko sa lupa. "Wala kang kwenta, wala kang awa." sigaw ko habang tumatangis ako ng napaka pait. "Brent what's going on?" boses ni Aizen na sumunod pala siya sakin. Naramdaman ko ang mga kamay ni Aizen sa aking likuran ramdam ko ang kanyang pag aalala sa akin. Sinuntok ng maka ilang beses ang lupang aking kinaluluhuran na nagdulot ng pagdurugo nito. "Lumayo ka muna, gusto kong mapag isa!!" sigaw ko kaya napatayo bigla si Aizen. "Aalis ako but you have to promise me na kakalma ka na." Nagaalang sabi ni Aizen Nang siyang narinig na tugon sakin, kusa na din umalis ng garden si Aizen. ******** Aizen pov He is acting so strange, kanina lng ay ang saya-saya niya ngayon galit na galit siya. His eyes are burning with anger nang makita ko ang mukha niya. Kaya lumayo muna ko sa kanya at pumasok muli sa bahay. Pagkarating ko sa sala ay nakita ko si manong caretaker. "Manong mayroon ba tayong first aid kit o kahit anong pang gamot sa sugat?" nagmamadali kong tanong. "Mayroon nasa kuwarto ko saglit lang ha." Iniwan ako ng caretaker sa sala at muli sa mismong kinatatayuan namin kanina. Tiningnan ko ang painting ng lalaki tinitingnan ni Brent kanina. Napagmasdan kong kahawig ito ni Brent, lahat ng features ng mukha nila ni Brent ay magkatulad ang naiiba lang ay ang buhok ng lalaki. Straight ang buhok ni Brent while wavy naman ang buhok ng lalaki sa painting. "Heto na po Señorito ang kailangan po ninyo." inabot niya sakin ang first aid kit. "Salamat po Mang.... "Julio po ang pangalan ko at aking asawa ay si Marietta makikita po ninyo siya mamaya pagkauwi galing palengke." pakilala sakin ng aming Caretaker dito sa resthouse namin sa Tagaytay. Napatingin din si Mang Julio sa painting ni Chairman Mao kaya naisipan kong tanungin ang caretaker namin. "Mang Julio sino po itong lalaki sa painting? Si Lolo ba nagpinta nito?" Tanong ko. "Opo Sir, hindi ko po alam ang pangalan niya pero tatlong beses na po siyang pumunta dito kasama ang lolo ninyo sa pagkakaala-ala ko." aniya "Pininta po ni Chairman yan noong bago magpasko mga dalawang dekada na ang nakalipas, sabay abot ng mga susi ni Mang julio eto na po mga susi Vice President." Patuloy niya. "Naku Mang Hulio, Aizen na lang po ayoko po ng masyado tayong pormal tayo-tayo lang naman po ang nandito di po ba, kaya isipin niyo na lang para tayong pamilya lang " "Sige po, Ano po gusto ninyong lulutuin pang hapunan?" Tanong sakin ni Mang Julio. "Wala pa po ko naiisip, magpapahinga na muna po ako Mang Julio." wika ko. Tamang-tama titingnan kong muli si Brent sa labas ay papasok na rin ito ng loob ng bahay. Hawak nito ang kamay na may dugo. "Halika na, gamutin na natin yan kamay mo." malumanay kong sabi nakakaramdam kasi ako ng kunting kaba sa dibdib ko dahil sa kakaibang ikinilos kanina ni Brent. "Ako na lang, magpahinga ka na lang." saad niya. Nanatili itong tahimik habang umaakyat kami sa hagdanan patungong kuwarto. Pagkapasok nito ng isang kuwarto agad itong isinara pero naglakas loob akong pumasok para gamutin ang sugat niya. Naupo ito si Brent sa kama kaagad ko naman tinabihan upang gamutin ang kanyang sugat. Tahimik lamang kami sa loob ng kuwarto habang gingamot ko siya, walang imikang nangyayari hanggang sa napansin kong nakatitig na siya sa akin na seryoso ang mukha. Dahil doon naramdaman niya ang pangangatog ng kamay ko. "Bakit ka nanginginig? Okay ka lang ba?" tanong niya. Marahil naalala niya ang sinapit kong trauma kaya niya naitanong kung okay lang ako. "O-okay lang ako, Medyo nate-tense lang ako sa nangyari kanina." habang nililinis ko ang kanyang sugat. "Pasensya na kung tinakot kita." hinawakan niya ang kamay kong lalong lumalakas ang pangangatog. "Excuse me kukuha lang ako ng gamot ko pampakalma." kusang bumitaw siya sakin ng magpaalam akong kukuha ng gamot. Nagkaila akong kukuha ng gamot ngunit wala naman talaga akong dala, lumabas na lang ako ng bahay para tumungo sa hardin sa gayon maaliw ako sa ganda ng garden at napakagandang view mula sa malayo upang malabanan ko ang anxiety attack ko dulot ng isang lalaking nanghalay sakin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD