New Beginning

1300 Words
Matapos magyosi sila Brent at Cedrick muling silang bumalik sa conference room ngunit bago sila makabalik di sinasadyang mabangga ni Brent si lance, napaupo pa sa sahig si lance dahil parang pader ang maskuladong katawan ni Brent ang nabangga niya kumpara sa built ng katawan niya toned muscles lng, kaagad naman inilahad ni Brent ang kanyang kamay para makatayo si lance, napansin nitong bakas ng lungkot ang mukha sabay punas ng luhang tumulo sa kanang mata. "Sir okay lng po kayo?" tanong ni Brent ngunit di man lang ito sinagot ni lance at tumakbo papalabas ng hallway. "Tol halika na nagsisipaglabasan na ang mga tao sa conference room" Agad naman sila umescort kay Kisky, Aizen at Chairman Mao. "Chairman Mao mauna na po kayong mauwi, magseset na din po ako ngayon ng meeting sa PR, Marketing at Strategy dept. para sa Anniversary Event," ani ni Aizen. Habang nakaalalay sa hi-tech na wheel chair na kusang umaandar dahil sa remote button. "Napakaaga naman ata niyan apo next month pa ang okasyon." hinawakan nito ang kamay ni Aizen. "Chairman Mao major event po kasi ang anniversary alam ko pong dadalo din ang mga malalapit niyong kaibigan at mga kilalang tao mula pulitika at business sector gusto kong plantsado every details ng anniversary natin." "Apo masyado mo naman ako pinabibilib ayaw mo ba kong makasama?" nang marating na nila ang elevator yumuko na si Aizen. "Bukod po kasi anniversary may mga plans pa po iniisip kagaya ng charities at new product launch, babawi po ko sanyo Chairman sa susunod" "Bueno kung hindi ka na magpapaawat sa gusto mong gawin, magkita na lang tayo sa mansion hihintayin kita para magkakuwentuhan tayo apo." At naghiwalay ang maglolo kasunod ang mga personal security nila kaagad na inutusan ni Aizen si Kisky para ipatawag ang ilang dept. na hahawak ng event at si Aizen naman naman ay tumungo sa delibeartion room nakasunod naman sila Brent at Cedrick. "Ganito pala ang VIP mukhang workaholic ah, sabi ni Brent na binasag ang katahimikan nilang dalawa. "Baka naman nagpapa impress sa kanyang lolo at sa iyo." bulong ni Cedrick na patuloy na sinusundan si Aizen. "Wag kang maingay , baka marinig ka" saway ni Brent. Nang matipon ni Kisky ang mga magmemeeting kaagad na nagumpisa ang deliberation makalipas ang isang oras ay umuunat unat na ng mga katawan sila Brent at Ced dahil sa tagal ng pagkakatayo nila sa pinto para magbantay. Habang sa luob ay room ay..... "Omg mukhang mas workaholic pa ata si VP kaysa sa mga Executives natin at kay Chairman." bulong ng isang babaeng empleyado. "OO nga eh lagot ako sa boyfriend ko nangako akong manunuod kami ng sine ngayon," sabi ng isang bading na empleyado. "Hindi ko na namalayan oras teh mag aalas otso na pla kaloka," bulong pa ng isa. Biglang tumunog ang microphone sa podium kaya napatigil ang mga nagbubulong bulongang empleyado. "I just like to inform you that na ifi-file for overtime ang oras na ginugol natin for meeting hanggang sa tayo matapos and each department kailangan isend ang report tonight lahat ng napagmeetingan natin for product launching and before we proceed for anniversary" huminto muna saglit si kisky at nagusap sila ni Aizen. "Omg hindi pa tayo tapos uumagahin na ba tayo dito." "Nagugutom na me." Ito ang mga reaction ng iilang mga empleyado sa loob ng Conference Room. Patakbong bumalik si Kisky sa microphone at ngumiti..... "lets have a dinner first before we proceed for the anniversary deliberation." Pagbukas ng pinto inuluwa ang caterers at agad na isinet up nag masasarap na pagkain para sa mga nagugutom na mga empleyado. Kaagad na tinawag ni Kisky sila Brent at Cedrick para makasama din sa dinner buffet. Habang kumakain ang lahat di maiwasang magbigay puri ang mga empleyado kay Aizen. "Na-touch naman ako kay Vice Pres. may pa lapang pala tayo di ko ineexpect to." sabi ng isang matandang empleyado. "Oo nga kala ko uuwi tayong luhaan at gutom." ani namam ng matabang babaeng empleyado "Naku food si life ka talaga." Wika ng isang empleyado. "Syempre, ang sasarap din kaya ng mga pagkain pero mas masarap itong mga katabi ko" sabay turo ng nguso kanila Brent at Cedrick. "Grabe ka teh para paraan ha" sabi ng baklang empleyado. Nangiti naman sila Brent at Cedrick sa pagbibiro ng matabang babae. "Okay mare fast talk pagkain o itong mga gwapo na yummy na sila Sir." Tanong ng isang bakla na empleyado. "Pwedeng both" sagot nito kaya naging masaya sa grupo nila "Si Mr. Vice pres oh trabaho pa rin kahit kumakain ang sipag tlga ang pogi-pogi pa" ani ng isang babaeng empleyado. Kaya napatingin sila sa dereksyon nang kinauupuan ni Aizen kasama si Kisky at mga executive o managers laking gulat nila ng makita nilang tumayo si Aizen at inayang kumain ang matandang janitor na si Mang Jerry. "Wow ang bait tlga ni Vice president" "May mabuti siyang kalooban promise." Mga papuri naririnig nila Brent at Cedricksa mga empleyado. Habang kumakain ay mayat maya panakaw na sinusulyapan ni Brent si Aizen napapangiti pa ito. "Tinamaan na ang kaibigan ko, Aagawan mo pa ko eh." bulong ni Cedrick kay Brent. "Anong sinasabi mo Ced?" tanong ni Brent kay Cedrick habang di mawari ang itsura ni Brent na naiinis na kinikilig. "Bakit di mo pa kasi aminin, sige ka pag di ka kumilos ako na mangliligaw kay Boss."babala ni Cedrick. "Tumigil ka nga tol at baka may makarinig satin na handbook natin yan bawal makipagrelasyon sa Vip di ko nabasa yun. Gusto mo mawalan ng trabaho?" bulong ulit ni Brent "Ang Bawal minsan puwede basta walang ibang makakaalam." loko-lokong bulong ni Cedrick. Tiningnan ng masama ni Brent si Cedrick sabay sabing.... "Lalaki ang amo natin kaya bakit ka niya papatulan kahit na sabihin natin na habulin ka ng mga bakla." Wika ni Brent. Pagkatapos makakain ang lahat ay nagpatuloy ang meeting habang sa labas naman, palakad- akad naman si Brent para matanggal ang kanyang pagkabagot maya maya nag uunat ng katawan muli niyang inalala ang natunghayan niya sa luob "Mabait nga siguro ang VIP" bulong ni Brent sa sarili. Hindi niya mapangiti ng bahagya. Magdadalawang linggo na rin kaming nagbababtay kay Vice President. Napakabait niya samin lalo na kay Ced wala pa naman naeexperience sa kanyang bad treatment samin, napakabait pala niya talaga. Sa isip isip ni Brent. Napahikab si Brent sabay tingin ng oras sa wrist watch nito samantalang si Cedrick ay sumalampak na sa sahig at naglaro ng games sa kanyang phone naisipan na din tumawag ni Brent kay Aling Mira para ipaalam na gagabihin ito ng uwi. Lumipas pa kalahating oras nakatulog ang dalawa na nakasandal sa dingding. Hindi man lang nila namalayan ang pagbukas ng pinto at unang lumabas ay si Aizen at Kisky kasunod nila ang mga employee. Napako ang tingin nila sa dalawang natutulog sumenyas naman si Aizen ng wag maingay kaya napatigil sa pagtawa at dahan-dahan lumakad ang papa uwing employee ng sila na lang ang natira sa corridor "Ang cute nilang dalawa" wika ng isang babaeng empleyado sa saobrang kilig na nadaraman niti ay tinakpan pa ang bibig ng mga folders na hawak para maitago ang ngiti. "Mahina pala mga to eh tumba agad, 10:30 na pala sa condo na lng tayo ngayon." sabi ni Aizen na gigisingin ang dalawa. "Eh sila." Tanong ni Kiskey na napapangiti pa din at hinihintay ang magiging reaksyon ng dalawa pagkagising. "E di umuwi sila." Natatawang sabi ni Aizen. "Mga Sir gising hoy." Wika ni Kiskey sabay kalabit nito sa mga hita nila. Laking gulat naman ng dalawa ng magising sila nasa harap nila ang binanbantayan mga VIP. "Uwian na!" natatawang wika ni Aizen. Napatayo naman agad ang dalawa at humingi ng pasensya pero tinalikuran sila nila Aizen at nag umpisang maglakad agad napahabol ang dalawang bodyguard , tumungo sila basement parking.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD