I Think About You

340 Words
I think about you more than you could ever know. -- Dear EX, Naglinis ako ng kwarto ko, tapos nakita ko 'yong paper bag ko na may mga laman na notebook. Binuksan ko iyon at nabasa ko ang mga mensahe mo na madalas kong isulat sa mga notebook na iyon. Bigla akong napangiti kasi naisip kita. It's been a while. Kumusta ka na? Masaya ka na ba? Ako kasi ganoon pa rin. Pinipilit na maging masaya sa bawat araw na nagdaraan. Kahit ilang taon na ang lumipas, hindi ko pa rin mapigilan ang sarili ko na hindi ka isipin. At ito na naman ako, napapaluha sa isang sulok. Iniisip kung kumusta ka na. Iniisip kung okay ka lang ba. Kung masaya ka na ba ngayon. Kung nagkakasakit ka ba o kung umiinom ka ba ng gamot sa tuwing nagkakasakit ka. Kung kumakain ka ba ng tama sa oras at kung natutulog ng may sapat na oras. Ako ba kahit minsan ay naiisip mo rin? Kasi ako, araw-araw kitang iniisip. Ilang taon na 'yong lumipas pero nag-aalala pa rin ako. Baka kasi mag-isa ka pa rin at madalas na walang kasama. Baka kasi nagkakasakit ka at mag-isa ka lang habang tinitiis mo ang sakit. Gustuhin ko man na alamin ang lagay mo ngayon ay hindi ko magawa. Mula kasi nang araw na nagdesisyon kang tapusin na ang lahat sa atin ay wala na akong anomang naging balita pa sa iyo. Unattended na ang cellphone number mo. Deactivated na rin ang lahat ng social media accounts mo. Hindi ka rin nagre-reply sa mga email ko sa iyo. Naisip ko tuloy, ayaw mo na talagang magkaroon pa ng koneksyon sa akin. Dahil mula nang matapos tayo, pinutol mo na rin ang lahat ng pwedeng maging koneksyon ko sa'yo. Kaya ito. Hanggang pag-iisip na lang sa iyo ang kaya kong gawin sa ngayon. Sana kung nasaan ka man ngayon ay palagi kang maging masaya. Iyon lang ang tanging hinihiling ko. Maging masaya ka sana lagi kahit—hindi na ako ang dahilan no'n. MGN
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD